Lucas Gil as:
TOMOYUKI MIKKO NATSUKAWA
and
Katharine McPhee as:
AUDREY JADE MEDIAVILLO
.
.
.
.
.
CHAPTER 3
"Jade's Point Of View (POV)"
Nagising na lang ako dahil sa malakas na tunog ng alarm clock ko, kasabay noon ang pagkatok ni Manang Theresa sa pinto ng aking silid habang tinatawag niya ang aking pangalan. Agad akong bumangon para buksan ang pinto habang nakapikit pa ang kaliwa kong mata. Pagbuksan ko ng pinto ay nagulat na lang ako nang makita ko si Nikko na nakangiti at halatang bagong ligo na ito, at si Manang Theresa naman ay nakangiti rin habang hawak-hawak sa kanyang kanang kamay ang kaliwang kamay ng bata.
"Good molning po, Ate Jade!" Masiglang bati sa akin ni Nikko, sabay yakap sa aking baywang.
"Pasensiya ka na, Jade. Kanina pa kasi ako kinukulit ng batang 'yan." Mahinahong sabi ni Manang Theresa.
"Okay lang po 'yun, Manang. Ako na lang po ang bahala sa kanya." Magalang kong sagot kay Manang.
"Oh, siya. Sige, maiwan ko muna kayo, Jade. Tatapusin ko lang muna ang naiwan kong niluluto sa kusina." Nakangiting paalam naman ni Manang at umalis na siya para bumalik ulit sa kusina.
"Ate Jade, ang ganda-ganda mo pa lin po kahit bagong gising ka." Nakangiting sabi ni Nikko habang nakatingala at nakayakap pa rin siya sa akin.
"Nikko, bakit ang aga-aga mo naman at pumunta ka pa talaga dito sa bahay? Bakit 'di mo na lang ako hinintay-"
"Ayoko po!" Nakasimangot na sabi niya, sabay alis mula sa pagkakayakap sa akin. "Gusto ko po kasi kumain na ngayon si Kuya ng bleakfast. Kaya po pumunta na ako dito ngayon pala po sunduin ka, Ate Jade."
"Sige, pero wait lang ha. Maliligo lang muna ako at magbibihis. Dito ka na muna sa loob ng room ko pero magbe-behave ka ha." Nakangiting sabi ko sa kanya at pinapasok ko na siya sa aking silid.
"Opo! Opo! Magbe-behave po ako, Ate Jade. Plomise po!
Tahimik kong isinara ang pinto. Hindi ko na rin pinansin pa si Nikko na nakaupo na ngayon sa aking kama. Mabilis akong kumuha ng aking mga gagamitin na damit sa aking closet at sinama ko na rin ang aking tuwalya. Pumasok na ako sa banyo ng aking silid para maligo at magbihis para hindi naman mainip sa paghihintay sa akin si Nikko.
Makalipas nang ilang minuto ay natapos na rin akong maligo at magbihis. Lumabas na ako sa banyo at nakita ko na lang si Nikko na nakahiga na sa aking kama at nakangiting nakatingin sa akin.
"Ang bilis mo po, Ate Jade. Palang wala pang one minute, 'tapos ka na po. Ang galing!" Masayang sabi niya habang pumapalakpak ang kanyang mga kamay.
"Wait lang, Nikko. May gagawin lang ulit ako ha. D'yan ka lang muna sa bed ko." Nakangiting sabi ko habang pinapatuyo ko ang aking buhok gamit ang tuwalya.
"Okay po."
Nang matapos na ako sa lahat ng ginawa ko ay niyaya ko na si Nikko na lumabas na sa aking silid. Habang naglalakad na kaming dalawa sa hallway para bumaba na ay bigla namang lumabas sina Mommy at Daddy sa kanilang silid at nakita nila kaming dalawa na magkahawak-kamay.
BINABASA MO ANG
SOMEONE ELSE'S STAR
General FictionNang dahil sa isang laruang saranggola at sa isang batang napakakulit ay makikilala ko ang nag-iisang pinaka-bwesit na nilalang sa balat ng lupa na walang iba kundi ang kanyang nakakatandang kapatid. Siya din kasi ang tipo ng tao na kahit anong tang...