Lucas Gil as:
TOMOYUKI MIKKO NATSUKAWA
and
Katharine McPhee as:
AUDREY JADE MEDIAVILLO
.
.
.
.
.
CHAPTER 8
"Jade's Point Of View (POV)"
Napakunot-noo na lang ako nang marinig ko ang tinutugtog ng lalake na walang ibang ginawa kundi ang bwesitin ako na si Tomoyuki Mikko Natsukawa a.k.a "Mr. Alien na Super Pervert". Bagay na bagay talaga sa kanya ang pangalan na "Tomoyuki" kaya lang dapat walang "Mikko" at hindi "Natsukawa" ang last name niya kundi "Yamashita" para kasi siya si Tomoyuki Yamashita lang kung bwesitin ako sa loob ng dalawang araw na pananatili ko dito sa bahay nila. Mabuti na lang, at nandyan ang kapatid niya na si Tomoyuki Nikko Natsukawa para pasayahin ako sa kabila ng pang-bubwesit ng Alien niyang kapatid na Super Pervert pa.
Sa totoo lang, alam ko naman ang kantang napili niya nang minsan kong narinig na pinatugtog iyon sa isang event na pinuntahan naming magkakaibigan. Kaya lang, ang awkward-awkward lang pakinggan lalong-lalo na kung "FOREVER" kaagad ang unang maririnig na salita mula sa kantang kakantahin namin ngayon.
Napabuntong-hininga na lang ako nang magsimula na siyang kumanta. In fairness, maganda ang kanyang boses na para bang nakikinig lang ako sa totoong umaawit ng kanta na kanyang kinakanta na si Will Anderson at ang babae namang ka-duet nito ay si Emily Hackett.
"Forever seems like a long time
But nothing seems like a long time
When I'm with you
I feel like I'm walking on waters
Since the day that I asked your father
To let go of this daughterSo, give me your blessing, Sir
I'll give her all that I've got
It doesn't looks like much
But it sure feels like a lotLet her, take my heart and take my hand
Take my heart and take my hand
Take my heart and take my hand again and again
Right where we stand" -(Mikko)"I've never really know what love is
But whatever it is
I feel it in your kiss
You waltzed in like somebody planned it all
I feel right where I belong
My knees are weak
My heart is strongSo, give me your word
And I'll give you all I've got
No, we don't have much
But it sure feels like a lotSo, take my heart and take my hand
Take my heart and take my hand
Take my heart and take my hand again and again
Right where we stand" -(Me)"Take my heart and take my hand
I'll be your lover and I'll be your friend
Take my heart and take my hand again and again
Right where we stand" -(Me/Mikko)"Oooh... Too good to be true" -(Me)
"I wanna spend my life with you
I wanna spend my life with you
Oooh... Too good to be true" -(Mikko)"I wanna spend my life with you" -(Me)
"I wanna spend my life with you" -(Mikko)
"Wow! Ang ganda! Vely, vely beautiful! Ate Jade, bagay na bagay po talaga kayo ni Kuya!"
Nagtatakang napalingon naman ako kay Nikko nang bigla siyang sumigaw ng malakas habang dala-dala niya ang kanyang tablet at tumakbo ng mabilis papunta sa may gilid ng pool.
"Naniniwala ka ba sa forever?"
Bahagyang napasinghap na lang ako nang marinig ko ang isang tanong na mahirap ipaliwanag kung totoo bang may salitang ganyan na maaaring mangyari sa buhay ng dalawang taong nagmamahalan o hindi kaya'y kathang-isip lamang ng mga taong nagmamahal lamang mula sa umpisa, pero hindi naman nila kayang panindigan hanggang sa huling sandali ng kanilang mga buhay dito sa mundong-ibabaw. Nagulat na lang ako nang may isang kamay na kumakaway-kaway sa harapan ng aking mukha at napatingin ako sa kanya na nakangiti pa habang patuloy lang siya sa kanyang ginagawa.
