Chapter 3

834 10 17
                                    

" Papano na yan? Hinihintay ako ni Ms.Alex" reklamo ni tin

"Ako rin may taping pa ko eh.. scene ko na kaya next..lagot ako nito" nag-aalala naman na sabi ni slater

"Hala..8 pm na.. ano ba naman to!!" napaupo na lang si tin sa sahig ng elevator na parang nagmamaktol. Hindi niya alam kung swerte ba siya dahil nastuck siya loob ng elevator kasama ang crush niyang si slater o malas dahil alam niyang mapapagalitan siya ni Ms.Alex

"Siguro may balat ka sa pwet noh? Kaya nastuck tayo dito? Ako kasi meron din" Nasabi na lang ni slater para pagaanin ang loob ng kasama

Natawa naman si Tin sa sinabi nito "Grabe nagjojoke ka pa diyan...dapat pala komedyante ka eh" 

"Pinapatawa lang kita eh.. Miss...??  wait, di ko pa pala alam name mo. I'm slater..and you are?"

"Whatever..alam naman ng buong Pilipinas pangalan mo eh. I'm Christine, pero Tin na lang" Kinikilig nanaman ito pero ayaw niyang masira ang poise niya kaya pinipigilan niya

"Ah.. kasing ganda mo ang name mo"

"Ano?"

"Wala, sabi ko maganda pangalan mo"

"Ah...salamat maganda din naman yung slater" 

Nangiti naman ang binata sa narinig. Umupo na rin si slater sa sahig malapit ky Tin at uminom ng coffee niya. 

"Grabe, til what time pa kaya tayo dito? parang 10 minutes na o" 

"Maybe we can try to shout for help?" sinuggest ni tin

"Wag na.. mapaos pa tayo. for sure marerealize din nila na nastuck to and they'll get us out of here in no time" sabi naman ni slater

"Sige, sabi mo eh.. naniniwala naman ako sa mga gwapo"

"Uyy..gwapo pala ko eh.crush mo ko??" nanunuksong tanong nito

"Hindi ah..pero gwapo ka naman talaga. I mean magiging artista ka ba kung hindi?" tigas tanggi ni tin dito

"Okay....pero kung crush mo ko sabihin mo lang ah...parang crush din kasi kita eh" mahinang sagot ni slater

"Ha? ano?"

"Sabi ko nakakagutom naman baka pwede humingi ng cake mo"

"Ah...o sige.. pero share na lang muna tayo sa isa ha..baka kasi mamaya pa tayo dito wala na tayo makain" 

"Sure sige...thanks ah. Di bale pag labas natin dito ako naman mangttreat sayo"

(Wow! May balak pa siyang makita ko after nito? Grabe ang haba naman ng hair ko!) naisip ni tin

Nilabas ni tin ang maliit na cake at binigyan ng fork si slater. Kumuha din naman siya at kumain na sila. 

"Sarap naman nito" komento ni slater

"Di mo pa pala na-try to?"

"Di pa eh. May alam din ako place na may masarap na cakes. Dalhin kita dun minsan"

(Hala ano ba tong lalaking to...di ko na kaya mamamatay na ko sa kilig!!!) isip ni tin na pinipigilan ang sarili niya na ngumiti ng todo

"Lagot ka ky Fritzie...pinaghihintay mo siya sa taping" iniba na lang ni tin ang usapan

"Naku, hindi ko naman kasalanan eh"

"Mukhang mataray pa naman siya. Girlfriend mo ba siya?"

"Hindi ah"

"Bakit sabi sa magazines kayo na?"

"Siyempre...for publicity, para bumenta show namin"

"Ah okay"

"Ikaw may boyfriend ka? Impossibleng wala"

"Wala nga..."

"Totoo?" excited na tanong ni slater

"Oo nga.. 2 years na ko walang boyfriend"

"Bakit?"

"Wala ko nagugustuhan eh"

"Eh dito sa network wala kang type? madaming gwapo dito" pagfifish pa ng information ni slater

"Hmm...actually meron...matagal ko na crush yung isang hunk dito..pero secret na lang kung sino siya"

"Okay..sabi mo eh" parang nalungkot ito na marinig na may gusto pala si tin sa network nila. pero naisip niya (Di kaya ako yun?) kaya't inusisa pa niya si tin "Si Carlo? Si Kevin? Si Ryan?"

"Ano ba yan...inisa-isa mo na eh..secret nga eh diba?" nakangiting sabi nito

"Sige sige hindi na" 

Nagpatuloy ang kwentuhan nila at napunta na sa kung ano-anong topic.. 11 pm na pero hindi pa din naayos ang elevator at stuck up parin sila. 

"Grabe ang init na " reklamo ni Tin habang tinatanggal ang blazer niya

"Oo nga pinawisan din ako eh" sagot ni slater na hindi malaman kung bakit siya pinagpawisan bigla.

 Maya maya ay biglang nag-flicker ang emergency light at tuluyan na namatay.

"Waaaaaah!! My gulaay!!" sigaw ni tin sabay siksik kay slater 

"Sshhh... relax"  tinapik tapik ni slater ang likod nito

Kinapa ni tin ang bag niya para kunin ang cellphone niya pero iba ang nakapa nito

"umm..tin.. hindi yan cellphone mo" madilim man ay halata sa boses ni slater na nakangisi ito

"shucks sorry!!" pasalamat si tin at sobrang dilim dahil sobra ang kanyang pamumula 

Million Miles AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon