CHAPTER 9

188 20 2
                                    

Lucas Gil as:

TOMOYUKI MIKKO NATSUKAWA

and

Katharine McPhee as:

AUDREY JADE MEDIAVILLO

.

.

.

.

.

CHAPTER 9

"Jade's Point Of View (POV)"

"JADEEEEE!" Tawag pansin sa akin ni Chloe habang tumatakbo sa hallway sa second floor ng management department. Nakasunod lang sa kanya si Faye na nakasimangot habang naglalakad na para bang bored na bored. Dalawa lang, ang rason kung bakit ganyan 'yan. Una, naiingayan na naman 'yan sa pagsigaw ni Chloe at pangalawa, ayaw na ayaw niyang magkasama na silang dalawa lang.

Nandito ako ngayon sa department namin habang nakaupo sa mahabang upuan at naghihintay sa pagdating ng mga professors sa mga major subjects ko para magpasa ng mga requirements na kailangan upang makasama at makasabay sa graduation. Sa susunod na buwan, magaganap na ang pinakahihintay ng lahat ang makatapos ng college pero ako, ayoko pang umakyat ng stage.

Anim na taon akong nasa college dahil sa ginawa kong kalokohan noon, imbes na mag-enroll ako sa business management n'ong magfi-first year pa lamang ako ay mas pinili ko pa rin ang culinary arts at d'on nga ako nag-enroll sa kagustuhan kong maging isang magaling na chef balang-araw. Dalawang taon din akong nag-aral sa kursong 'yun pero nang madiskubre ni Daddy, ang ginawa kong kalokohan ay nagalit siya ng sobra sa akin at pinalayas pa niya ako noon sa bahay. Mabuti na lang at nagkaroon ako ng isang napakabait at napakabuting ina na si Mommy Emily na laging umiintindi at umuunawa sa lahat ng gusto ko. Aminado naman talaga ako na sobrang spoiled ako pagdating kay Mommy.

Tanging si Mommy lang, ang nakakaalam ng lahat tungkol sa akin at sa mga ginawa kong kalokohan, simula sa pagkabata hanggang sa ngayon. N'ong araw na pinalayas ako ni Daddy sa bahay ay lihim akong binigyan ni Mommy ng pera para makabili ng sarili kong condominium unit at ng pagkain na gusto ko lang kainin. Talagang mapili ako kapag pagkain na ang pinag-uusapan, ayokong kumain kapag iba ang nagluto, maliban na lang kung sina Mommy at Manang Theresa ang nagluto sa pagkain na kakainin ko. Every week, pinupuntahan din ako ni Mommy para magdala ng groceries at ng kung ano-ano pa.

"I MISS YOU, AUDREY JADE MEDIAVILLO!" Malakas na sigaw ni Chloe, sabay yakap sa akin na para bang matagal na matagal kaming hindi nagkita. Sa totoo lang, isang linggo palang kaming hindi nagkita-kita dahil abalang-abala sa paggawa ng mga requirements dito sa school. Kahit kailan talaga, laging sumisigaw ang babaeng 'to.

"Hoy! Krung-krung, 'wag kang sumigaw para kang nasa palengke." Nakasimangot na sabi ni Faye. "KRUNG-KRUNG" ang tawag ng dakilang observant kong pinsan kay Chloe sa tuwing sumisigaw ito.

Biglang bumitaw sa akin si Chloe at masamang-masama ang pagkakatingin niya kay Faye na para bang ihuhulog niya sa unang bangin na kanyang makikita. Habang si Faye naman, komportableng-komportable lang na nakatayo sa kaliwang gilid ko at nakasandal ang likod sa pader. "Krung-krung ka d'yan! Sa ganda kong 'to, Krung-krung!"

"Eh, sa Krung-krung ka naman talaga."

Napakamot ako sa pisngi ko habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang 'to. Siguradong-sigurado ako na mababaliw na naman ako sa pag-awat sa kanilang dalawa sa tuwing nagbabangayan sila.

SOMEONE ELSE'S STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon