CHAPTER 1

417 22 0
                                    

Lucas Gil as:

TOMOYUKI MIKKO NATSUKAWA

and

Katharine McPhee as:

AUDREY JADE MEDIAVILLO

.

.

.

.

.

CHAPTER 1

"Jade's Point Of View (POV)"

"BORINGGGGG!" Naiinis na sigaw ko, sabay bangon mula sa pagkakahiga ko sa aking kama. Tumayo na ako at kinuha ang aking phone na kung saang nakakabit na dito ang aking earphones na nakapatong lamang sa ibabaw ng headboard ng aking kama. Bago ako lumabas sa aking silid ay inilagay ko muna sa aking magkabilang-tainga ang aking earphones, naghanap ako ng song na puwedeng pampawala sa aking pagkabagot at tuluyan nang lumabas para pumunta sa bahay-kubo na nasa left side lamang ng aming bahay na malapit sa may pool area.

Mag-isa lang kasi ako ngayon dito sa bahay, at sa tuwing grounded ako o napagsasabihan at napapagalitan ni Daddy ay do'n na talaga ako madalas pumupunta sa kubo para maiwasan ko ang pag-iisip ng paraan kung papa'no na naman ako makakagawa ng kalokohan na mas ikakagalit pa ng mga magulang ko lalong-lalo na si Daddy. Inis na inis at galit na galit kasi ako sa kanya noon dahil 'yung gusto kong course ay ayaw niya at imbes na, culinary arts ang gusto kong tapusin ngayong college ay pinalitan niya ng business management sa kadahilanan na ang gusto niyang mangyari na kaming magkakapatid ang magma-manage ng mga businesses nilang dalawa ni Mommy balang-araw.

Bago ako pumunta do'n ay pumasok muna ako sa aming kusina para kumuha ng makakain ko sa ref. at para na rin kapag nagutom ako hindi na ako aalis pa sa kubo para lang kumuha ng pagkain sa loob ng bahay. Nakakatamad at nakakapagod lang kasi kapag pabalik-balik ako at sayang lang sa oras lalong-lalo na kapag nararamdaman ko na wala akong magawa sa buhay ko.

Mabilis lang ang ginawa kong paghahanda ng makakain ko. Pagkatapos ko ay lumabas na ako sa kusina habang dala-dala ko sa aking kaliwang kamay ang isang tray na may lamang pagkain. Dalawang sandwiches lang ang hinanda ko na may palamang tatlong buong ham ang bawat isa ng sandwich, limang pirasong hotdog, isang basong malamig na pineapple juice at isa namang basong malamig na tubig. Sa aking kanang kamay naman ay hawak-hawak ko ang aking phone habang naglalakad ako papunta sa kubo.

Pagkadating ko doon ay inilapag ko muna ang dala kong tray sa lamesita na nasa right side lamang ng kubo. Pansamantalang binulsa ko muna ang aking phone sa suot kong kulay-itim na jogging pants at ang aking suot na pang-itaas naman ay isa sa mga favorite kong jersey noong nasa high school pa lamang ako na may apelyidong "MEDIAVILLO" sa likuran at may number "22" sa ibaba ng aking apelyido kasi isa ako sa mga varsity player noon sa sport na basketball. Kaya lang, ngayon na nasa college na ako ay bihira ko na lang nalalaro ang basketball at kung minsan pa, sa arcade ng mall ko na lang nagagawa kapag nagbobonding kami ng mga high school at college friends ko na sina Chloe Gail Evangelista, Irene Daphne Villanueva, Jessica Cassandra Borromeo at ang dakilang observant na bitter kong pinsan na si Faye Samantha Rodriguez.

Naglakad ako ng ilang hakbang para marating ko ang isang duyan na nandito lamang sa loob ng kubo. Inayos ko iyon para malagyan ng makapal na kumot at mga unan sa bawat gilid niyon para mas komportable akong makakahiga doon.

SOMEONE ELSE'S STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon