********
Dahil hindi boy scout itong si Dexel ito kami ngayon nag lalakad papunta sa condo niya na madudungis ang pag mumukha namin sa sobrang kahihiyan nag lalakad nalang akong nakayuko samantalang itong kasama ko ayung mukha proud na proud pa! taas noong nag lalakad ako na nahihiya para sakanya sobrang dikit pa naman namin habang nag lalakad kahit nasa ibaba lang nakatutok ang mga mata ko ramdam ko naman na may tumitingin samin.
Malamang ikaw ba naman maglakad ng may bahid ng ice cream sa pag mumukha talagang pag titinginan ka eh. Buti nalang kamo pag sakay namin sa elevator kami lang ang tao walang sumakay kaya dun lang ako nakahinga ng maluwang. Ilalagay na sana ni dexel ang susi sa pintuan ng nakita niyang hindi ito naka lock pinag buksan niya naman ako at pinauna pumasok.
Naglakad naman ako ng kaunti at kinapa kapa sa ere ang pindutan ng ilaw. Nang biglang iba ang nahawakan ko.
"Ahhhhhhh!" napasigaw naman ako sa gulat Shocks! ano iyon? hindi kaya. "Magnanakaw!" sigaw kong muli.
Naramdaman ko naman may humagil ng bewang ko sa likuran ko na alam ko na si Dexel iyon.
"Shittt!!sino ya-----" hindi naman natuloy yung sasabihin ni dexel ng biglang nagbukas yung ilaw. Nagulat naman ako ng makita ko kung sino ang nasa loob ng condo ni Dexel.
"Ohhh? ano ngayon para kayong nakakita ng multo kanina lang pinag bibintangan niyo akong mag nanakaw! Mga kingina kayo!!"saad niya habang nakapamewang sa harap namin. Walang iba kundi si Maizy lang naman buset!!.
Nilapitan ko naman ito at niyakap "Hi bestie walangya ka na miss kita" sabay kalas sa yakap sakanya "Weh? mukha nga nag eenjoy kana dito eh" inirapan ko nalang siya.
"Pano ka naka pasok dito?" tanong ko kay Maizy "Malamang bukas kase pinto ni Dexel kaya naka pasok ako"
"Atsaka bakit ganan pala itsura niyo mukha kayong dugyot! lalo kana Aris" sabay turo niya sakin tsaka ibinaling niya naman ang tingin niya kay Dexel "Ikaw naman! pinaubaya ko sayo si Aris bakit ganito mukhang pinabayaan ang pag mumukha nito parang pulubing dugyot"
Grabe siya sakin ahh! Alam ko naman inggit lang ito sa beauty ko kaya ganan yan makapag salita. hhmmpk!
"Kumain kasi kami ng ice cream ni Aris"saad ni Dexel nangunot naman noo nito "Hah! kung kelan gabi tsaka kayo nag i-ice cream? may mga saltik ba kayo?"

BINABASA MO ANG
How To Unmiss You #Wattys2017
ChickLitA story on how to unmiss a person that all he did is to Love you, Care for you and His attention was focused only for you then all I can do is to leave him with unacceptable reason. #The Crystal Award 2017 in Chicklit√ #Peoples Choice Awardee √ #Bes...