11/01/16
To : 09956xxxxx8
Dear Future Boyfriend,
Hey.
Kamusta ang araw ng mga patay sa bahay niyo? Grabe. Ako kasi, naiiyak. Ginugunita na naman kasi naming pamilya ang pagkawala ni lolo. Lagi nalang ganto kapag death anniversary or araw ng mga patay. Naiiyak na nga ako kasi sobrang namimiss ko na siya. Sobrang namimiss ko na siya.
May sasabihin akong sekreto sayo. Shhhh ka lang ha?
My lolo..........
He died to save me when I was young. At hanggang ngayon, nandito, nakakimkim sa sarili ko yung trauma at sakit ng pagkawala niya. All this time, I am blaming myself kahit hindi naman ako sinisisi ng pamilya ko. Pero kasi, masakit pala talaga? Yung isang taong pinakamamahal mo ay namatay para lang mabuhay ka :(
Pero, I thanked him for letting me live. Siguro, if I died back then, wala na. Malabo ko sanang naexperience ang saya ng mundo. Kaya sobra akong nagpapasalamat kay lolo.
Ikaw? May namimiss ka ba sa araw na ito? :)
Nagmamahal,
Your Future Girlfriend <3
Message Sent.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kindly vote and comment your thoughts ! <3
YOU ARE READING
Dear Future Boyfriend
Teen FictionDear Future Boyfriend, Matagal na kitang hinihintay. Kelan ka ba dadating? Mag-ingat ka palagi. Kailangan mo pa akong mahalin. Nagmamahal, Your Future Girl friend <3
