Chapter 1: Accidentally meet him

47 11 2
                                    

Third person's POV

"Hayy! Punyetang araw naman oh! Lakas magpasikat! Oo na ikaw na hot! Please lang wag kana magmayabang arghhhh!" sambit ni Dane habang naglalakad mag-isa habang nagpupunas ng noo't leeg nya.

"Aishh! Kelan pa ba ko makakarating sa letseng school na yan aish! Anlayoooo!
Peste gusto ko ng matapos mag-aral hays!" bulong ni Dane sa sarili niya.

"Hoy miss! Sinong kausap mo dyan? HAHAHAHAHAH Nababaliw ka na ba?"

Biglang napalingon si Dane at hinanap kung saan nanggagaling ang boses na yo'n at ng makita nya ito ay agad 'tong napasimangot ng makitang sa lalakeng nasa likod nya ito nanggagaling.

"Owws? Close ba tayo?" sabi ni Dane at ngumisi ngunit nakasimangot parin.

Napasimangot naman ang lalake at bakas rito ang inis. Agad namang napangisi si Dane dahil nainis nya ito.

"Di ka ba napagsabihan ng nanay mo na wag kang kumausap ng mga taong hindi mo kilala?" sabi ni Dane at ngumisi ulit na agad namang kinainis ulit ng lalake.

"Ayy oo nga pala. Hindi dapat nga pala AKO kumakausap ng mga taong di ko kilala at lalo na sa mga baliw na kagaya mo." bawi naman ng lalake at ngumisi rin ng nakakapang-asar.

"Aba't punyetang 'to. Ako pa nagmukhang baliw sa'ming dalawa eh sya naman yung biglang magsasalita dyan na parang close na close kami. Tch." sa isip ni Dane.

"Ah. Buti naman nasabihan ka ng nanay mo. Pero nakakapanghinayang lang na hindi sya sinusunod ng kanyang mabuting anak."bawi ni Dane sa lalake.

Tila namang umepekto ang pang-aasar ni Dane sa lalake kaya agad 'tong umalis at dinaanan sya. Dumaan ito sa gilid nya at sinadyang ibinangga ng lalaki ang kanyang balikat sa balikat ni Dane.

" Ayy shet! Punyetang 'to ah! HOYY! ANO BANG PROBLEMA MO SA'KIN AT------"biglang naputol ang sinasabi ni Dane nang biglang humarap ang lalaki na masama ang tingin sakanya.

"Pwede ba, tumahimik ka na. Aalis na nga ko eh psh"sabi ng lalake sakanya.

" Kfine."sabi na lamang ni Dane at umalis narin at dinaanan lamang ang lalaki.

Habang naglalakad si Dane ay nakarinig sya ng boses ng lalaki sa likod nya na para bang tinatawag sya.

Napahinto naman agad si Dane at lumingon sa pinanggagalingan ng boses na tumatawag sakanya at nalaman nya na galing iyon sa lalaking kausap nya kani-kanina lamang.

Inlove with myselfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon