Chapter 15

956 12 14
                                    

  Natutulog na si nat-nat at tin sa isang tent habang si slater at jessie naman sa kabila. Mga ala una ng madaling araw nang mapagpasyahan ni tin na lumabas muna para magpahangin. Nakaidlip naman na siya, pero parang feel niya lumabas dahil medyo mainit sa loob ng tent pag nakasarado ito.. Nagulat ito na makita si slater na nakaupo dun sa labas at nilalaro yung mga kahoy sa campfire nila gamit ang stick.. 

"Slater?" tanong ni tin habang nagkakamot pa ng mata at umuunat

"Uyy, tintin bakit gising ka? di ka rin makatulog?" nakangiting bati nito sa kanya. Sobrang fresh lang ng aura ni slater at mukang masayang masaya ito.

"Kakagising ko lang. nagpapahangin lang...ikaw bakit gising ka?"

"Ikaw magpapahangin..eh ako naman nagpapainit.." natawa si slater sa korny niyang joke pero inirapan lang siya ni tin.

"Taray mo naman tintin..ganyan ka ba sa boyfriend mong super hunk slash dramatic actor slash singer slash dancer at engineer pa ha" kunwaring nagyayabang na sabi nito

"Ewan ko sayo..maglalakad lakad nga muna ko" 

"Teka, sama ako" tumayo si slater at humabol kay tin sabay hinawakan ang kamay nito habang naglalakad

"Uyy..para tayong nasa movie o..hahahaha" lumipad lipad ang buhok ni tin pati ang maxi dress nito

Hindi naman matiis ni slater na hindi titigan si tin at hawiin ang buhok na lumalaylay sa mukha nito. Sadyang napakaganda lang nito kahit walang make-up. Sa liwanag ng buwan ay aninag pa din ang rosy cheeks nito. 

"Alam mo ba kung ano nangyayari sa movies pag ganito ang scene?" seryosong tanong ni slater 

"Ano?" kunot noong tanong ni tin

"Nagpapagulong gulong sa buhangin habang nag-aano" malisyosong sagot nito

Hinampas ni tin si slater sa balikat sabay tumawa ng malakas

"Aray naman tin...battered boyfriend agad ako? magagalit sayo ang fans ko sige ka"

"wala akong pake" ngumiti si tin at bumitaw sa kamay ni slater. Kinuha niya sa tent ang beach towel niya at nilatag ulit sa buhangin saka umupo siya dito. Sumunod naman si slater na umupo sa likod ni tin at inakap siya mula sa likod.

Nilingon naman ni tin si slater "I love you slater! Mas sobra sobra pa sa love sayo ng lahat ng fans mo.." pacute pero seryoso naman nitong sabi

"I love you too tintin!!" hinalikan ni slater si tin sa lips. Isang mabagal at masidhing halik. Naglaban ang mga dila at labi nila at nang sumakit na ang leeg ni tin ay tumigil na siya at inilayo na niya ang mukha niya.

"Aray...stiff neck na ata to.." ani tin habang hinihimas ang leeg niya

"Ayan kasi tin masyado ka nanggigigil sakin..hahaha..."

"Tara na nga matulog na tayo ulit" niyakag ni tin si slater at naglakad na sila pabalik sa mga tent nila

Pagtapat nila sa tent nina slater at jessie ay natawa si tin dahil gumagalaw ang tent. At kita ang anino nila jess at nat-nat na may ginagawang kung anong milagro.

"Ssshh..." saway ni slater kay tin dahil sa lakas ng tawa nito. "tara nalang dun" inakay ni slater si tin papunta sa kabilang tent

Si tin naman ay tinakpan nalang ng kamay niya ang bibig niya para mapigilan ang tawa niya.

Nahiga na silang dalawa sa loob tent. Dahil sa share lang sila sa unan ay nailang naman si tin sa sobrang lapit nila sa isa't isa kaya pasimple niyang nilagay ang jacket niya sa pagitan nila ni slater. 

Million Miles AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon