Lucas Gil as:
TOMOYUKI MIKKO NATSUKAWA
and
Katharine McPhee as:
AUDREY JADE MEDIAVILLO
.
.
.
.
.
CHAPTER 4
"Jade's Point Of View (POV)"
"Sa'n mo ba ako dadalhin? Get off me!" Sigaw ko sa kanya habang pinaghahampas ko ang kanyang likod.
"'Wag ka ngang sumigaw! Kung ayaw mong ihulog kita dito-"
"Ano ba kasing gagawin mo sa 'kin?" Mahinang sabi ko, sabay tigil sa paghampas sa kanya.
Hindi na siya sumagot pa sa tanong ko. Bigla na lang siyang pumasok sa isang madilim at malawak na silid, at mabilis din niyang sinaraduhan ang pinto. Dahan-dahan niya akong inihiga sa kamang nandito sa loob. Kinakabahan na ako at ang lakas-lakas na ang tibok ng puso ko sa kung anumang gagawin niya sa akin. Gustong-gusto ko ng sumigaw pero walang boses na lumalabas sa aking bibig.
"Jade, right?" Naniniguradong tanong niya sa akin habang nakatayo lamang siya sa harapan ko.
"Y-Yes? A-Ano b-bang g-gagawin mo s-sa 'kin? B-bakit mo b-ba a-ako d-dinala d-dito?" Nauutal at nanginginig na tanong ko, sabay bangon at lumayo ako sa kanya ng kaunti.
Imbes na sumagot sa akin, mabilis niyang hinablot ang kaliwang braso ko at bigla na lang akong itinulak ng mahina pahiga ulit sa kama. Ilang beses din akong napalunok ng laway nang bigla niyang hinawakan ang magkabilang-braso ko at inilagay niya sa itaas ng aking ulo. Dahan-dahan siyang pumatong sa ibabaw ko. Hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman at gagawin ko. Parang mababaliw na ako sa sobrang kaba at sa sobrang takot.
"I miss you, Kelly." Seryosong sabi niya.
"K-Kelly?" Nalilitong tanong ko.
"Yes. Sa wakas, nakita na ulit kita, Kelly. Miss na miss na kita. Ba't mo 'ko iniwan?"
"H-Hindi naman ako si K-Kelly. A-Ako s-si-" Naputol na ang sasabihin ko nang halikan niya ang aking mga labi. Pilit akong lumalaban sa kanya pero napakalakas talaga niya at hindi man lang matinag-tinag sa ibabaw ko. Itinikom ko ang aking bibig para lubayan na niya ang paghalik sa akin pero hindi pa rin siya tumitigil sa ginagawa niya hanggang sa umabot na sa aking leeg ang kanyang mga labi. Wala na akong pagpipilian kundi ang sumigaw ng malakas para makahingi ng tulong.
"AHHHHHHHHHH!" Buong lakas kong sigaw.
"Walang makakarinig sa'yo dito, Babe. Mapapagod ka lang sa kakasigaw mo d'yan."
"P-Please, 'w-wag mo n-namang g-gawin sa 'kin k-kung a-anuman ang nasa i-isip mo. Please! Please! Please! H-Hindi n-naman ako si K-Kelly. A-Ako si J-Jade."
Pagkasabi ko ng mga katagang iyon, bigla siyang natauhan nang malaman niyang hindi ako ang sinasabi niyang Kelly. Mabilis siyang umalis mula sa ibabaw ko at napaupo na lang sa aking tabi.
"I'm sorry. I'm really sorry. Sorry."
Nakayukong sabi niya.Hindi ko na siya pinansin pa. Mabilis akong bumangon para lumabas na sa madilim na silid na iyon pero dalawang hakbang palang ang nagagawa ko nang may yumakap na sa akin mula sa aking likuran.
BINABASA MO ANG
SOMEONE ELSE'S STAR
General FictionNang dahil sa isang laruang saranggola at sa isang batang napakakulit ay makikilala ko ang nag-iisang pinaka-bwesit na nilalang sa balat ng lupa na walang iba kundi ang kanyang nakakatandang kapatid. Siya din kasi ang tipo ng tao na kahit anong tang...