Chapter 4

850 11 8
                                    

"Grabe inaantok na ko" sabi ni tin sabay hikab

Ala una na ng umaga at magkadikit pa din sila pero ngayon ay may konting ilaw na dahil sa ilaw ng cellphone ni tin na hawak niya. Pinaglalaruan ni tin ang iphone niya.. pinapanood niya ang mga pictures pampalipas oras.

"Uy, sino yan?" tanong ni slater nang makita niya ang isa sa mga pictures

"Ah, mom and dad ko" explain naman ni tin

"Ang ganda ng mommy mo" puri ni slater

"Oo maganda talaga yan"

"sige lipat mo pa..patingin pa ko"

Pinakita naman ni tin ang mga pictures ng dogs niya at sinabi pa niya isa isa ang mga pangalan nito ky slater, pagkatapos ay tuloy tuloy pa rin siya sa pagpapakita ng mga pictures

"Hep, sino naman yan? manliligaw mo?"  tanong ni slater nang makita ang picture ni tin na may kasamang lalaki

"Hindi..friend ko lang" malumanay na sabi ni tin

"Ahh.." nakangiting sabi ni slater "Uyy..ang sexy mo diyan o!" sabi ni slater nang makita ang picture ni tin na nakaswim suit sa beach

"Tsee!! wag mo nga tignan" at nilayo niya ang iphone niya ky slater

"Ang arte naman...sige ako na lang magpapakita sayo ng pictures ko" sabi ni slater habang dinudukot ang sarili niyang iphone sa bulsa

"O eto ako o tignan mo shirtless... ang gwapo ko no?" pangaasar pa nito

"Excuse me,, nakikita ko na sa mga billboard katawan mo noh..hindi naman ako na-impress" natatawang sabi ni tin

"Uyy,, tinititigan mo siguro sa edsa noh? hahahaha.."

"Hindi ah...sige lipat mo na nga!"

"Eto naman parents ko..tas ayan ang brother ko..si jessie" kwento ni slater

Nang nakita ni tin ang picture ni slater na may kaakbay na babae ay di niya napigilan ang sarili niya na magtanong "Sino yang girl?"

"Ahh.. yan ba..si natnat yan,, girlfriend ni jessie" 

"Ah..okay.." ngumiti na si tin nang malaman na taken na ang babae

"O eto ang bahay namin sa cebu... diyan mahilig dad ko magstay o sa may lanai" kwento pa ni slater  " Actually kasali ako sa nagdesign sa bahay namin eh,, kasi licensed civil engineer ako... tinuloy ko parin studies ko eh kahit nagaartista na ko"

"Bakit niya kaya kinekwento mga personal stuff? Ang alam ko di naman siya makwento sa media bout those things eh..Hmm.. baka naman naboboringan lang siya kaya siya nagkkwento" naisip ni tin pero napapangiti siya sa thought na at ease si slater sa pagkkwento sa kanya. 

"Galing mo naman pala" yun nalang ang nasabi ni tin sa pagkamangha niya ky slater

"Grabee... andami ko pa papractisin na lines eh.."  reklamo ni slater

"Dala mo ba yung script mo? tulungan kita gusto mo? may flash light naman tayo" suggestion ni tin

"O sige..thanks tin...nandito sa iphone ko yung mga lines ng kapartner ko o" inabot niya kay tin ang phone niya

"Sige.. game slater?"

"Game tintin..isipin mo nasa shooting ka ha..tapos may directors and everything" nakangiting  sabi ni slater

Bumwelo lang si slater at bigla na itong naging seryoso. Mahusay talaga itong umarte.

"Please wag mo ko iwan! Hindi ko kaya pag wala ka" nagingilid na ang luha sa mata ni slater

"Wow ang galing niya talaga" naisip ni tin. Sinilip niya ang  linya na dapat niyang sabihin sa phone bago nagsalita. Sinubukan niya na maging "in character" din..

"Ayoko na..sawa na ko sa panloloko mo" sabi ni tin

"Please di ko talaga kaya! Promise hindi na mauulit!" saka niyakap ni slater si tin

"Siguro yun yung gagawin niya sa scene..shucks di ako makahinga sa kilig" naisip ni tin habang yakap yakap siya ni slater nang mahigpit. Sumilip siya ulit sa iphone at binasa ang linya saka nagsalita. "Please don't make this hard for me" sabi ni tin in her most convincing voice

Nagulat si tin nang biglang hinawakan ni slater ang batok niya at biglang hinalikan siya nito sa lips.  Imbes na lumayo siya ay pumikit na lang siya. Feel na feel niya to lalo na at matagal na talaga niyang crush si slater. Akala nman niya ay smack lang ito. Mas ikinagulat niya nang pagkatapos ng ilang segundo ay biglang lumalim ang halik ni slater at imbes na tapusin niya ang kiss ay ginantihan niya ang bawat halik ni slater at sinabayan ang bawat galaw nito. 

Masyado na sila matagal naghahalikan nang narealize ito slater kaya umurong na ito. "Sorry tin!! I got carried away..." pilit na pageexplain ni slater

"Umm..Ok lang... Ako din eh.....hahaha" ninenerbyos si tin habang nagsasalita siya. nalungkot siya nang sabihin ni slater na nadala lang ito kaya hinalikan siya.

"Sorry ah.. please don't think I took advantage of you" 

"No..it's okay..really..don't say sorry" naiirita na si tin sa pagso-sorry ni slater dahil siya naman ay hindi nagsisisi sa kiss na yun.

"Okay...sorry ulit.."

"Okay nga lang...kulit. okay lang ba kung hindi na natin tuloy tong batuhan ng linya? Inaantok na kasi talaga ako eh" sabi ni tin saka  umurong papalayo kay slater

"Oo naman, okay lang" sabi ni slater

Maya maya ay nagsalita ulit ito..

"Sandal ka na muna sakin o" sabi ni slater sabay tapik sa balikat niya

"Hindi okay lang, gawin ko na lang unan tong jacket at bag ko" Pinatong ni tin ang jacket niya sa bag at hihiga na sana siya nang hawakan ni slater ang balikat niya at ihiga siya sa lap nito.

"Dito ka nalang..(ngumiti ito) I insist" sabi ni slater at kinuha nito ang phone ni tin  "ako na muna maghahawak sa flashlight natin..hehe"

"O sige.. salamat ha..." pumikit na si tin pero di niya mapigilan na ngumiti.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakatulog na si tin... 

Si slater naman ay nilapit ang ilaw sa muka ni tin at saka tinitigan ang mukha nito "Ang ganda talaga niya... grabe ka slater nahalikan mo pa! Mabuti na lang mabait siya di ka sinampal" sabi ni slater sa sarili niya habang pangiti-ngiti pa. 

Sa totoo ay nagulat din si slater sa ginawa niya. Nadala lang siya talaga sa acting nila kaya niya nahalikan si tin at dahil yun din naman ang gagawin niya sa taping sa ka-eksena niya, pero nang mahalikan na niya ito ay parang may nafeel siyang spark kaya hindi niya naitigil. 

Maya-maya pa ay nakaramdam na rin ng antok si slater kaya pumikit na rin siya at tuluyan na nakatulog.

-Eh yung walang SPG? Nganga kayo! hahahaha

Million Miles AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon