Chapter 8

737 12 13
                                    

Pagkagising ni tin kinabukasan ay may natanggap siyang text mula kay slater. "Good Morning tintin!!" Napangiti naman si tin sa text na to at nagready na pumasok sa network. Umaasa naman siyang makikita niya si slater Pero nagdaan ang buong araw at  hindi naman niya ito nakita.

Dumaan ang isang linggo at araw araw naman nagtetext si slater ky tin pero usually ay "good morning o good night lang" pag-nagrereply naman si tin ay hindi na sumasagot pa si slater na ikinalungkot naman ni tin.

Isang araw ay pinatawag ni Ms.Alex si Tin sa opisina. "Tin, ikaw ang ipapadala ko bukas sa presscon ng teleserye ni slater at fritzie ha"

"Ms.A bakit ako? eh showbiz news naman yun.... may naka-assign naman dun"

"Tin, wala naman tayo pinipili na news. News parin yun and I need the story. Ikaw ang ipapadala ko para ma-experience mo naman mag- Q and A. Gagawin mo din yan sa mga ibang news yun nga lang start  ka muna  dito sa showbiz okay?"

"Pwede po pasamahan niyo ko? Di ko pa talaga alam gagawin eh" pakiusap ni tin kay Ms.A

"Sure... I'll ask Jericho to go with you"

"Si jericho ma'am?"

"Yes may problema ba sa kanya?"

"Umm wala po" Ngumiti ito at umalis na

Ang totoo ay nahihiya si tin na si eco ang tumulong sa kanya dahil napapansin niya na may special treatment ang binata sa kanya. Palagi siya niyayaya nito maglunch pero di naman siya nakakasama dahil madami siyang ginagawa. Gwapo ito at crush ng bayan sa news room. Katulad ni tin ay madami din naghihikayat dito na mag-artista na lang since kamuka naman ito ni Piolo Pascual pero katulad din ni tin ay mas hilig nito ang News and Current Affairs pati na rin ang sports.

                                                  -------------------------------------------------------------

Isang linggo na simula ng lumabas si slater at tin. Tinetext niya palagi ang dalaga pero pag nagrereply na ito ay di na niya nirereplyan pa. Natatakot siyang mahulog ng husto ky tin dahil na din sa paalala ng manager niyang si jia.

Nagsimula ito nung araw pagkatapos nilang lumabas ni tin. Habang naglalakad sila ay may nagpapicture kayat pinahawak niya kay jia ang cellphone niya. Bigla namang may nagtext kaya't umilaw ang cellphone niya at nakita ni jia ang wallpaper ni slater na picture nila ni tin.

Pagkatapos ng picture taking ay binalik na ni jia ang cellphone ni slater. Naglakad na sila pabalik sa studio.

"Umm slater,, sino yang nasa wallpaper ng phone mo?" mahinahon na tanong ni jia

"Just a friend ji.."

"Hmm...just a friend pero nakadisplay sa phone? I think nakikita ko siya dito sa station eh"

"Ji..." susubukan sana ni slater na mag-explain

"Slater, alam mong di kayo pinipigilan magka-gf,...just please be discreet about it...kung ayaw mong mawalan ng fans.. si fritzie alam ko nagpapaligaw din and okay lang naman sa manager niya. Just keep your private life and your showbiz life separate.... you have to protect your loveteam, you also have to protect that girl, kung gusto mo talaga siya. Alam mo na.. iba na mga fans ngayon"

"Yes jia" Ang tanging nasagot ni slater sa kanya

Naisip din naman ni slater na tama rin ang mga sinabi ni jia. Napagdesisyunan ni slater to take things slow with tin at hindi na muna ito kulitin. Yun nga lang ay di niya matiis na hindi itext man lang ang dalaga pero napipigilan naman niyang magreply na dito. Gusto lang niyang malaman ni tin na kahit papano ay naaalala niya ito everyday.

                                                   ---------------------------------------------------------

Dumating na ang araw ng presscon at katulad ng napagusapan ay si jericho ang sumama ky tin. 

"Dun tayo sa may pinakaharap umupo" alok ni jericho

"Wag na..dito na tayo sa may pangatlong row"

"Tin...first lesson, wala kang makukuhang scoop galing sa likod" sabi ni jericho at inakay na si tin papunta sa harap 

Nagumpisa na ang presscon at dumating na ang mga artista. Naupo na sila sa isang mahabang lamesa. Ang mga reporter at photographer naman ay sige na sa pag-click ng camera. Si tin naman ay nakayuko lamang dahil ayaw niyang mapansin siya ni slater.

"Eco, please..ikaw na magtanong? nahihiya pa ko eh" pakiusap ni tin

"Sige na nga..ikaw na lang maghawak nitong recorder" sagot ni eco na nakangiti sa kanya

"Thanks eco ang bait mo talaga sakin"

Nagsimula na ang tanungan at siyempre tungkol sa serye ang mga tanong. Maya maya pa ay personal na ang mga tanong sa mga artista. 

"So, fritzie...how true na exclusively dating daw kayo ng isang non-showbiz guy?" tanong ng isang reporter

"Not true..chismis lang po yan" nakangiting sagot ni fritzie, pero aninag naman sa maganda niyang mukha na nagsisinungaling siya

"Ikaw naman slater, may nililigawan ka ba ngayon?" tanong naman ng isa pang reporter

"Umm...wala po. Pero may prospect na po kaso walang time " habang sinasabi ito ni slater ay nakatitig  siya sa gawi ni tin na ikinakilig pero ikinakaba naman ng dalaga

"Si fritzie na ba yang dinedescribe mo slater?" tanong pa ulit ng isa pang reporter 

"Secret" ang tanging sagot ni slater 

Nakaramdam naman ng konting kirot si tin sa sagot ni slater. Iniisip niyang mabuti kung siya ba nag tinutukoy ng binata. Sinabi nito na "date" yung paglabas nila at sana daw ay maulit pa. Tinetext din siya nito araw araw. Pero sa kabilang banda ay naisip din niya ang di pagrereply nito sa tuwing sasagot siya mga "good morning o good night" nito. Sobrang mixed signals lang talaga.

Natapos ang presscon at nakapagtanong na din si jericho. Nagisispag-tayuan na ang mga reporter at ang pati na rin ang mga artista. Nakuha na nila ni tin ang story na hinihingi ni Ms.Alex . Sa sobrang tuwa naman ni tin ay niyakap niya si eco. 

"Thank you eco!! super thank you!"

"Welcome tin! anything for you" sagot naman ni eco sabay humalik sa ulo niya

                                          ------------------------------------------------------------------

Hindi mapigilan ni slater na mapatitig kay tin. For the past week ay sa picture lang niya ito nakikita. Ang ganda ganda ni tin kahit naka-polo lang ito at naka-braid ang buhok. Kasama nito si Jericho Rodrigo, yung gwapo at macho na palaging nagcocover about sports news para ST channel sa loob o labas man ng bansa.

Hindi maintindihan ni slater kung bakit si jericho ang ipapadala sa showbiz presscon at kasama pa si tin. "Siya na ba ang mentor ni tin? So palagi sila magkasama?" tanong ni slater sa sarili.

Buong presscon ay di niya maiwasan na tumingin tingin sa gawi nila tin at makaramdam ng panic sa tuwing lalapit ang mukha ni jericho kay tin. Nang natapos na ang presscon ay patayo na siya pero napalunok si slater ng nakita niya na niyakap ni tin si eco at humalik pa si eco sa ulo ni tin.

"Slater let's go please... may photo op pa o!!" mataray na sabi ni fritzie nang mapansin nito na spaced out si slater.

                                           ----------------------------------------------------------------------

Patulog na si tin ng gabing yun ng may nagtext sa kanya. Nakita niyang si slater ito at akala niya ay "good night" text nanaman ito. Napatalon siya sa kama niya sa tuwa nang "Hi Tintin! Ang ganda mo kanina!! :)" ang mabasa niya mula dito. 

Million Miles AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon