Chapter 31

221 16 12
                                    






*******

Kahit hindi ko na tinapos yung birthday party ni Dexel para lang makaiwas sa tanong na gusto ng lola niya pero heto pa rin ako ngayon pilit na bumabagabag ang mga pinag usapan namin.





Bakit ba kasi kelangan mamili ako? hindi ba pwede wag nalang namin problemahin iyon? dahil ang mahalaga naman ay masaya kami ni Dexel.







Muli nag pagulong-gulong ako sa kama at nakatingin sa kawalan hindi naman sa sinisisi ko o na gagalit ako sa lola niya pero bakit kelangan humantong kami sa ganitong kalagayan lalo na ako na kailanga mag isip at mag desisyon ng mabuti.







Pero kung iisipin tama din naman ang lola ni Dexel na baka nga hindi na ako mag tagal at ayoko din naman si Dexel pag alalahanin patungkol sakin tama na yung naranasan niya sa pamilya niya at ayoko ng bumalik yung phobia niya roon ng dahil lang sakin.








Pero mahal ko siya ang hirap kahit alam ko ayun yung tamang gawin ang hirap kasi mahal ko at hindi ganon kadali mang iwan lalo na kapag may nara-ramdaman ka pa sa isang tao.








Tumulo na naman ang mga luha ko na walang humpay sa kakaiyak kanina pa dahil naiisip ko na yung posibilidad na kapag sumang ayon ako alam ko na magiging reaksyon niya.






Pinunasan ko naman ang akin pisngi na basang basa. Bakit ba kasi sa lahat ng tao ako kailangan mag karoon at magka ganito.




Pwede naman yung mga masasamang tao nalang o hindi naman kaya mga taong ealang ibang ginawa kundi ang manloko pero bakit ako pa?




Bigla naman tumunog ang phone ko kaya dali dali ko itong kinuha.



From: Maizy
Hi bestie asan ka? hindi kita mahagilap.


To: Maizy
Umuwi na ako ng condo masama kasi pakiramdam ko eh.






Sabay lapag ko sa side table ng phone ko siguro hindi pa ngayon ang tamang panahon para sabihin kay Maizy baka mas lalo pang gumulo pag nag open up ako sakanya.






Naiinis na ako sa mga luha ko na walang humpay sa kakalabas ang bilis na rin ng pintig ng puso ko at nag hahabol na din ako ng hininga dahil sa kakaiyak, wala na akong ibang maramdaman kundi lungkot.






Siguro itutulog ko nalang ito ganun naman talaga diba kapag gusto mong takasan ang isang bagay itinutulog nalang pero alam ko sa pag gising kong ito ay muling mag babagabag ng isipan ko siguro matatakasan ko lang saglit pero hindi mawawala yung problema ko.




Sa kalagitnaan ng pagtulog ko ay naalimpungatan naman ako dahil parang may mabigat na naka dagan sakin.




Kaya unti unti kong minulat ang aking mata at tumambad sakin ang pagod na pagod na naka nga nga at nakadagang na si Dexel habang natutulog lihim naman akong napa ngiti.

Ano kaya ginagawa niya rito?
Atsaka paano siya naka pasok?




Pinili ko naman na pag masdan ang mukha niya na mahimbing na natutulog kung maari lang na palagi ganito mas gugustuhin ko pa at kung pwede lang patigilin ang oras walang alinlangan ko itong pahihintuin.



How To Unmiss You  #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon