Dane's POVNaglalakad na ako palabas ng school. Uwian na pero hindi ko parin mabura sa isipan ko na kapatid ni Justine si Sir.Buenavidez.
"Tadhana nga naman. Tsk." bulong ko sa sarili ko habang pailing-iling.
Ako lang yata ang nag-iisang naglalakad dito sa loob ng Campus. Sabagay,kanina pa kase umuwi ang mga estudyante samantalang ako,ngayon lang dahil naglinis pa ko ng room namin.
Nagkataon rin namang ngayong araw akong naka-schedule na maglinis. May kasama naman ako pero di ko na alam kung na'san na yung mga yun.Habang naglalakad,may nadaanan ako isang room sa hallway.
May bigla akong narinig na boses..May kumakanta. Agad akong napahinto sa paglalakad at pumunta ako sa room kung saan nanggagaling ito. Sumilip ako rito at nakita ko ang isang lalake na nakasandal sa pader habang nakaupo at hawak-hawak ang isang gitara. Hindi ko makita ang mukha nya dahil bukod sa medyo malayo at malabo ang mata ko eh nakayuko ang lalake habang focus na focus sa pag-gigitara.
(Background music on multimedia)
But I'm not crazy, I'm just a little unwell
I know right now you can't tell
But stay awhile and maybe then you'll see
A different side of me
I'm not crazy, I'm just a little impaired
I know right now you don't care
But soon enough you're gonna think of me
And how I used to be...me🎶Pag-kanta n'ya sa chorus. Unwell. Isa sa favorite kong kanta maliban sa Kpop songs.
Infairness,maganda ang boses n'ya.
Patuloy lang ako sa pagsilip sakanya habang nakikinig.
Tila,hindi n'ya ako napapansin at hindi n'ya alam na may taong nakikinig sa kanya. Focus lang sya dito.Hindi ko inalis ang pagkakatitig at pakikinig ko sakanya. Tila bang nakalimutan ko ng umuwi.
Habang nakatingin at nakikinig sakanya ay bigla nalamang nyang itinaas ang ulo n'ya at napatingin sa'kin.
Labis s'yang nagulat sa'kin ngunit gan'un din ako kaya napaiwas agad ako ng tingin at nagtago sa likod ng pinto para di n'ya ko makita kahit huli na.Hindi ko namalayang naglalakad na pala s'ya at nasa gilid ko na habang nakatingin sa'kin.
Namalayan ko nalang ito ng magsalita siya."Ms.Pineda,anong ginagawa mo dito?" tanong n'ya.
Hindi agad ako nakakibo ng lingunin ko s'ya at magtama ang aming mga mata.
Oh geez..Kuya pala 'to ni Justine. Tsk tsk. Kung minalas nga naman.
"Ah ikaw pala yan,Sir.. Haha..Ano ho' na..na..napadaan lang..Oo napadaan lang hahaha" sagot ko rito habang tumatawa ng peke.
"Eh kayo Sir,bakit pa kayo nadito? Uwian na po ah?" tanong ko namang pabalik rito.
"Ahm..ah..kase.. nagpapalipas lang ng oras! Oo ganun nga! Hehe.." sagot naman ni sir habang ngumingiti. Ang cute pala n'ya pag ngumiti.. haha.. Just kiddin'. I still hate them. Tsk.
"Ah ganun ba sir? Sige ho' hahahaha" sabi ko naman rito.
"Eh ikaw anong ginagawa mo dito? Nakita kase kitang nakasilip sa room eh" siya.

BINABASA MO ANG
Inlove with myself
Ficțiune adolescențiLalake? Kaylangan pa ba nun sa buhay mo para sabihing kumpleto ka? Ako,hindi ko na kaylangan yun kung alam ko rin namang sa huli,iiwan at sasaktan ka lang nya. Na kahit minahal mo sya ng sobra, Makukuha ka parin nyang lokohin at saktan ka. At sa hul...