CHAPTER 7

204 22 0
                                    

Lucas Gil as:

TOMOYUKI MIKKO NATSUKAWA

and

Katharine McPhee as:

AUDREY JADE MEDIAVILLO

.

.

.

.

.

CHAPTER 7

"Mikko's Point Of View (POV)"

Alas-siete na ng gabi nang mapagpasyahan kong lumabas ng aking silid para magpahangin lang sa labas ng aming bahay nang mapansin kong bilog na bilog na ang buwan. Sa tuwing kabilugan ng buwan, palagi akong lumalabas ng bahay para lang masilayan ang magandang liwanag na nanggagaling dito. Pakiramdam ko kasi nakakatanggal ng stress sa tuwing makikita ko iyon at nakasanayan ko na ring pumunta sa may pool area dahil napakapresko ng simoy ng hangin at napakapayapa ng paligid. Kaya naman kapag gusto kong mapag-isa o makapag-isip-isip tungkol sa mga bagay-bagay na nangyari sa buhay ko sa mga lumipas na taon katulad nang pagkamatay ni Mommy nang dahil sa isang aksidente na nangyari no'ng labing-limang taong gulang pa lamang ako, nang muling mag-asawa si Daddy mabuti na lang, at napakabait ng stepmother ko na si Mama Rebecca na siya na mismo ang nagsabi sa akin na tawagin ko siyang Mama dahil ayaw niyang Mommy ang itatawag ko sa kanya kasi ang sinabi niya sa akin kahit kailan hinding-hindi niya kayang palitan sa puso ko si Mommy, nang magkaroon ako ng stepbrother na si Nikko kahit papa'no naging masaya na ako nang dumating sa buhay namin ang batang 'yun, at ang pinakamalalang nangyari sa buong buhay ko nang nakipaghiwalay sa akin si Kelly sa mismong araw ng kasal namin at nalaman ko pa sa isa sa mga kaibigan ko na si Tristan Cedric ang totoong dahilan kung bakit hindi siya sumipot sa aming kasal kasi nakipagbalikan pala siya kay Franco.

Dati pa man, do'n na talaga kami nagbo-bonding ng aming pamilya, lalong-lalo na no'ng mga panahon na kompleto pa kaming tatlo nila Mommy at Daddy pero ngayon, kahit wala na si Mommy pinapatuloy ko pa rin ang aming ginagawa dati kahit na minsan ako na lang mag-isa at kapag umuuwi naman dito sa Pilipinas sina Daddy at Mama galing sa Japan para sa mga businesses nila na naiwan do'n ay ginagawa pa rin namin ang aming nakasanayan.

"Kuya Mikko!" Narinig kong sigaw ni Nikko habang nakaupo siya sa gilid ng pool at nagtatampisaw ng kanyang mga paa sa tubig.

Napangiti na lang ako habang naglalakad papunta sa kanya. "Okay ka na ba, Big Boy? Bakit nandito ka sa labas? Gabi na at saka, mahamog na rin dito." Nag-aalalang sabi ko at umupo na rin ako sa kanyang tabi. "Nasa'n ba ang Ate Jade mo?"

"Okay na po ako, Kuya. Magaling po kasi ang nulse ko. Nasa loom ko po ngayon si Ate Jade, nagbibihis po kasi siya. Bakit po, Kuya?"

"Bakit naman siya nagbibihis?"

"Kasi po magsu-swimming po kami ngayon. Tutuluan po ako ni Ate Jade mag-swimming."

"Bawal kang mag-swimming ngayong gabi-" Naputol na ang sasabihin ko nang biglang sumigaw si Nikko.

"Ate Jade!"

Napapailing na sinundan ko ng tingin ang tinitignan niya. Nanlalaki ang aking mata nang makita ko kung ano ang suot-suot ngayon ng isang babaeng naglalakad papunta sa pwesto namin. Isang maluwag na t-shirt lang ang kanyang suot-suot na ang haba ay hindi lalampas sa tuhod at nakasabit sa kanyang kaliwang balikat ang isang tuwalya.

SOMEONE ELSE'S STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon