Chapter 7: Danger

14 6 6
                                    

Dane's POV

Nakahiga lang ako sa kama ko habang nakatingin sa kisame.


Napapaisip parin ako hanggang ngayon kung sino ang nagpadala nung black box na puno ng stolen pictures ko. Nagtataka rin ako kung bakit o paano nakapasok sa kwarto ko yung box na 'yun. At ano naman ang maaaring maging pakay o dahilan ng nagpadala sa akin nu'n.


Tila' ba sinusubaybayan niya ang kilos at bawat galaw ko. Hays,kinikilabutan ako sa mga iniisip ko.

Siguro, mag dodoble ingat nalang ako. Mas mabuti na 'yun.

Bigla akong napatigil sa pag-iisip ko nang may marinig akong kalabog mula sa kung saan man. Unti-unti akong bumangon at bumaba sa kama na walang ingay. Paunti-unti akong lumapit sa pinto at inilapit ang tenga ko para mas maranig at matukoy ko kung saan nagmumula ang kalabog na iyon.

Naalala kong wala pala sina Mama ngayon dahil umalis sila at bukas pa sila babalik. Napatingin ako sa orasan kong nakasabit sa pader at nakita kong pasado alas-dyis na ng gabi.

Sht. Ano kaya yun? Imposible namang may nakapasok na pusa dito kasi sinigurado kong nakalock lahat ng pinto at bintana dito sa bahay dahil narin sa utos ni mama.


Napapikit ako ng mariin at napalunok dahil sa naiisip kong baka may nakapasok na magnanakaw dito sa bahay.


Bigla akong nakarinig ng mga yapak ng mga paa papunta sa kwarto ko. Napadilat ako ng mata ko at naalarma. Sinigurado kong nakalock ang doorknob ng kwarto ko. Iniharang ko narin ang study table ko.


Kinakabahan na ako. Kinuha ko ang phone ko at nagtext ako kay mama. Naghintay ako ng reply niya ngunit walang dumating.

Nagsisimula nang magsitulo ang mga pawis ko dahil sa kaba. Nanunuyot narin ang lalamunan ko at namumutla narin ako.

Wala na akong marinig na yapak ng mga paa na kanina'y naririnig ko. Mas lalo naman akong kinabahan dahil naalala kong katulad sa mga horror movies ay maaaring nasa tapat na sya o kung sino mang nagmamay-ari ng yapak ng mga paa na iyon sa harap ng pinto ko.


Nagsisimula narin akong manginig. Lalong tumibok nang malakas ang puso ko dahil biglang may kumatok sa pinto ko.


Natataranta na ako. Tumingin ako sa phone ko at naghanap sa contact list ko na pwedeng paghingian ko ng tulong.


Nagsimula akong tumawag sa mga kaibigan ko ngunit ni' isa ay walang sumagot. Siguradong mga tulog na iyon. Naiiyak na ako. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakaranas ng ganito.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Inlove with myselfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon