11/13/16
To: 09956xxxxx8
Dear Future Boyfriend,
Hindi ako pumasok sa school ngayon dahil gusto kong puntahan si Dad sa opisina niya ngayong araw. Hindi siya umuwi kagabi kaya mas lalo akong kinabahan. Sabi ni Manang, sumama na daw siya sa iba. Will that make sense? Mahal na mahal niya si Mom at ako. Alam kong hindi niya magagawang sirain yung pamilya namin.
Si Mom naman, masyadong tahimik kaya mas lalo akong kinakabahan. No, I don’t want to ask her. I will confirm it myself.
Pwede ba akong manghingi sayo ng lakas ng loob? I badly need it right now. Ilang minuto nalang, nasa opisina na ako ni Dad at hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa mga sasabihin niya.
I just hope it will turn out well.
Nagmamahal,
Your Future Girlfriend <3.
Message sent.
YOU ARE READING
Dear Future Boyfriend
Teen FictionDear Future Boyfriend, Matagal na kitang hinihintay. Kelan ka ba dadating? Mag-ingat ka palagi. Kailangan mo pa akong mahalin. Nagmamahal, Your Future Girl friend <3