11/10/16
To: 09956xxxxx8
Dear Future Boyfriend,
Kakauwi ko lang ng bahay dahil gumala kami ng friends ko sa may mall kanina. Friday naman kasi today and walang pasok tomorrow so nilubos lubos na namin.
Napadaan kami sa jewelry store tapos may nakita akong bracelet na may design na butterly dun. Sobrang ganda. Actually, balak ko na sanang bilhin, well, balak lang naman, pero hindi ko na ginawa. Sobrang mahal kasi, katumbas na ng kalahati ng one month allowance ko. Sayang. :(
Anyway, mas maganda namang ilaan ko nalang sa mas importanteng bagay yung pera ko. Diba? :)
Oooops. Mag-aalas diyes na pala, matutulog na ako.
Oyasumi. <3
Nagmamahal,
Your Future Girlfriend <3
Message sent.
YOU ARE READING
Dear Future Boyfriend
Teen FictionDear Future Boyfriend, Matagal na kitang hinihintay. Kelan ka ba dadating? Mag-ingat ka palagi. Kailangan mo pa akong mahalin. Nagmamahal, Your Future Girl friend <3
