-Phoebe Bernadette Pascual-
Masyado na akong nababagot sa pagkakaupo ko dito sa bench. Ewan ko ba, pero ayaw kong tumayo at umalis. Pakiramdam ko kasi makikita ko siya.
I'm referring to 'My Future Boyfriend' na tinetext ko palagi. Though hindi ko naman alam kung lalaki talaga siya o hindi. He never replied to any of my messages naman. Pero dahil dakila akong tanga, wala naman sigurong masamang maghintay diba? Baka kasi bigla siyang dumating.
Mag iisang oras na pero wala pading nangyayari. Siguro wala yun balak pumunta at makilala yung isang baliw na kagaya ko. What to expect? Alangan namang pumunta nga yun ditto eh hindi naman niya ako kilala.
Napagpasyahan ko ng tumayo at pumunta sa National Bookstore para tumingin ng libro.
-__________-
Bakit ako kinulang sa height??
Hirap na hirap akong kuhanin yung librong matagal ko ng hinahanap dahil nasa pinakatuktok iyon ng shelf. Asan ba kasi yung mga nag-aassist? Wala man lang tumutulong sakin.
Dahil sa kakulitan kong taglay, patalon-talon kong kinuha yung libro. Nagbabakasakali ako na maabot ko talaga yun. Kaso, sa kasamaang palad, may mga librong nahulog sa shelf. No choice ako kundi pulutin isa-isa yun.
"Need some help?" Agad akong napaangat ng ulo ng marinig ko ang boses ng isang lalaki sa harapan ko.
"Well, do you mind?" nginitian niya ako.
"No, not all", isa isa niyang pinulot ang ilang librong nalaglag atsaka kinuha yung libro na napulot ko na tapos iniayos ito sa shelf. Abot na abot niya naman kasi matangkad siya sakin. Hanggang leeg niya lang ata ako.
"Thank you"
"You're welcome", nginitian niya muli ako tapos napatingin sa librong hawak hawak ko. "That is a good book".
"I think so"
"You haven't read it yet?"
"No, I'm planning to, that's why I am buying this book"
"I see"
"Yah! Vince-kun, ikuzo!" Napalingon kami pareho sa babaeng nagsalita. Vince? Vince ang pangalan niya?
"Hai, hai, Mina-chan," sagot nung lalaking tumulong sakin. Hi-hi?
"Hayaku!" sigaw nung babae kaya tumawa ng mahina si Vince bago muling humarap sakin.
"I'll be going now Miss. I hope you'll enjoy reading that"
YOU ARE READING
Dear Future Boyfriend
Teen FictionDear Future Boyfriend, Matagal na kitang hinihintay. Kelan ka ba dadating? Mag-ingat ka palagi. Kailangan mo pa akong mahalin. Nagmamahal, Your Future Girl friend <3