10/23/16
To : 09956xxxxx8
Dear Future Boyfriend,
Letse. Ang corny. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ko sinusunod yung mga kaibigan kong praning na gawin ang bagay na ito pero wala, ito ginagawa ko padin. -____-
Huwag kang magtaka kung paano ko nakuha number mo. Nagtype lang ako randomly. Hindi ko nga alam kung existing ba tong number na tinetext ko ngayon o kung lalaki ka ba talaga na naakareceive nito pero dahil nasimulan ko na, paninindigan ko na.
Alam ko na iniisip mong baka nababaliw na ako, kahit ako iniisip din yun. I mean, sino ba naman na matinong tao ang tatawaging future boyfriend ang recipient ng message niya without knowing kung sino ba talaga ito or baka multo na pala katextmate niya? Wala diba? Ako lang.
-____- Ewan. May sapak na ata ako sa utak. Nakakatulig.
Kung sakali man na totoo ka nga, please bear with my messages. Afterall, paninindigan ko naman ito eh. At least kahit papaano, may makikilala akong ibang tao diba? Hindi kasi ako masyadong friendly sa iba.
Malay mo din, baka ikaw na talaga future boyfriend ko diba?
Charing lang! Hahahahhaa
Good night my future boyfriend <3
Nagmamahal,
Your Future Girlfriend <3
Message Sent.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kindly vote and comment your thoughts ! <3
Amateur lang po si author haha ^_^. Your critiques are always welcome ^_^.
YOU ARE READING
Dear Future Boyfriend
Roman pour AdolescentsDear Future Boyfriend, Matagal na kitang hinihintay. Kelan ka ba dadating? Mag-ingat ka palagi. Kailangan mo pa akong mahalin. Nagmamahal, Your Future Girl friend <3