********
Maizy POV
Buti nalang at pinuntahan ko kanina si Aris sa school dahil anong oras na inabot na siya ng gabi wala pa rin sa condo namin malapit palang ako kanina papunta sa school namin nakikita ko na sa malayo si Aris na bagsak ang balikat na lumalakad.
Pagkatapos ay bigla nalang siyang nahimatay kaya naman dali dali kong binilisan papunta sakanya at nilagay siya sa kotse. Hindi ko nga alam kung paano ko siya nakaya eh basta ang alam ko ito kami ngayon nasa ospital at hinihintay ko na nalamang siyang magising.
Ako naman ito nabasa rin pero buti nalang may damit ako sa kotse kaya na kapag palit na din naman ako agad.
Bigla naman nag ring yung phone ko kaya naman kinuha ko ito at sinagot.
"Hello mahal?"
Kinilig naman ako ng marinig ko ang boses ni Kelvin. Oo may tawagan na talaga kami Mahal kahit korny wala eh! yung ang gusto ni Kelvin.
May history kasi yan eh kaya ako tinatawag nan ng ganyan jusko! Nung isang araw kasi sa school nung uwian may naka bangga sakin na lalaki.
"Ayy! sorry miss" sabay alalay niya sakin sa pag tayo natumba kasi ako.
Napakamot naman siya ng ulo ng tignan ko siya ako naman napa nganga kasi ang gwapo niya ang tangos ng ilong, may dimple, ang ganda pa ng mata niya OMO!!
"Miss sorry nga pala ulit ah kung gusto mo treat nalang kita para naman makabawi ako sa nagawa ko sayo. Sorry" bumalik naman ako sa ulirat ng mag salita siya.
"Ahh! h-hindi okay l-lang kahit hindi na." nauutal kong saad sakanya jusme! ano ba ito ang talandi ko.
"Sige. by the way I'm Jeal and you?" sabay lahad niya ng kamay sakin.
Sasagot na sana ako at makiki-pag shake hands sakanya ng bigla nalang may umakbay sakin.
"Hello mahal" malanding sabi nito sabay halik sa pisngi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/107543005-288-k83414.jpg)
BINABASA MO ANG
How To Unmiss You #Wattys2017
Romanzi rosa / ChickLitA story on how to unmiss a person that all he did is to Love you, Care for you and His attention was focused only for you then all I can do is to leave him with unacceptable reason. #The Crystal Award 2017 in Chicklit√ #Peoples Choice Awardee √ #Bes...