Dane's POV
May pasok nanaman. Heto't naglalakad ako ulit papunta sa school.
"Aish nakakatamad naman!" sambit ko sabay hikab. Antok pa ko hays.
Kinuha ko na lang ang dala kong cellphone at earphone para maibsan ang pagkaantok ko. Antahimik din kase. Halos konting tao lang ang naandito. Sabagay,madaling araw pa naman kase.
"But I'm not crazy, I'm just a little unwell
I know right now you can't tell
But stay awhile and maybe then you'll see
A different side of me..." pagsabay ko sa kanta. Unwell. Angganda talaga ng song na 'to. Di nakakasawa.Ipinagpatuloy ko pa ang pagkanta ko habang naglalakad mag-isa papunta sa school.
"Pst"
"psst!"
Natigil ako sa pag-lalakad ng may narinig akong sumisitsit saakin. Lumingon ako kung saan nanggagaling yun. Walang tao..
Aish! Baka guni-guni ko lang yun. Imposible namang may sumitsit saakin. Walang namang tao dito maliban saakin..
Di ko nalang pinansin iyon at ipinagpatuloy nalang ang paglalakad ko.
"Pst!"
May naririnig nanaman akong sitsit. Aish! Utak umayos ka!
"Pst!" sitsit ulit saakin ng kung sino mang sumisitsit saakin.
Hayop na..
Lumingon ulit ako. Lingon sa kanan,lingon sa kaliwa. Wala talaga akong nakitang tao.
Wtf..may multo ba? Huhuhu Lord wag naman.
Binilisan ko nalang ang paglalakad ko ng may sumitsit ulit.
"Pst!"
"Pst!
" PST!!"
Palakas ng palakas ang sitsit. Jusko..
Para akong timang na nanigas sa kinatatayuan ko. Lilingunin ko ba? Baka kase pag lumingon ako wala nanaman akong makita.. or baka sa paglingon ko may makita na talaga ako..sht.Pinag-iisipan ko parin kung lilingon ako o hindi. Baka kase sa paglingon ko,may makita akong multo na kulay pula ang mata,duguan,may laslas sa leeg,luwa ang mata..Yung kagaya sa mga movies.

BINABASA MO ANG
Inlove with myself
Teen FictionLalake? Kaylangan pa ba nun sa buhay mo para sabihing kumpleto ka? Ako,hindi ko na kaylangan yun kung alam ko rin namang sa huli,iiwan at sasaktan ka lang nya. Na kahit minahal mo sya ng sobra, Makukuha ka parin nyang lokohin at saktan ka. At sa hul...