*******
Uwian na namin ngayon at ngayon na din ang simula ng practice ni Dexel kahit gusto kong manood ayaw niya naman.. Hayyys!.
"Bestie, Ingat ka sa pag uwi ah!" at niyakap ako ni Maizy. "Hah?? Bakit sabay naman tayo ah."
"Hindi bestie sabay kami umuwi ni Kelvin hihintayin ko siya." ganon?so ako nalang pala mag isa uuwi. "Hindi mo ba papanoorin sila Kelvin at lalo na kay Dexel sa practice nila sa basketball?"
"Hindi eh! Sabi ni Dexel umuwi na daw agad ako at wag na siyang hintayin" pag eexplain ko sakanya.
"Ah ganun ba, Sige ok lang yan para naman atleast may magbantay sa condo natin" tignan mo ito ang sama gagawin pa akong tigabantay ano ako? Guard? aso? ganon..
Tinulak ko naman ito."Che! ang sama mo dun kana nga at manood balitaan mo nalang ako" tumawa naman ito. "Hahaha! sige titignan ko kung may aaligid aligid sa boyfriend mo."
At tuluyan na siyang umalis nag lakad na din naman ako palabas ng gate at sumakay na sa taxi. Napaisip naman ako sa sinabi ni Maizy na baka may aaligid aligid na kay Dexel don aba! hindi malabo na mangyari iyon dahil alam niyo na kapag court kalahati sa mga naonood dun malalandi o kaya namimingwit ng lalandiin. Atsaka isa pa kilala si Dexel sa eskwelahan namin kaya imposible na walang papansin na babae don. Hayss! mababaliw na ako pag nalaman ko talaga na meron nalandi kay Dexel. Gossh!
"Mam! Andito na po tayo" bigla naman akong natauhan ng mag salita yung taxi driver kaya naman agad akong nag bayad at bumaba sa taxi.
Nagdirediretso naman ako sa condo ko pasakay na ako ng elevator ng may humarang sakin na lalaki."Mam! sira po yung elevator mas maigi po muna na gumamit muna kayo ng hagdan"
"Sige po.Thank you" at umalis na ako sa harapan ng elevator at nag lakad papunta sa hagdanan.
Nasa second floor palang ako sa pag akyat sa hagdan pagod na pagod na ako at ang bilis na din ng pintig ng puso ko hinihingal na agad ako. Kaya ang ginawa ko kada hakbang ko ng lima ay tumitigil muna ako para mag pahinga. Daig ko pa ang mataba sa sobrang bilis pagurin eh!

BINABASA MO ANG
How To Unmiss You #Wattys2017
ChickLitA story on how to unmiss a person that all he did is to Love you, Care for you and His attention was focused only for you then all I can do is to leave him with unacceptable reason. #The Crystal Award 2017 in Chicklit√ #Peoples Choice Awardee √ #Bes...