Sinundo ako ni Quin at sabay kami dumating sa venue ng debut ni Rika. Hindi kami nag-usap buong oras na magkasama kami sa sasakyan. Binuksan niya ang pinto pagkatapos niya mag-park at saka ko sinabi, "Quin...Okay lang ba kung-- Kung pwede sana ano-- Para kay Rika..." Para akong tanga. Pero nakuha naman ni Quin ang punto ko dahil tumango siya at hinawakan ang kamay ko habang papasok kami sa entrance.
Binati kami ng mga kaibigan namin at wala ni isa ang nakapansin sa sitwasyon namin ni Quin. Pwede na kami mag-artista sa galing namin umarte. naghiwalay lang kami nung nagsimula na ang program. Kasama siya sa 18 roses kaya hiwalay ang pwesto nila sa iba pang kasama sa program.
Bakas kay Rika ang kasiyahan dahil lahat ng kapamilya niya at mga kaibigan ay nandito. Hindi nawala sa labi niya ang ngiti habang binabati siya ng mga tao sa paligid niya. Ito ang moment na ayokong sirain. Salamat pa rin kay Quin dahil pinakisamahan niya ako.
"I have here a book for my dearest best friend. It's uhm...50 Shades of Grey. It's a great book, but I advise you not to do whatever's in here." At nagtawanan ang mga tao. "Rika's like a book. The cover's interesting and it's more interesting once you get to read the story inside. She's worth keeping and you'll never get tired of her. Kahit na minsan may sarili siyang mundo." Nakarinig na naman ako ng tawanan. "Anyway, I wish you a very happy birthday and more blessings to come in the next years of your life. I'll always be here for you and I love you." Nagpalakpakan ang mga tao at bumaba na ako sa stage para iabot sa susunod na kasali sa 18 Gifts ang mikropono.
Bumalik na ako sa upuan ko at pinanood ang mga sumunod na umakyat sa stage. Dumating na ang part ng 18 Roses. Unang isinayaw si Rika ng kanyang ama na si Tito Daniel. Bilang nag-iisang babae sa tatlong magkakapatid, spoiled ito sa kanya. Sinunod nito ang gusto ni Rika na magarbong 18th birthday dito sa The Buffet sa Quezon City. Sunod naman na sumayaw kasama ni Rika ay ang kuya nitong si Alvin. Ito ang varsity player na kapatid ni Rika at isang kilalang playboy. Nakita kong nagtatawanan sila habang pinipilit sumunod sa hakbang ni Rika ang kapatid. Sumunod ulit ang isa pang kapatid ni Rika na si Andrew. Miyembro naman siya ng banda at mas close ito kay Rika kaysa sa kuya nilang si Alvin. Nagsunud-sunod pa ang ibang mga kamag-anak at kaibigan ni Rika sa pagsayaw kasama niya.
Sumunod ay si Quin. Napabuntong-hininga ako ng makita ko kung gaano siya ka-gwapo ngayong gabi. Nakatutok sa kanila ang spotlight na lalong nagpatingkad sa kanyang itsura. Naalala ko nung sarili kong debut. Siya ang last dance ko bilang siya ang boyfriend ko. Hindi ko mapigilang mapaluha nang kunin nya ang kamay ko at nag-bow pa siya bago kami nag-sayaw. Hindi ko napansin na nakangiti pala ako habang pinanood na natapos na ang sayaw nilang dalawa. Pinikit ko sandali ang mga mata ko para mabura na sa isip ko ang masayang alala ng debut ko. Dapat siguro simulan ko na burahin isa-isa ang mga alaala namin.
Natapos na ang program at masayang kumakain na ang mga tao. Wala akong gana dahil sa bigat ng laman ng dibdib ko at isip ko. Naglalaro lang ako sa cellphone ko ng may marinig akong boses. "Diet?"
"Rika!" Napatayo ako bigla ng marinig ko ang boses nya.
"Asan si Quin, bakit mag-isa ka lang?"
"Present!" Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses ni Quin. May dala siyang dalawang plato ng pagkain at binaba ito sa table. "Kumuha lang ako ng food para sa'min ni Lacey."
"Ang sweet naman talaga! Naku, kailan kaya ako makakakita ng gaya mo, Quin?" At humalakhak sya ng malakas. Sa ganda nyang babae, wala syang pakialam sa poise.
Napangiti na lang ako ng tipid at tumingin kay Quin. May sasabihin pa sana si Rika nang may tumawag sa kanya. Nag-excuse sya at pinuntahan ang taong tumawag sa kanya. Hay salamat! Umupo ulit ako at uminom ng tubig. Hindi na yata kaya ng powers ko ang umarte. Ang hirap pala lalo na pag walang talent fee! "Baka mapanis yung pagkain." Narinig kong sabi ni Quin. Hindi pala sya umalis.
"Uhm. Wala akong gana. Salamat."
"Please, Lacey. Hindi porke-- Hindi dahil iba na ang sitwasyon natin, pababayaan mo na ang sarili mo. Akala ko ba may usapan tayo ngayong debut ni Rika?"
"Kakain ako ngayon dahil concern ka, tapos ano na bukas?" Hindi sya nakasagot.
"Lovebirds!" Boses ni Drake ang bumasag sa tensyon sa pagitan namin ni Quin. "Pwede ba mahiram ang girlfriend mo? Medyo may intermission number kasi syang dapat puntahan." Pabiro nyang sabi. Ako ang vocalist ng bandang Until Five na binuo naming magkaka-tropa maliban kay Quin.
"Sure. Sorry, nakalimutan ko." Nakangiting sagot ni Quin.
"Halika na, Drake." At tumayo na ako para tumungo sa stage.
"Wait." Lumingon ako kay Quin. Nagulat ako ng bigla nya akong hinalikan sa lips. "Rock this party."
BINABASA MO ANG
The Ex Factor: It's NOT a Love Story!
General FictionFirst book in The Ex Factor series. Lacey's boyfriend just broke-up with her. She was hurt very bad at hindi niya malaman kung paano makaka-get over. Join her in her ups and downs and how she would move on and find happiness in this chicklit story.