Chapter 34.1

200 15 21
                                    

******

Aris POV

Kasalukuyan akong naka tayo sa harap ng classroom namin nag hihintay na dumating si Maizy.


Paano ba naman sabi ko sumama nalang ako sa pag bili sa canteen ayae naman niya dahil daw baka mapagod ako kawawa naman yung kambal sa loob ng tiyan ko.



Kaya ayun sa huli hindi ako naka sama sa pagbili sinabi ko nalang ang gusto ko sakanyang kainin.







Kung nagtataka kayo kung bakit ako pumasok lalo na at kaka-labas ko lang ng ospital kagabi kasi nga mas okay na ito baka mabaliw ako kakaisip sa condo namin ni Maizy pag naiwan ako mag isa atsaka buti nalang pumayag si Maizy na papasukin ako dahil ginamitan ko ng pampaawa effects at ayun tumalab naman. Ang lakas ko talaga doon.







Habang hinihintay ko si Maizy iba naman ang nahagip ng mata ko sa aking harapan si Dexel na nag lalakad papunta sa direksyon ko bigla naman kumabog ng mabilis ang dibdib ko ng makitang nakatingin siya sakin habang nag lalakad.





Sa wakas! tamang timing ito wala naka aligid sakanyang mga haliparot nag iisa lang siya siguro papasok ito ng classroom namin madalang ko na rin kasi siya makita eh dahil lagi siyang nag cucutting.




Lumakad din naman ako papalapit sakanya na may bahid ng saya balak ko na din sabihin ngayon sakanya na magiging tatay na siya at buntis ako.








"Dexel" pag tawag ko sakanya ng nasa harapan ko na siya mismo napaatras naman ako ng magtama ang balikat namin ng lagpasan niya lang ako.






A-akala ko sakin siya papunta akala ko sakin siya nakatingin nilingon ko ito at nakita ko naman na pinuntahan niya yung isa sa mga kaklase namin na lalaki.

Sasabihin ko na sana kaso nilagpasan niya lang ako baka naman hindi niya lang ako nakita diba? Oo hindi niya lang ako nakita.

Nakakapagod na rin pero hindi eh hindi pwede ngayon pa at magkaka anak na kami ngayon pa ba ako susuko eh sila ang inspirasyon ko kung bakit nag papatuloy pa ako sa buhay.

I'm too tired too hold on but to inlove to let go.

Pinunasan ko naman ang mga luha kong nagsitulo sakin pisngi at umalis sa gitna ng daanan.

Inayos ko naman ang itsura ko at ngumiti baka makasama pa sa baby kung naka simangot ako.

"Ohh! bestie bakit anjan ka? diba sabi ko sayo sa loob mo na ako hintayin halika na nga" sabay hila sakin ni Maizy papasok ng classroom.

Umupo naman kami sa likod at mag katabi kakakain inabot niya naman sakin yung pagkain na pinabili ko at sinimulan ng kumain.

"Bestie ubusin mo yan kundi nako! " pag babanta sakin ni Maizy.

"Oo naman Maizy pwede ba ako humingi ng favor sayo?" napa tigil naman siya sa pagkain.

"At ano naman iyon?" nakataas ang kilay niya habang nag tatanong.

"P-pwede ba tulungan mo ako makausap si Dexel?" inirapan lang ako nito at pinag patuloy ang pagkain.

How To Unmiss You  #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon