Chapter 2: The Transferee

32 8 1
                                        

Third Person's POV

Nakarating na si Dane sa magiging eskwelahan nya ulit.
Hindi na sya bago dito sa school nya pero medyo naiilang parin sya dahil sa maraming taong nakapaligid at nakakasalubong nya.

Hindi sya sanay sa maraming tao.
Nahihilo sya kapag nakakakita sya ng madaming tao kaya binibilisan nya agad ang paglalakad nya habang nakatungo lang.

Habang naglalakad sya ay may narinig syang nag-sisigawan.
Pinuntahan nya ito at naabutan nya na may nagsusuntukan na dalawang lalake.

Actually,yung isang lalake lang ang sumusuntok dahil walang laban man lang yung sinusuntok nya.
Hindi nya alam ang naging dahilan ng nangyayare kaya nagtanong sya sa isang babaeng katabi lang nya na nag-uusisa rin.

"Ah miss pwedeng magtanong? Anong nangyare dyan sa dalawang yan at nag-aaway?" tanong ni Dane dito at agad namang lumingon sakanya ang babaeng pinagtatanungan nya.
Pamilyar sya kay Dane dahil ilang taon na rin namang nag-aaral sya dito.

"Ah! Napag-diskitahan lang yan nung magkapatid na bully dito,sina Kerby at Kevin." simpleng sagot naman ng babae sakanya at nginitian si Dane.

"Ahh. Pinagdiskitahan. Grabe talaga yang magkapatid na yan. Kahit anong araw na matipuhan nilang makipag away ay naghahanap talaga ng mapagdidiskitahan na inosente. Tsk." sabi ni Dane dito.

"Oo nga eh. Kawawa nga yung bagong transferee. Kabago-bago napagdiskitahan agad ng magkapatid. Di man lang pinalagpas." sabi naman ulit ng babae.

Teka..transferee? Di kaya yung lalaking nakausap ko kanina yung napagdiskitahan nina Kerby? Oh deym.. bago pa lang sya rito. Dapat pala sinamahan ko na aishhh! Konsensya please layuan mo ko T___T

[Iligtas mo na sya, Dane. Kasalanan mo naman na hindi mo sya sinamahan kaya napagdiskitahan tuloy sya nina Kerby. Maawa na sakanya Dane! Bago lang sya rito. Tulungan mo sya!]

HAYYS..No choice..para sa konsensya ko.. aish! Sana di ako mapasama sa principal office T_____T siguradong lagot ako kay mama nito. Pssh. Bahala na si Darna.


"HOY MGA GAGO! ITIGIL NYO NGA YAN. BITIWAN NYO YANG BAGONG TRANSFEREE DITO. WALA KAYONG AWA! KABAGO-BAGO PALANG NYAN DITO EH PINAGDISKITAHAN NYO NA AGAD! DI NYO MAN LANG IPINAGPABUKAS!" sigaw ni Dane na walang pag-aalinlangan.

Ngayo'y alam nyang nasa kapahamakan na naman sya at sangkot nanaman sya sa gulo pero di nya na yun alintana dahil nasanay naman narin sya dahil sa pakikipag away nya lagi dati noong naghiwalay sila ng ex nya.

Kilala narin sya sa Soulmate High dahil sa pakikipag-basag ulo nya noong last year.


Tinawag na nga syang "dakilang man-hater ,warfreak at amazona" dahil sa pakikipag-away nya lagi noon.
May mga lalaki narin sakanyang takot at iwas na iwas sakanya. Yung ibang mga nakaaway nya ay halos ma-trauma na nung binugbog nya. At dahil naman doon ay tumino naman ang lahat ng nakaalitan nyang mga lalaki. Pero marami parin sakanyang iwas.

"Hep hep hep! Andito na pala si Ms. Amazona ng Soulmate High." sambit naman ni Kevin habang ngumingisi-ngisi pa.

"Oo. Andito ako. Alangan naman kaseng na andyan ako, diba?. May mata ka naman diba?" tugon naman ni Dane na ngumisi rin na parang inaasar si Kevin. Di naman sya nabigo dahil biglang nagbago ang timpla ng mukha ni Kevin na kanina'y pangisi-ngisi pa ay ngayon ay mistulang naiinis at di mapinta ang mukha.

Mas lalo namang naiinis si Kevin ng marinig ang mga kantyawan ng mga nakapaligid sakanilang kapwa-estudyante niya.

"Boom basag! HAHAHAHAHAHA Pabida kase"

"Oo nga HAHAHAHAHAHA lakas mang-asar eh asar talo naman"

"Sa lahat pa kase ng aasarin eh yung makakatapat mo pa talaga sa asaran tsk tsk."

Mas lalo namang naiinis si Kevin sa mga narinig nya. Imbes sya ang katakutan nila ngayon ay sya pa ang napag-tampulan ng asaran.

"PUTANGINA NIYO! KUNG DI KAYO MANANAHIMIK, KAYO ANG PAPALIT DITO SA BINUBUGBOG NAMIN!" sigaw nya ng malakas na galit na galit kaya naman biglang tumahimik ang lugar na kanina'y maingay at masaya ay kabaliktaran naman ngayon na mistulang naging tahimik at tila bang takot sila sa sinabi ni Kevin.

Agad namang bumalik ang mayabang at animo'y mapang-asar niyang ngisi.

"Tatahimik rin naman pala." sambit niya at bumalik ang tingin sa pinagdidiskitahan nilang transferee.

Sisimulan na sana nya ulet itong suntukin nang biglang may boses syang narinig kaya agad syang napalingon at napadako ang tingin nya sa nagmamay-ari ng boses na ito.

"Takot na agad kayo n'yan?" sambit ng boses na galing pala kay Dane.

"Tsk. Ang babaw naman ng kintatakutan niyo. " sambit ulit ni Dane at nakangisi nanaman.


"Hindi mo pa ba titigilan yang transferee na yan? Alam mo, masasayang lang ang lakas mo sa isang yan dahil di man lang marunong lumaban.Walang thrill yun diba?" Dane


"So,anong gusto mo? Ikaw ang magiging kapalit nitong binubugbog namin?Alam mo, kahit babae pinapatulan namin. Wala kaming sinasanto ni kuya kaya kung akala mo uurungan ka namin,
nagkakamali ka." sambit ni Kevin.

"Wala naman akong sinabing uurungan nyo ko,ah?
At isa pa,hindi ako natatakot sainyo. Tsk. Oh,ano? Ako kapalit niyang transferee. Nakakaawa naman kase yan,kabago-bago palang rito eh uuwi agad na may pasa at galos sa katawan.
Kaya pumili kana lalake, ako o yang transferee?" sambit ni Dane na walang pag-aalinlangan at taas-noong hinahamon si Kevin.

"Oh sige kung ya'n ang gusto mo" sambit ni Kevin.

-----------

End of Chapter 2

Thanks for reading :))

Inlove with myselfMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon