Lucas Gil as:
TOMOYUKI MIKKO NATSUKAWA
and
Katharine McPhee as:
AUDREY JADE MEDIAVILLO
.
.
.
.
.
CHAPTER 6
"Mikko's Point Of View (POV)"
"Sungit, kamusta na si Big Boy?" Nakangiting sabi ko nang madatnan ko si Jade habang palabas na ng silid ng aking kapatid. Pupuntahan ko lang sana ulit si Nikko sa kanyang silid para malaman ko kung ano na ang kalagayan niya kasi minsan lamang ito magkasakit sa isang taon. Kaya naman kapag nagkakasakit ito ay palagi akong nagbabantay at nag-aalaga sa kanya kahit na nand'yan man o wala ang Yaya niya na si Leslie na anak ni Aling Susan. "Kumain ka na ba? Kung gusto mo, sabay na lang tayo?"
"Ayoko nga, Mr. Pervert! Mas gusto ko pang magkulong na lang sa room ni Nikko kaysa naman makasabay kang kumain!" Nakasimangot na sagot niya, sabay lakad palayo sa akin habang dala-dala ang isang tray sa kanyang kaliwang kamay na halos wala ng natirang pagkain kahit na konti.
"Ang sungit mo naman, Miss." Natatawang sabi ko habang sinusundan ko siya pababa na ng hagdanan hanggang sa makarating na kaming dalawa sa loob ng aming kusina.
Nang malapit na sana siya sa lababo ay bigla na lang siyang tumigil sa kanyang paglalakad at humarap sa akin. "Hoy! Mr. Pervert, pwede ba 'wag na 'wag mo akong tatawagin ng "SUNGIT" dahil may pangalan ako! Jade! Jade, ang pangalan ko!" Naiinis na sabi niya habang titig na titig sa aking mukha.
Bahagyang naglakad ako ng kaunti palapit sa kanya habang titig na titig din ako sa kanyang magandang mukha na medyo namumula na rin dahil siguro sa sobrang inis o sa sobrang gigil niya sa akin. "Alam mo, mas lalo kang gumaganda sa paningin ko kapag naiinis o naaasar ka na nang dahil sa 'kin, Miss." Seryosong sabi ko, sabay kindat pa sa kanya at napangiti na lang ako nang makita ko kung pa'no nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatingin pa rin siya sa akin.
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa akin at tumalikod na para inilagay sa lababo ang kanyang dala-dalang tray na pinaglagyan siguro ng pagkain para kay Nikko. "Tigilan mo nga ako, Mr. Pervert!"
"Titigil lang ako kapag ititigil mo na rin ang pagtawag mo sa 'kin ng "Mr. Pervert" dahil may pangalan din naman ako. Mikko. Mikko, ang pangalan ko, Miss." Natatawang sabi ko, sabay yakap sa kanya habang nakatalikod pa rin siya sa akin. "Sorry na sa lahat ng nagawa ko sa'yo kaninang umaga, Miss." Seryosong bulong ko sa kanyang kanang tainga habang dahan-dahan kong tinatanggal ang ilang hibla ng kanyang buhok na tumatakip sa kanyang makinis at maputing leeg gamit ang aking kanang kamay.
"M-Mr. P-Per...P-Pervert! A-Anong g-gagawin m-mo?" Nauutal niyang tanong sa akin.
Naramdaman ko ang panginginig ng kanyang buong katawan. Kaya naman niyakap ko siya ng mahigpit at bahagyang ipinatong ko rin ang aking baba sa kanyang kanang balikat. "Wala akong masamang binabalak para sa'yo, Miss. Kaya kung pwede lang, 'wag kang matakot sa 'kin." Kalmadong sabi ko para namang mapanatag ang kanyang kalooban.
Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa sa ganoong posisyon. Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko ngayon, lalong-lalo na nang yakapin ko siya kaninang umaga. Pakiramdam ko tuloy, para na akong mapapraning sa kakaisip ng dahilan o rason kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko simula nang dumating siya kanina habang kasama niya ang nakababata kong kapatid na si Tomoyuki Nikko Natsukawa.
BINABASA MO ANG
SOMEONE ELSE'S STAR
General FictionNang dahil sa isang laruang saranggola at sa isang batang napakakulit ay makikilala ko ang nag-iisang pinaka-bwesit na nilalang sa balat ng lupa na walang iba kundi ang kanyang nakakatandang kapatid. Siya din kasi ang tipo ng tao na kahit anong tang...