*****
Someone's POV
Hindi maka-paniwala ang binata sa nakita niya na naka handusay sa kalsada ang dalaga agad itong lumapit at nakita niya ng malapitan ito.
Napagmasdan niya maigi ang dalaga na ngayon ay nahimatay , hinang hina at namumutla agad nagsi unahan pumatak ang mga luha niya sa nangyari.
Dali dali niya itong dinala at pinasok sa harapan ng kotse niya
Pinunasan niya ito ng twalya dahil basang basa ang dalaga dahil sa ulan nakita niya naman na nangnginig ito sa lamig at inaapoy ng lagnat kaya kinuha niya sa likod ng kotse ang kanyang jacket para ipatong sa katawan ng dalaga.Nagkaroon na naman muli siya ng pagkakataon makita at masilayan ng malapitan ang mukha ng dalaga na ngayon niya lang muli nagawa.
"I'm sorry my Aris.." Saad nito habang hinahaplos ang mukhan ng dalaga." Sorry kung kinain ako ng galit at kung anong kagaguhan ang ginawa ko, kasalanan ko kung bakit ka nag kakaganito ngayon"
Sinisi niya ang kaniyang sarili sa nangyari sa dalaga na ngayon ay ganito ang sinapit.
"A-akala ko mas masakit na yung ginawa mong pag hihiwalay sakin pero mas masakit pala ito yung ngayon, ngayon na nakikita kitang ganito ang kalagayan" at tumulo muli ang mga luha ng binata.
Ipinagdikit nito ang noo ng Dalaga at dahan dahan siniil ng halik. Muli ng naglapat ang kanilang labi na alaala niya ang mga nakaraan yung dati na masaya sila walang problema na ibang bagay.
Agad naman kumalas sa pag kakahalik ang binata at hinawi nito ang buhok ng dalaga. At nag simula na patakbuhin ang kotse ng mabilis patungo sa ospital.
Hindi naman mapakali at si Maizy sa condo pa ikot-ikot palakad lakad na ang ginawa niya sa sobrang pag aalala kay Aris kung nasaan na ito.
Hindi niya naman maaring sundan dahil nangako siya kay Aris na hindi mangingialam at pupuntahan siya sa park.
Pero talagang hindi niya na alam ang gagawin sa sobrang pag aalala sa best friend niya lalo na ng malaman na hindi sumipot si Dexel sa tagpuan nila ni Aris kaya walang alinlangan tinawagan niya si Theo.
"Hello Theo proceed to our plan hindi ko na kaya mag hintay sa wala si Aris at baka kung mapaano pa iyon" bungad niya sa phone niya.
"Hah! Bakit akala ko ba mag kikita sila ngayon ni Dexel at diba sabi mo hanggang ngayon wala pa rin si Aris malamang baka kasama niya na si Dexel nag uusap na sila"

BINABASA MO ANG
How To Unmiss You #Wattys2017
Chick-LitA story on how to unmiss a person that all he did is to Love you, Care for you and His attention was focused only for you then all I can do is to leave him with unacceptable reason. #The Crystal Award 2017 in Chicklit√ #Peoples Choice Awardee √ #Bes...