Prolouge

37 8 0
                                    

Kristal Dane Pineda.
A woman with brain,with heart but as cold as snow.
She doesn't like to make friends with anyone lalong lalo na sa mga Lalake.
Well,pwede rin. May kaybigan rin naman syang lalake ngunit iilan lang.
Takot sakanya ang lahat ng lalake dahil sa angking lakas nya na kayang magpatumba at mambugbog ng lalake lalo na't galit sya.

She's a man-hater. May kapatid man sya na lalaki ay may laking takot rin sakanya nito.
Lumaki syang walang ama sa tabi nya simula nang maaksidente at mamatay ang tatay nya noong anim na taong gulang pa lamang sya.

Noon,hindi naman sya ganu'n makitungo sa lalake dahil para sakanya pantay-pantay lang ang pagtingin nya sa lalake at babae. Parehas pwedeng kaibiganin. Pagkatiwalaan.

Pero nagsimula ang lahat ng mag-kwento sa kanya ang isang kaybigan nya na mukhang manyak yung lalaking driver ng trycicyle na nadaanan nila.
At sumakto namang kakilala ni Kristal ito.
Nadagdagan pa yun dahil sa mga balita na laganap ang pangmamanyak at pang-rerape ng mga lalaki sa mga babaeng walang laban sakanila.
Dito nagsimula ang paglayo ng loob nya sa mga lalaki. Habang tumatagal ay nawawalan na sya ng tiwala dito.

Pero dumating ang araw na nagmahal sya ng isang lalaki. Buong puso nyang binigay sa lalaki ang kanyang tiwala.
Minahal niya ito ng sobra.
Ngunit dumating din ang araw na naghiwalay sila nito.
Niloko sya nito.
Nakita ng dalawang pares ng mata nya ang pagloloko sakanya nito.

At Simula no'n,hindi na muli syang nagmahal ng lalake maliban sa tatay at kapatid niya.
At simula din no'n,galit na sya sa mga lalake at wala na syang balak magtiwala sakanila maliban na lamang kung kamag-anak nya ito.

Pero hanggang kaylan kaya ito magtatagal? Ang kanyang pangako na hindi na sya magmamahal at magtitiwala sa isang lalake.

Habang buhay nya ba kaya itong maipapangako o pansamantala lamang dahil pinana ulit sya ni kupido sa isang taong di nya inaasahan na magpapatibok ulit ng puso nya at makakakuha ulit sa puso at tiwala nya.
Na makakasira sa matagal ng tinayong pundasyon nya sa sarili nya.

Halina't subaybayan natin ang pagpana ni kupido sa man-hater nating Si Dane at sa kukuha ulit sa puso at magpapa-ibig sa mala-pusong bato ni Dane.
Na makapagpapabalik sa dating si Dane na noo'y si "Kristal".

-----------

A/n: Hi po! Sana magustuhan kyo ang first story ko pong gagawin.

Thanks for reading. (kung may m
nagbabasa manXD)

Inlove with myselfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon