"I resign." Nagpa-late talaga ako ng 30 minutes ngayon. I think ito na ang magandang solusyon sa problemang kinakaharap ko. Inilapag ko sa counter ang resignation letter ko. Napatingin dito si Jake na kasalukuyang may ginagawa sa computer. Hindi ko na rin sinuot ang Music Mania uniform ko, dinala ko lang in case hingiin niya sa akin yun.
"Bakit ka magre-resign? Kasi tapos na yung pakay mo to make this a distraction para makalimutan si Quin?" He was expressionless-- hindi ko tuloy maisip kung anong mood nya. "I think that's a bit unfair." Inangat niya ang mukha niya from the computer at kinuha ang resignation letter ko. Hindi niya iyon binasa, tinignan lang, tapos pinunit.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya-- tinapon niya ang papel sa basurahan at tumingin sa akin ng diretso. "I'm not accepting that. You can take the day off and think about this--"
"I already thought about it and this is my decision. Kung ayaw mo tanggapin yung resignation ko, call it AWOL!" And I dashed out of the store without looking back.
I texted the guys and asked them kung pwede kami mag-jam. Buti naman they were free, kaya inantay ko na lang sila sa practice studio malapit sa mall. Kailangan ko ng breather-- I need to sing this out. Meron pa naman kaming mga bagong cover songs na kailangan pa naming i-practice. There would be an event two weeks from now-- The Summer Fair held at the biggest university in the city, North Ridge University.
"Ano bang setlist natin, Lacey?" Tanong ni Drake habang inaantay namin ang iba sa tapat ng practice studio. Inabot ko sa kanya ang tablet ko na naglalaman ng setlist na naisip ko for the said gig:
I Knew You Were Trouble (Taylor Swift)
Don't Tell Me (Avril Lavigne)
Porque (Maldita)
Hiling (Paramita)
Since U Been Gone (Kelly Clarkson)
"Kailan ka pa naging sobrang feminist? I mean, lahat ng andito kantang babae."
"I'm realizing things and these songs...Ewan ko. They make me feel better kapag naririnig ko sila. Yung lyrics nila, diretso dito, oh!" I laughed while I pointed to my heart.
"Part pa rin ng moving on stage?"
"Part ng letting go stage."
Maghapon nag-bonding ang banda at pakiramdam ko parang ang tagal tagal na since huli naming ginawa ang ganun. Pagkatapos ng practice, kumain kami ng street food at tumambay sa park. I really missed those guys. Dinner time na nung makauwi ako. Nawala ang saya ko nang may nakita akong bisitang nakaupo sa sala.
"Kanina pa siya nag-aantay, Lacey. Sabi ko hindi ko sigurado kung anong oras ka makakauwi, pero sabi niya aantayin ka daw niya." Tumango na lang ako kay Mama at pinuntahan ang bisita kong si Quin.
Umupo ako sa katapat na upuan at nilapag ang bag ko sa center table. Nakita ko ang bouquet ng bulaklak na mukha ngang kanina pa naghihintay. Kinuha iyon ni Quin at iniabot sa akin, "For you."
Kinuha ko ang bouquet at agad na nilapag ito sa tabing upuan. "Naligaw ka?" Hindi ito ang ineexpect kong katapusan ng araw ko. Nag-umpisa kay Jake, magtatapos kay Quin? Akala ko tinapos ko na ang lahat sa kanilang dalawa? Ano ba naman ito!
"Sabi sa akin ng boss mo nag-resign ka na daw sa Music Mania. Mabuti naman at wala ka na doon."
"Wala ka nang pakialam kung nag-resign ako. Ano bang sadya mo?"
"Look. I have been a jerk, I know that. Pero Lacey, please believe me when I say that I've learned my lesson. Na dapat hindi ako nakinig sa usig ng mga friends ko sa school. Hindi ko dapat pinatulan si Ellie at dapat...dapat hindi kita iniwan."
He looked really sincere and suddenly, siya na naman yung Quin na nakilala at minahal ko. Tumingin lang ako sa kanya, waiting for the second part of his speech.
"I know you've been through a lot. I may not understand it, pero hindi ako mag-ppretend na alam ko kung gaano kahirap yung pinagdaanan mo. I just wanted to start off by saying I'm sorry."
I pursed my lips and thought very carefully on what I was going to say. "Thank you-- for the effort of coming here and waiting for a long time just to say these things. Uhm...I'm in this state right now na ayoko muna pumasok ulit sa isang relationship. I hope you understand." Didiretsuhin ko na para matapos na.
"I'm not rushing you, Lacey. Gusto ko lang malaman mong natauhan na ako sa pagkakamaling nagawa ko and I'm willing to do everything to make things right-- start a new and never look back."
Nabigla ako sa sinabi niya. I used to tell him those things kapag may problema siya sa family nila dati. Naaalala pa pala nya yun. Tumango lang ako at biglang lumabas si Mama sa sala, "Kain muna tayo, Quin, dito ka na maghapunan."
Umiling si Quin and declined the offer politely. "I have to go na rin po, inantay ko lang si Lacey. Salamat po, Tita." My mom smiled at him and headed back to the kitchen. Baka aalisin na niya yung extra plate sa mesa for Quin.
"Thank you, Lacey. And have a good evening." Hinatid ko naman siya sa gate, bilang ang ayos naman ng pakikipag-usap niya sa akin. Bumalik na ako sa loob at sumalo sa dinner ng pamilya ko.
Can we meet tomorrow? --Jake
Lacey-- y?
I'm taking in ur resignation, so I nid 2 giv u ur bakpay. --Jake
Lacey-- ok.
I'll pik u up at 7pm. gudnyt. wear a dress. --Jake
Bukas ng gabi? Para lang ibigay yung backpay? At bakit kailangan ko pang mag-dress, alam naman niyang wala akong ganun? Ano yun, formal event at kailangan naka-ayos pa? Nilapag ko na ang cellphone ko sa side table at pinatay ang lampshade. Ayoko munang mag-isip ng kung ano ano. No Jake, no Quin!
BINABASA MO ANG
The Ex Factor: It's NOT a Love Story!
General FictionFirst book in The Ex Factor series. Lacey's boyfriend just broke-up with her. She was hurt very bad at hindi niya malaman kung paano makaka-get over. Join her in her ups and downs and how she would move on and find happiness in this chicklit story.