Chapter 18

740 10 18
                                    

Dumating na ang araw ng presscon nila slater, fritzie at gracey. "Thanks giving Presscon" daw ito para sa press people sa sobrang suporta nila kay slater at fritzie kaya't nagtataka ang iba kung bakit nandun si gracey na 'wa name pa naman at starlet pa talagang maituturing.

Pagkatapos mapagusapan ang mga tungkol sa show nila na patapos na at sa upcoming soap kung san makakasama ng Fritzter Loveteam si Gracey ay nagtanong na ang mga reporter at columnists.

"Si Gracey na ba ang magiging bago mong ka-love team pag binuwag na ang LT niyo ni fritzie?" tanong ng isang kolumnista ng VULGAR

"Hindi ko rin po alam ang plans ng management eh" alangan na sagot ni slater dito

"Ikaw Gracey,, single ka ba? at fit ba si slater sa ideal guy mo?" tanong ulit nito

"Oo naman po...actually number 1 crush ko si slater eh simula dati pa.. chos lang"  sagot naman ni gracey

"Yun naman pala eh..I think we've found a new LT here..pero ready ka na ba sa mga magiging bashers mo na fans ng FrizTer?"

"Oo naman..mga chararat lang naman mga yun eh... Magugustuhan din nila ko" natatawang sagot ulit ni gracey

"Naku. Palaban pala itong si gracey eh. Ikaw naman fritzie..kamusta ang puso mo ngayon? Wala na ba talagang pag-asa na maging real ang reel love niyo ni slater? May balitang gusto ka daw ligawan ni slater"

Nagpintig na ang tenga ni Fritz sa paulit ulit na tanong na yun, dagdag pa sa mga nalaman niya na madami ring naninira kay neil dahil lang sa siya ang piniling mahalin ni fritzie. "Okay..so my manager will hate this...but no. Walang pag-asa yan. Slater is like a brother to me. I love him like a sister loves her brother. At di po niya ako nililigawan, press release lang yan. I am very much inlove with Neil. Again, if totoo ko silang fans at if totoong mahal nila ko, they will support and love kung sino man ang mahal ko"

"Very well said..We are glad to know na matapang ka na aminin ang totoo" pagtatapos ng kolumnista

Tumayo naman ang isang reporter at si slater ang napili nitong tanungin "Mr. Young..ayon sa isang relialble source ko,, may nakapagbulong daw sa kanya na lamok na may idini-date ka daw na babae from the news department. Is this true? At hindi na ba talaga available ang Cosmo's number 1 bachelor?

Nanlamig ang buong katawan ni slater. Nanigas ang dila nito dahil sa kaba. Hindi niya alam ang dapat niyang gawin. Nabigla siya sa tanong. Naisip niya na gayahin si fritzie at magsabi ng totoo. Pero pinigilan siya ng nanlilisik na mata ni jia na para bang nagsasabi na "Career Suicide ang ginawa ni fritzie kaya wag na wag mo gagayahin"

Naalala tuloy niya ang bilin nito sa kanya "Just deny deny deny if they ask you about your love life" ani jia sa kanya ng huling magusap sila. 

Nagsimula nang magsalita si slater. Sa una ay nauutal pa siya sa pagsisinungaling niya pero kalaunan ay swabe na at dalang-dala na siya sa mga kasinungalingan niya

"Nope. Hindi po totoo yun. She's just a friend.....the girl na ini-issue nila sakin. Right now I'm busy sa work. Pero if may someone special na ko..for sure ako pa mismo ang super proud na maga-announce sa buong pilipinas"

"How about gracey, pasok naman ba siya sa ideal girl mo? For sure ibi-build up na talaga ng management ang LT niyo since umamin na si fritzie na may boyfriend siya"

"Oo naman po.. witty, pretty at simple... pasok sa banga ika nga. In fact kung bibigyan ako ng chance na magka-girlfriend ngayon eh siguro siya ang pipiliin ko" sinabayan ito ni slater ng nerbyos na tawa niya

Marami pang mga tanong na ibinato ang press sa kanilang tatlo pero mostly ang topic ay love at si slater at gracey na ang tinatanong. Hindi na nila binigyan ng masyadong pansin si fritzie.

Million Miles AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon