Text Message #18

31 0 0
                                        

11/12/16

To: 09956xxxxx8

Dear Future Boyfriend,

Nagsimba kami ng Mom ko kanina. Actually medyo nagtaka ako kung bakit hindi kasama si Dad pero hindi nalang ako nagsalita. Everything went smoothly. Nag-mall pa nga kami. Walang naging problema….



Maliban kay Mom.





Buong araw siyang wala sa sarili. Ilang beses ko ng tinanong kung bakit pero nginingitian lang niya ako tapos sasabihin niya na ayos lang siya. Pero hindi ako mapakali.



Nang makauwi sa bahay, sinabi niyang magpapahinga lang siya tapos dumire-diretso na siya sa kwarto niya. Hindi ko na talaga alam yung nangyayari hanggang sa lumapit samin yung isa naming katulong.


Guess what kung anong sinabi niya? Umalis na daw si Dad. Sumama na siya sa iba.



Nagmamahal,

Your Future Girlfriend <3

Message sent. 

Dear Future BoyfriendWhere stories live. Discover now