"Hello po, Miss Sungit! Nandito po ako sa tabi mo at nagtatanong po ako sa'yo, kung naniniwala ka ba po sa folevel?" Ginaya pa niya talaga kung pa'no magsalita si Nikko at ang pagkabulol nito sa Letter R.
"HINDI!" Nakasimangot kong sigaw, sabay tayo mula sa pagkakaupo ko sa silya.
"Bakit hindi?" Nakangiti pa rin niyang tanong, sabay hawak sa kaliwa kong braso at bago pa ako makalayo sa kanya ay mabilis siyang tumayo. "Bakit hindi ka naniniwala sa forever?"
"Kasi isang malaking joke lang 'yan sa buhay ng tao at-" Naputol na lang ang sasabihin ko nang bigla siyang yumakap sa akin ng mahigpit.
"Pwede bang manatili ang dalawang tao na magkasama kahit magkayakap lang sila?"
Napatingin ako sa kanya sa kabila ng pagkakasubsob ng aking mukha sa kanyang matipunong dibdib. Napansin kong titig na titig siya sa akin, lalong-lalo na sa aking mga mata na para bang may sinasabi ang kanyang mga mata sa paraan kung pa'no niya akong titigan at nararamdaman ko ring humihigpit na ang kanyang mga braso na nakapulupot sa aking katawan.
"Please, answer my question...O-Or else...B-Be m-my...G-Girl."
Bahagyang napalunok na lang ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. "Hindi ko alam! What if, kung 'yan na mga tanong mo sa 'kin ay itanong mo na lang sa sarili mo para mas maliwanagan ka kung ano ang mga sagot sa mga nakakabwesit mong-"
"Ate, Kuya, nag-aaway po ba kayo?"
Sabay kaming napalingon kay Nikko na papalit-palit lang ang kanyang tingin sa aming dalawa ng Kuya niya habang nakatayo lang siya sa may kanang gilid namin. Hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala siya sa aming pwesto habang dala-dala pa rin niya ang kanyang tablet.
"Hindi naman kami nag-aaway, Big Boy. Niyayakap ko lang ang Ate Jade mo kasi nilalamig ako." Nakangiting sagot ni Mikko sa bata habang hinihigpitan ng kanyang mga braso sa akin.
"Magdamit ka po kasi, Kuya." Nakasimangot na sagot naman ng bata, sabay lapit sa akin at hinawakan ako sa aking kanang kamay na hindi naman nakayakap sa Kuya niya. "Ate Jade, tala na nga po mag-swimming na po tayo pala po hindi ka na yakapin ni Kuya."
Napangiti na lang ako sa bata at saglit na tumingin sa lalakeng nakayakap pa rin sa akin. "Bitawan mo na ako kasi tuturuan ko pa si Big Boy-"
Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang bigla na lang akong binuhat ni Mikko at mabilis siyang naglakad papunta sa may pool area. Parang alam ko na kung ano ang gagawin ng lalakeng 'to at nakasunod lang sa amin si Nikko na inilagay muna niya sa lamesa ang kanyang tablet.
"Ano'ng gagawin mo?"
"Kagaya ng kanina."
"Kapag ginawa mo ulit 'yan kakagatin na talaga kita." Naiiritang sabi ko, sabay kagat sa kanyang balikat.
"ARAYYYYY!" Malakas niyang sigaw nang dahil sa pagkagat ko ng malakas sa kanya at kasabay naman n'on ay ang pagkahulog namin sa pool.
.
.
.
.
.
SOMEONE ELSE'S STAR
By:
TANGANGANG BITTER
(T.B)
BINABASA MO ANG
SOMEONE ELSE'S STAR
General FictionNang dahil sa isang laruang saranggola at sa isang batang napakakulit ay makikilala ko ang nag-iisang pinaka-bwesit na nilalang sa balat ng lupa na walang iba kundi ang kanyang nakakatandang kapatid. Siya din kasi ang tipo ng tao na kahit anong tang...