Chapter 5: Black Box

26 9 2
                                    

Kristal's POV

Hayy.Nakarating rin sa bahay sa wakas. Kapagod mag-lakad -_-

Binuksan ko na ang gate namin. Ni-lock ko muna ito bago ko tuluyang pumasok sa bahay.

Naabutan ko si Mama na naghahanda ng pagkain.

Hmm..sakto gutom na ko HAHAHAHAHA

"Ma,dito na ko!" sabi ko dito sabay lapit sakanya para halikan sya sa pisnge at yakapin.

"Oh! Andyan ka na pala! Kain ka na muna dito bago ka pumunta sa kwarto mo. Tatawagin ko lang yung kapatid mo." sabi ni Mama na akmang lalakad na para puntahan ang kapatid ko kaya agad ko syang pinigilan.

"Ma! Ako na tatawang kay Jumong. Aakyat ko na muna itong mga gamit ko para wala na kong i-akyat mamaya." sabi ko kay mama.

"Oh sige! Tawagin mo narin kapatid mo ah at bumaba ka agad!" sabi ni mama kaya agad akong tumango.

"Opo Ma!" sabi ko na lamang at umakyat na sa taas.

-------------------
Pagkadating na pagkadating ko sa kwarto ko ay agad kong binaba ang bag ko sa sahig at tumalon sa kama.

"Yaaaaaaaah! Kapagod nyeta! Hirap maging pang-gabi tsk!" bulong ko habang nakasubsob ang mukha ko sa unan.

Naalala ko na kakain pa ko at tatawagin ko pa si Jumong. Aalis na sana ako ng may makita akong box na nasa ibabaw study table ko.
Linapitan ko ito agad para makita ko 'to.

"Kanino 'to? Wala naman akong ganitong box ah?"bulong ko sa sarili ko.

Sa pagkakaalala ko,kanina wala naman 'to eh. Bago ako umalis wala ng ibang nakapatong sa Study Table ko na ibang gamit maliban sa iba kong notebook.

Kahit nagtataka ako,binuksan ko nalang ang box para makita ang nasa loob nito.

Bago ko tuluyang mabuksan ang box ay nahagip ng dalawang mata ko ang isang sulat na karaniwang pinagsusulatan kung kanino ibibigay ang regalo o kung ano man.

" To my one and only love,
          Dane."

Yan lang ang nakalagay dun. Tsk. May 'love' love' pang-nalalaman. Cheesy. Eww.

Binuksan ko na ang box at kinuha ko ang nasa loob nito. Ang tumambad sakin ay mga Pictures. Teka---PICTURES? At sa lahat ng kuha nito ay mga Stolen pics ko.

"Deym sht. Kung kalokohan 'to ni Jumong humanda talaga syang hinayupak sa'kin" bulong ko sa sarili ko.

Tinignan ko ang lahat ng pictures na nasa loob ng box. Mga 50+ din ito. Kuha ko ito sa school. Sa gate habang papasok ako sa school,yung gumagawa kami ng activities sa Mapeh,yung patawid na ko papunta sa school,pagbabasa ko ng libro sa library,pagtambay ko habang natutulog sa puno habang naka-earphone at may hawak na libro na tumatakip sa mukha ko..geez..epic..may mga pictures din ako na natutulog ako sa room.Nakayuko,nakasandal sa bintana,natutulog sa library at marami pa.

Inlove with myselfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon