10/29/16
To : 09956xxxxx8
Dear Future Boyfriend,
Maayos naman naming naitawid ni Mark yung group project and he asked me to celebrate it- well, lahat kami ng group niya. Libre na naman niya lahat, which is hindi na din bago kasi mayaman talaga siyang sadya, plus gwapo pa.
Oo na. Alam ko na ang iniisip mo kung sakaling binabasa mo nga itong mga messages ko. Halatang halata naman siguro na gusto ko si Mark diba? Sabagay, nasa kanya naman na kasi lahat lahat. Mabait, matalino, mayaman, gwapo, ano pa bang hahanapin ko? Almost perfect na siya. Almost lang ha, kasi wala namang perpekto sa mundo.
Siguro nagtataka ka na din. Tinatawag kitang future boyfriend and yet, may gusto akong iba. Ironic diba? Nakakatanga -__________-
Pero wag kang mag-alala, after 100 days matitigil na din naman ako. Wala na yung taong mangungulit sayo sa text at papangalanan kang 'future boyfriend'. And if ever that happens, everything ended, sana makilala kita. :)
Nagmamahal,
Your Future Girlfriend <3
Message Sent.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kindly vote and comment your thoughts ! <3
YOU ARE READING
Dear Future Boyfriend
Teen FictionDear Future Boyfriend, Matagal na kitang hinihintay. Kelan ka ba dadating? Mag-ingat ka palagi. Kailangan mo pa akong mahalin. Nagmamahal, Your Future Girl friend <3