CHAPTER 2

260 22 0
                                    

Lucas Gil as:

TOMOYUKI MIKKO NATSUKAWA

and

Katharine McPhee as:

AUDREY JADE MEDIAVILLO

.

.

.

.

.

CHAPTER 2

"Jade's Point Of View (POV)"

"Hey! Kiddo, what is your name?" Nakangiting tanong ko para hindi na siya makapag-focus sa kung anumang iniisip niya.

"Nikko po." Magalang na sagot niya, sabay tanggal ng kanyang hintuturo at lumapit siya sa akin ng kaunti. "Ate, please help me naman po".

"Bakit wala ka bang kasama sa bahay ninyo ngayon?"

"Melon po. Si Kuya Mikko at si Yaya ko po."

"Ilang taon ka na?" Pag-iiba ko sa usapan.

"Seven po".

"Sige, tawagin mo na lang ang Kuya Mikko mo at papuntahin mo na lang dito para siya na lang ang kumuha ng kite mo." Nakangiting sabi ko sa kanya, sabay upo sa duyan at isinuot ko na ang aking tsinelas.

"Ate, what is youl name po?" Nakangiting tanong niya sa akin at tumabi siya sa left side para umupo sa mahabang upuan.

"Jade." Sabi ko habang tumatawa, sabay tayo at naglakad na rin ako para kunin ang tray na dala-dala ko kanina bago ako pumunta dito kasi nakakagutom din pala kapag may batang kumukulit sa'yo at higit sa lahat, napapatawa ka dahil sa pagkabulol niya sa "Letter R".

"Mediavillo". Narinig kong sabi niya. Siguro binasa niya ang nakasulat sa suot kong jersey kasi nakatalikod na ako sa kanya. "Ate Jade, sulname mo po 'yan na Mediavillo?"

"Yes. Bakit?" Sabi ko habang dala-dala ko na ang lamesita at inilapag ko iyon sa harapan ng duyan.

"Ate Jade, ano po 'yan?" Nagtatakang tanong niya.

"You want some?" Nakangiting sabi ko, sabay tanggal ng takip sa pagkain at kinuha ko ang isang sandwich para ibigay sa kanya.

"Ayoko po baka may poison 'yan, sabi kasi nina Mommy at Daddy na-"

"Na 'wag mong kukunin ang ibibigay sa'yo ng mga taong hindi mo kakilala." Putol ko sa kanyang sasabihin, sabay kagat ng malaki sa hawak kong sandwich.

Tumango-tango siya at bigla na lang siyang lumapit sa akin. "Ate Jade, ang ganda mo po. Vely, vely beautiful. Ilan po ba ang height mo?"

Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa sinabi niya at alam na alam ko sa sarili ko na namumula na ang aking mukha. Tiningnan ko siya nang may ngiti sa kanyang mga labi habang nakatingin din siya sa akin. Muling kumagat ako sa hawak-hawak kong sandwich hanggang sa naubos ko iyon at umupo ulit ako sa duyan nang hindi ko siya pinapansin.

"Ate Jade, you look like a tomato. You'le led." Nakangiting sabi niya habang umuupo sa tabi ko.

"B-Bakit ka t-tumatabi sa 'kin? U-Umalis ka na nga-"

"Ayoko po umalis. 'Di na po kasi kita makikita. Alam mo, Ate Jade, bagay po kayo ng Kuya Mikko ko. Ang ganda-ganda mo, kamukha mo po si-"

"Kamukha ko si Saaadaaakooo!" Seryosong sabi ko, sabay takip ng aking buhok sa aking mukha.

SOMEONE ELSE'S STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon