Chapter 8

263 18 18
                                    

"Break It Down?" Natatawang basa ko sa pangalan ng lugar na pinagdalhan sa'kin ni Jake. Mukha siyang souvenir shop-- may mga figurines, ceramics at kung ano-ano pang bagay na babasagin. Feeling ko tuloy nasa maling lugar kami. Anong gagawin namin sa isang souvenir shop?

"My friend owns this place. You'll like it here." Hindi pa rin naaalis yung ngiti sa mukha niya na parang nanalo siya sa tong-its. 

"Bibili ba tayo ng souvenirs?" Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko kahit nagsimula na siyang lumakad papaunta sa shop.

"Souvenirs? No. This is better. Halika."

Sumunod na lang ako sa kanya. Hindi naman siguro niya ako ipapahamak. Matakot siya sa bunganga ni Rika. Pagpasok namin sa loob, sinalubong agad si Jake ng isang lalaking naka-jeans at t-shirt lang din. "Joaquin, my man!" At nag-kamay silang dalawa. Uso yata sa circle of friends ni Jake ang hindi nagsusuot ng regular work clothes. Tinignan ko ang loob ng shop habang nag-kakamustahan sila.

Sa likod ng counter, may naka-post na pricelist. Sa bandang kanan, may bar at may iba pang babasaging bagay. Sa kaliwa, may exit. Hindi ko makita ang nasa labas, sinubukan kong lumapit at tignan kung anong meron doon nang marining kong tinawag ako ni Jake. Huminto ako sa paglakad at inantay silang dumating malapit sa'kin.

"Hi Lacey, I'm Chris." Bumati din ako at nakipag-kamay sa kanya. "You'll enjoy it here for sure. Naikwento na sa'kin ni Jake ang sitwasyon mo, and I know the right area for you. Please follow me." Right area for me? 

Sumunod kami sa kanya at may nakita akong iba't ibang booths. Malawak pa sa likod ng shop at para akong nasa perya na may mga booths para sa shooting games. Pero hindi para sa shooting ang lugar na ito. Nakakita na ako ng ganito sa TV. Sa ganitong lugar pumupunta ang mga taong malaki ang galit sa mundo o yung mga gusto lang maglabas ng sama ng loob. Kagaya ko.

"Well? 'Wag mo lang titigan ang mga plato, Lacey. Tumatakbo yung oras natin.", sabi ni Jake habang inaabot sa'kin ang isang plato. 

"Imagine the wall as the person you hated the most right now. Start from there and next thing you knew, you're killing him." Tumawa si Chris ng mahina at inexcuse na ang sarili para bumalik sa loob ng shop. Kinuha ko ang platong binibigay sa'kin ni Jake at hinagis ito sa wall ng booth. 

Tumawa ng malakas si Jake. "Yun na yun? Galit na galit ka na niyan? Asan na yung warfreak na Lacey dun sa store kanina? Yung nanampal, yung nanadyak...yung niloko." Nang marinig ko yun, biglang bumalik ang lahat. Naalala ko kung bakit nga ba nangyayari ito sa'kin. Ang dahilan kung bakit ako umiiyak, kung bakit ako kumuha ng summer job, kung bakit nagalit ako sa mga kaibigan ko. 

Kumuha ulit ako ng isang plato sa table at hinagis ito ng malakas papunta sa wall. "Walang hiya ka, Quin! Ang sama-sama mo, hayop ka!" At binato ko ng binato ang wall hanggang maubos ang mga plato sa table. 

"How do you feel now?" Tanong ni Jake pagdating namin sa parking lot ng mall. Tinanggal ko muna ang helmet na pinahiram niya sa akin at iniabot ito sa kanya. Sa totoo lang, ang laking tulong nung pagbabasag ko ng mga plato dun sa Break It Down. Kahit papaano, nawala yung bigat sa loob ko. 

"Ang gaan sa loob nung activity na yun, Jake. Salamat." 

"See? You're smiling again! Kaya lang, bad news--that's salary deduction." At nagtawanan lang kami habang lumalakad pabalik sa store. It's nice talking to a free spirit like Jake. Nakakawalang stress at pressure of everything. "So, sana bukas wala ng busangot sa store?" Tanong niya habang binubuksan ang pinto ng Music Mania. 

"Sure. I promise no more warfreak Lacey."

Dinaanan ako nila Drake at Darren sa store after closing time. Sinabi ko na wala akong ganang kumanta at masama pa rin ang loob ko sa kanila. "Pasalamat nga kayo, kinakausap ko pa kayo ngayon eh!"

"Salamat." Sabay nilang sagot.

"Funny." I rolled my eyes at them. 

"Ganito na lang. As peace offering, ililibre na lang kita. Ano, game?" Alok ni Drake. Kilalang kuripot ang taong yun at bihirang bihira maglabas ng pera. Palalagpasin ko ba naman ang once in a blue moon offer na 'yun? And besides, they're still my guys. Para kaming part ng isang kamay, kami yung mga daliri na hindi pwedeng paghiwa-hiwalayin. 

"Sige na nga! Ikaw talaga, Drake! Saan ba tayo?"

"Dahil may problema ka sa puso, siyempre iinom tayo! Darren, itext ang buong tropa at papuntahin sila sa Don Pedro's Bar. Ice-celebrate natin ang pagiging single ni Lacey!"

"Kung alam ko lang na si Lacey lang pala ang makakapagpalabas ng pera ni Drake, sana lagi ka na lang heart-brokened!" Pabirong sabi ni Rika. 

"So how does it feel being single again?" Tanong ni Kelvin.

"Edi masaya kasi tayo na ulit ang kasama nya palagi!" Malakas na sagot ni Bert, ang kapatid ni Quin. What I liked about him, hindi siya nakiki-alam sa trip ng kuya niya. Kung ano yung pakikitungo niya sa akin, ganun pa rin kahit naging kami na ng kapatid nya, at ngayong hiwalay na kami. Close na talaga sya sa'kin noon pa, siya yung younger brother na gusto kong magkaroon nung bata pa ako. Akala ko pwedeng orderin kay Lord ang mga kapatid. 

"This is so great, guys. Thank you sa inyo. Thank you for hurting me, boys! And thank you to my one and only sister, Rika."

"Lagi naman kami andito para sa'yo, Lace." Sabi ni Darren.

We kept drinking and time passed so fast. It's 1 AM at nararamdaman ko na ang tama ng alkohol. Pero bilang matitibay sa inuman ang mga boys, level 2 pa lang ang tama nila. Ako level 4 na. At si Rika? She could drink any kind of alcoholic beverage, nakikipagsabayan siya sa mga boys. 

"Sis, sabi sa'kin ni Jake sinugod mo daw si Quin? Is that true?" And the spotlight was on me.

"I slapped him REALLY hard tapos sinipa ko siya sa tuhod! If you could see his face, priceless ang horror sa mukha niya!" And they all laughed and cheered. Parang achievement yung ginawa ko. 

"Masasabi mo na bang over ka na sa kanya?" Seryosong tanong ni Darren.

Bumuntong-hininga ako at napaisip. Over na nga ba ako? Sapat na ba na nasaktan ko siya physically at nilabas ko na sa mga basag na plato ang lahat ng sama ng loob ko? Can I put all the times we had together behind me and forget? All the memories suddenly flashed in my head. The happy times we had...The thought of us being together for the rest of our lives...

Tumulo bigla ang mga luha ko. "Sabihin niyo nga...Bakit sa'kin dapat mangyari ito? Bakit niya ako iniwan? Bakit hindi niya pa sinabi nung umpisa pa lang na may habol pala siya sakin para hindi na nangyari lahat ang nangyari? Bakit?" Lumabo na ang mga mata ko sa dami ng luhang nilalabas nito. This will be the last time I'll cry for you, Quin. Today's the last.

The Ex Factor: It's NOT a Love Story!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon