Chapter 10

240 13 8
                                    

"May plano ka na ba for the Holy Week?" Tanong sa 'kin ni Jake habang umiinom siya ng monster coke float. Sobrang init na nga dahil sa summer season at in 2 days, magsasara na ang mall in observation of the Holy Week. 

"Hmmm...Wala naman. Nags-stay lang naman kami sa bahay pag Holy Week, unless may kamag-anak kami na mag-iinvite for out-of-town pilgrimage. Sa Easter Sunday naman, yung gig dun sa mag-oopen na bar. Bakit?" 

"Yung mga pinsan ko kasi bibisita from the States, eh nagp-plano sila magpunta sa isang beach resort na malapit lang dito--sa Pacific Beach Resort. Gusto ko sana, kung okay lang, sumama ka." Napatigil ako sa inventory na ginagawa ko at tumitig sa kanya. Bakit ako? Mukha naman siyang seryoso, so hindi ito joke. Sasagot na sana ako na hindi ako makakasama kasi nakakahiya naman, sino ba naman ako para isama sa outing nilang mag-ppinsan, nang bigla siyang nagpahabol. "Your friends can come. Actually...ininvite ko na si Rika...kahapon. Oo, tama."

Kung sinabihan na niya si Rika, bakit hindi ako tinext ni Rika tungkol dun? Hmmm...

"So ano? Sama ka na?" He had a childish, pleading look on his face. Parang it's worth the outing kung andun ako.

"I'll ask permission first. My parents are not familiar with you, ang alam lang nila, boss kita. And technically, bosses don't mingle with their employees like this." At nalukot ang mukha niya. "I'll let you know tonight, don't worry." 

"Talaga, ha? Alright, then." Ngumiti na ulit siya at lumabas ng store. Anong problema nun?

"Seryoso, friend. Kaninang hapon lang siya tumawag sa'kin to invite me. Nagulat nga ako nung sinabi niya na ininvite ka din niya. Anyways, sasama ako. I already texted the guys, since sabi naman ni Joaquin okay lang sumama sila. So, sama ka na rin, ha!" 

Sabi ko na nga ba. Something's fishy about that invitation. Ano pa bang magagawa ko, pumayag na si Rika. "Okay, sige. Magpapaalam lang ako kina mama para alam nila. Thanks, Rika." At binaba ko na ang cellphone. Why would Jake lie? 

Lacey-- talked to Rika, she was not informed last night about this outing. y lie?

Sori. I wil xplain 2mrw. So r u in?  --Jake

Lacey--  I hav no other chois. Gudnyt.

Nag-reply pa siya pero hindi ko na binasa. Bakit ba ako napapalibutan ng mga sinungaling? Bumaba ako sa sala at nagpaalam sa mga magulang ko.

"You owe me an explanation." Bungad ko kay Jake nang dumating siya at hawak ang susi ng store. Hindi siya sumagot. Binuksan niya lang ang lock at inangat ang roll up sabay pumasok na sa loob ng store. Bad mood? Okay, baka mali lang yung opening ko. Try option B. "Gusto mo ibili kita ng kape?" Wala pa rin. Nakatayo lang ako sa pinto ng store habang binubuksan niya ang computer. Silent treatment? Okay, fine. 

Lumakad na ako papunta sa locker ko para ilagay ang bag ko nang pigilan niya ako. "I'm sorry, Lacey. Hindi ko kasi alam kung paano kita mapapapayag-- "

"Kaya ka nagsinungaling? Okay lang, sanay na ako sa mga sinungaling. Sasama na ako sa outing, sana masaya ka na." Inalis ko ang kamay niya sa akin at pumasok na ako sa employee's room. Pag labas ko, wala na siya. Baka nag-kape? 

Hindi na siya bumalik. Nagtext ako sa kanya, at isang message lang ang binigay niya sa akin the whole day. d store wil b closed 2mrw, c u and ur friends der 2mrw 9am.  --Jake

At eksaktong 9 am nga, andun na siya. He was driving a van and he was with Rika. "Good morning.", bati niya sa aming lahat. 

"This is Joaquin, a family friend of mine at ang boss ni Lacey. This is Drake, Darren, Bert and Kelvin." Pakilala ni Rika sa kanilang lahat. Nagtanguan lang sila at inaya na kaming sumakay ni Jake sa van.

"Please call me JAKE, don't mind Rika." At pumwesto na kami sa loob ng sasakyan. Sinigurado ko talaga na mauna sa likod ng sasakyan. Ayoko munang lumapit kay Jake, kahit na mukhang okay sila ng tropa. Malapit lang yung beach resort na pupuntahan namin, mga 30 minutes from the mall. Daldal ng daldal si Rika along the way, which was okay, at least she lightened up the mood during the short trip at nagkakilanlan din ng konti yung mga boys.

"Ang cool ng soundtrack natin, Jake, ah!" Pansin ni Drake sa pinatutugtog ni Jake sa sasakyan. 

"Oo nga, para tuloy gusto kong kumuha ng gitara at umislam ng ganun, oh!" At nag-slam ng invisible na gitara si Bert.

"That's Lacey's playlist." At sinilip niya ako mula sa rear view mirror. Hindi ko napansin na playlist ko pala yun. Sinave nya sa cellphone niya yung playlist ko? Anong gusto niyang gawin ko, matuwa ba dapat? Inirapan ko nga siya sa salamin. Bakit ba parang ang layo ng beach resort na yun? Hai.

Pagdating namin sa resort, may isang lalaking sumalubong sa amin. "Jake! Rika? Oh, my God! How are you?" At nakibeso na naman si Rika sa isang bagong rich kid. Si Rika ang pinakamayaman sa aming lahat. Hindi ko nga alam kung paanong ang isang rich kid na kagaya niya, eh naki-hang out sa mga katulad namin nila Drake.

Kanya-kanya kaming bitbit ng mga bag at sumunod sa bagong rich kid. "We rented a cabin here for the three of us. Tapos, we have two cottages near the beach area. You guys can leave your things in the cabin if you like." Tumingin sila lahat sa akin. Ako ba ang leader? 

"Sa cottage na lang kami, okay lang. We prefer the beach area more." Napansin ko ang effort ng rich kid na yun mag-tagalog, sana inorient man lang kami ni Jake para nakapagdala kami ng dictionary. 

Silence for 5 seconds. Buti nagsalita agad si rich kid, "Alright then. This way, please." Sumunod kami sa kanya.

Raymund ang pangalan ni rich kid, siya ang pinakamatanda sa tatlong pinsan ni Jake na dumating from States. Sumunod sa kanya ay si Stef at ang bunso ay si Riley. Half pinoys sila at lumaki sa States, kaya pilipit ang mga dila. "This is our cabin, you can always drop by if you need anything."

Mukha namang mabait si rich kid. Natatawa ako kasi nano-nosebleed na yung mga kaibigan ko sa kanya. Anyways, nagkakatuwaan naman sila kahit papaano. Napansin kong palingon-lingon sa akin si Jake throughout the walk. Problema nya?

Nang makarating kami sa mga cottage, kanya-kanya na kami ng ayos ng mga gamit. After 30 minutes, nagka-yayaan na mag-swimming. I declined, sabi ko maglalakad-lakad muna ako sa beach. So there they went.

Nagsimula na akong maglakad sa beach suot ang aking bikini top, maong shorts at ang aking pinakamamahal na red flip flops. Mahangin ang panahon at ang daming tao sa beach resort na ito. Mga pamilya, magbabarkada, couples, tour groups, at..."Peste!" I rolled my eyes and thought of turning back to the direction where I came from and pretend I didn't see. Too late, nakita ka na nya. What the hell!  

The Ex Factor: It's NOT a Love Story!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon