Chapter 23

1.1K 11 25
                                    

Sumabay si tin sa kotse ni victor papunta sa tides at hindi na nakasama sila marjie at jean dahil sa madami pa silang kelangan na tapusin sa dept. nila. Ang mga nakasama lang ay sila tin at victor, ang magkasintahang kim at riks, ang  isa pang writer na si bashya, ang  isa ring segment producer na si manoy at ang parating palang na sila geo at cel. Natural ay naging tampulan sng tukso sila victor at tin dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng mga kasamahan nila na may gusto si victor ky tin. Simula nang maging close sila ay tin na rin ang tawag ni victor sa kanya. 

"Tin...single ka pa ba?" tanong ni riks dito

"Umm...oo?" natatawang sagot naman ni tin. Ang totoo ay gusto niya sana sabihin na may boyfriend siya pero sigurado siyang uusisain nila kung sino

"Hala bakit parang di sure?hahaha"  tawa ng tawa si riks na sa totoo lang ay isa pang may crush din kay tin

"Umm..oo.. single!" mas may conviction na this time na sinabi ni tin saka ngumiti na lang sa mga kasama

"Bakit mo ba kasi tinatanong ha?" mataray na tanong ni kim sa kasintahan

Walang kumibo sa akala nilang namumuong away.  Parang may dumaan na anghel sa katahimkan. (Ika nga ni toni...very awkward..very very awkward)

"Chos lang!! kayo naman di majoke...infairview ha, bagoy kayo victor and tin!" muli nang nagsalita si kim at tumatawa na ito pero habang hindi nakatingin ang iba ay kinurot niya sa  tagilirin si riks sa inis niya dito

"Hahahaha.. kayo talaga...friends lang kami nitong si tin" sagot ni victor na umakbay naman sa dalaga

Agad naman itong tinanggal ni tin dahil na-iilang siya  "oo nga.. para ko na yan kuya..hehe"

Nasaktan si victor sa sinabi ni tin pero di naman niya pinahalata yun. Nagpatuloy pa din ang biruan nila.

Million Miles AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon