*******
Maizy POV
Shete! pagkatapos ng party wala akong kaalam alam na sa araw na iyon ay pupuntahan namin ang probinsya nila Kelvin hindi ko naman matawagan at matext si Aris dahil walang signal doon ang resulta ito ngayon palang kami makakauwi ni Kelvin.
Ang problema ko pa kung ano na nangyari sa bruha kong kaibigan baka nabaliw na iyon kakaisip kung asan ako atsaka kawawa naman iyon hindi napag handaan ang pag alis ko buhay pa ba kaya iyon si Aris? hahahaha.
"Ano na kaya ginagawa ni Aris?" saad ko kay Kelvin."Ewan ko ang tanong jan kung ano na nangyari kay Aris at Dexel"
Napangisi naman ako."Haahaha! oo nga baka nga pabor na pabor sa dalawang iyon ang pag alis natin"
"At baka kung ano na ginawa nilang kababalaghan habang wala tayo" natatawang dagdag ni Kelvin.
Oo nga hahaha! bakit ko ba inalala iyon eh nandyan naman si Dexel para alagaan siya kahit minsan nagtatampo na ako dun sa bruha na iyon dahil wala na ibang pinag aatupag kundi si Dexel kapag mag kasama kami Dexel parin ang mukhang bibig mukha nga kinalimutan nako ng loka na iyon eh!
Binuksan ko naman ang phone ko dahil nasa manila na kami siguro naman may signal na. Pag kabukas ko puro vibrate ang phone ko dahil sa mga messages pagka bukas ko ng inbox halos lahat message ni Aris nyeta! umabit na nga ng 100 mssgs at 50 missed calls.
Natouch naman ako ganun niya na ba ako ka miss kaya grabe niya nalang ako kung tadtarin ng mga text. Nakita ko naman na seryoso na naka tingin si Kelvin sa phone niya.
"May problema ba? bakit ganyan itsura mo?" nilingon niya naman ako."S-si Dexel at Aris hiwalay na"
Nagulat naman ako sa sinabi niya parang nung birthday party lang ni Dexel okay pa sila ahh. "Hah! kay nino mo naman nalaman iyan?"
"Kay Dexel nag message siya at si Aris daw ang naki pag hiwalay" sabay pakita niya ng message ni Dexel sakanya.
Mukhang na kukutuban ko na kung ano ang dahilan ni Aris pero bakit? pinag sabihan ko na siya na magtiwala lang kay Dexel kasi mahal naman siya nung tao.
Binuksan ko naman ang mga messages ni Aris isa isa at tama nga ng dahil sa kondisyon niya kaya siya makikipag hiwalay pero papaano? bakit?
Hayss! ang dami kong tanong sakin isipan kainis! sana hindi muna kami umalis ni Kelvin at hindi dapat ako sumama ngayon na kailangam pala ako ng kaibigan ko jusko! baka kung ano ano na ginawa non.

BINABASA MO ANG
How To Unmiss You #Wattys2017
Chick-LitA story on how to unmiss a person that all he did is to Love you, Care for you and His attention was focused only for you then all I can do is to leave him with unacceptable reason. #The Crystal Award 2017 in Chicklit√ #Peoples Choice Awardee √ #Bes...