CHAPTER 10

275 21 0
                                    

Lucas Gil as:

TOMOYUKI MIKKO NATSUKAWA

and

Katharine McPhee as:

AUDREY JADE MEDIAVILLO

.

.

.

.

.

CHAPTER 10

"Jade's Point Of View (POV)"

"Ang gwapo talaga ng boylet ni Jade!"-(Casey)

"HINDI LANG, GWAPO! SUPER DUPER GWAPOOO!"-(Chloe)

"Krung-krung, ang lapit-lapit lang namin o. Imposibleng hindi ka naming maririnig."-(Faye)

"Tama nga 'yan! Magbabangayan na naman ba kayong dalawa? Ang dapat kasi sa inyong dalawa hindi nagtatabi o nagsasama. Casey, hawakan mo nga 'tong si Faye at ako na ang bahala kay Krung-krung."-(Haidee)

"Haidee naman, pati ba naman ikaw!"-(Chloe)

Kasalukuyang naglalakad kaming dalawa ni Mikko papunta sa parking lot habang buhat-buhat pa rin niya si Nikko na napapangiting nakatingin lang sa likuran namin. Pa'no ba naman kasi tatanggi na sana ako kanina nang bigla na lang sumulpot sa harapan namin sina Chloe, Haidee, at Casey na hila-hila sa braso ang nakasimangot na si Faye. Kaya naman ngayon, nakabuntot silang apat sa amin.

"Mommy, what is Klung-klung?"

Nagtatakang napalingon ako kay Nikko na siyang nagtanong sa akin. Kahit kailan talaga, matanong ang batang 'to. Gaya na lang, n'ong isang gabi, habang nanonood kaming tatlo ng movie sa Star Movies ay tinanong niya ako kung anong ibig sabihin ng salitang "FUCK" na narinig niya mula sa kontrabidang babae na si Chris Hargensen na ginanap naman ng Hollywood Actress na si Portia Doubleday sa pelikulang "Carrie" na pinagbibidahan naman ni Chloe Grace Moretz na halos mapiga na ang lahat ng brain cells ko kung pa'no ko ba maipapaliwanag sa kanya ng mabuti ang salitang 'yun.

"Baby Boy, 'wag mo ng tanungin si Mommy. Later na lang."

"Okay po, Daddy."

Nang marating na namin ang sasakyan ay agad ding binuksan ni Mikko ang pintuan sa backseat at dahan-dahang ipinasok d'on si Nikko.

"Daddy, gusto ko po tabi kami ni Mommy."

"Okay, Baby Boy."

Nang bubuksan ko na sana ang pintuan sa passenger's seat nang maunahan naman ako ni Mikko.

"Ako na, Mommy."

Hindi na lang ako kumibo para wala ng mahabang usapan at nagtatakang napatingin ako sa kanya na nakangiting nakatingin din sa akin.

"Mommy, pasok ka na po. Tabi po tayong tatlo ni Daddy."

Mabilis akong pumasok nang lumingon ako sa loob ng kotse at makita kong nasa front seat na ang bata habang nakaupo sa maliit na upuan sa pagitan ng driver's seat at ng passenger's seat at nakangiting nakatingin din sa akin. "Ate Jade, mamaya na lang po ako mag-eexplain sa'yo lahat-lahat."

Umayos lang ako sa aking pagkakaupo at ginulo ko pa ng bahagya ang kanyang buhok. "Okay, Big Boy."

Patakbong umikot naman si Mikko papunta sa driver's seat. Nakangiting sumakay at pinaandar na ang makina ng sasakyan. "Pupunta na tayo sa Bubuyog!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SOMEONE ELSE'S STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon