Chapter 13

979 9 18
                                    

Dumating si tin sa resto nang nandun na sila slater, nat-nat at jessie. Binati naman ni tin ang mga ito at bumeso kay nat-nat at jessie. 

"Ako wala?" pang-asar naman na tanong ni slater ky tin

Inirapan ni tin si slater saka bumeso din dito.

"Sit beside kuya slater, tin" utos ni nat-nat ky tin

"Okay" at tinabihan na ni tin si slater

"We ordered na tin ha... hope you don't mind" sabi ni nat-nat kay tin

"Okay lang yan, lahat naman ng food gusto ni tin eh" natatawang komento ni slater

Tinitigan lang ni tin si slater kaya sumuko na si slater sa pangaasar "Sorry sorry" sabay taas pa nang dalawang kamay niya habang tumatawa

Dumating na ang mga pagkain at natakam naman si tin sa dami nito.

"Hmm mukang masarap" masayang komento ni tin

"Eto tin try mo to o" sinubuan ni slater si tin ng angus steak galing sa sarili niyang plato. "Masarap noh?" tanong pa ni slater

Sumangayon naman si tin at ngumiti "Yup masara nga"

"Aww...ang sweet niyo!!" masayang komento ni nat-nat "to think nagseselos pa ko kanina kasi feel ko may crush sayo tong jessie ko" dagdag pa niya

Nag-blush lang si tin sa sinabi ni natnat kaya't to the rescue naman si slater sa kanya. "Don't worry nathalie...kapag inagaw ni jessie si tintin ko. Ako nalang sayo, mas gwapong version pa oy" 

Nagkatawanan na lang silang apat at nagpatuloy sa kwentuhan hanggang sa naitanong ni jessie kung ano ang pinagka-abalahan nilang gawin sa loob ng elevator nung na-stuck sila.

"Nagkwentuhan lang" defensive na sagot ni tin

"Sus? Parang may tinatago kayo" kontra naman ni jessie dito

"Wala ha!" defensive ulit ang sagot ni tin

"Wala nga talaga!" ginaya ni slater ang high pitched na boses ni tin at kumindat kay natnat at jessie na ikina-hagalpak nila ng tawa.

"Hay nako slater ang sama sama mo talaga" natatawang sabi ni tin

"Joke lang tintin" umakbay ito kay tin at nilapit ang ulo sa kanya

Bigla naman nag-ring ang phone ni slater kaya binitawan niya si tin at sinagot ito. "Hello gracey? Ah hahabol ka? sige nandito kami sa manila pen, sa escolta restaurant. Bilisan mo na lang kasi para umabot ka pa sa dessert"

"Sino yun?" tanong ni tin habang sumusubo ng Black Cod Fillet.

"Si gracey, co-artist ko sa agency, hahabol daw siya dito sa dinner natin" paliwanag naman ni slater kay tin

"Ah, okay okay sige" sagot naman ni tin

"Bakit mo pa kasi ininvite yun dito? 5th wheel lang ang peg nun" naiiritang komento ni nat-nat

"Gusto ni ji eh, para daw walang issue"

"Nako, spare me the ka-showbizan please" umirap ito kay slater saka humarap kay tin at ngumiti ulit  "Okay back to your story sa elev. Nakwento ni slater na nagkiss daw kayo dun?"

Muntik na mabilaukan si tin sa narinig at napainom na lang ng tubig saka tinignan ng masama si slater "Kinwento mo yun?"

"Actually tin, kay jessie lang niya nkwento but since jessie and I don't hide things from each other nakwento niya rin sakin" Pang proud na proud pa na kwento ni natnat

"I'm sorry tin..Akala ko marunong magtago ng secret si jessie eh" sabay baling naman ng tingin kay jessie

"Sorry guys! hehehe" nahihiyang sabi ni jessie

Million Miles AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon