Chapter 20

275 13 44
                                    

Eto na ako ngayon, nasa loob ng simbahan at lumalakad sa saliw ng Pachelbel Cannon. Ilang oras din akong nag-practice sa suot kong 4 inch heels para hindi sumayad ang aking gown. Hindi ko inaasahan ang pangyayaring ito. Kag-graduate ko lang ng college at hindi pa nga ako nakakapag-apply ng trabaho. Tumulong kasi ako mag-asikaso ng kasal. Buti na lang at andiyan si Rika, napadali ng konti ang gawain.

Teka, bago kayo mag-isip ng kung anu ano, kasal ito ng kaibigan naming si Bert! Biglaan nga ito, kasi buntis na yung girlfriend niyang si Hannah. Yun pala yung problemang dinadala niya dati-- nung nagch-chat kami at hindi siya nakasali kasi hindi niya alam kung paano sasabihin yung problema niya. Nung tinawagan siya ni Rika, saka siya nag-confide at saka namin pinag-usapan ang problema niya over chat. 

kelvin_a_thor: OMG

mad_drake: tsk tsk

Da_Ren: pano na yan?

shooLace: seryoso?

Bert_day: ano na gagawin ko, guys? kinakabahan ako, hindi ko alam kung pano q sasabhin kila erpats to

imtherika: anong sabi ni Hannah?

Bert_day: hnd pa rn xa nagsasabi sa kanila. xempre dapat pag cnb nya sa kanila, kasama na aq. ANONG GAGAWIN KO???

shooLace: maganda ba mood nila tita at tito ngaun?

Bert_day: kinakabahan aq Lacey. 

imtherika: relax, Bert. if ur parents r in a gud mood, we can give u tips on how 2 tel them the news.

mad_drake: magagalit tlga cla xempre, considering graduating ka pa lang and hnd agad makakahanap ng work.

Da_Ren: and definitely, Hannah's parents wil ask 4 a wedding. tingin nyo?

imtherika: don't be nega, you two! i can help with you finding a job, Bert. wag ka mag-alala.

Bert_day: 220 naman cnb nila Darren at Drake. tnx Rika. khit anong trabaho yan papatusin ko.

shooLace: kahit anong mangyari, Bert, and2 lang kmi.

kelvin_a_thor: pwede ka nmin 2lungan sa pag-arrange ng wedding.

imtherika: wonderful idea!

Bert_day: so.....paano ko sasabihin ung sitwasyon?

Nung una, nagalit yung tatay ni Bert. Expected na namin yun, pero kumalma din naman siya after that night na sinabi ni Bert yung balita. Sinabi niya lahat ng offer na inalok namin para makatulong-- mula sa pag-arrange ng wedding hanggang sa paghahanap niya ng trabaho. Nakabawas din yun sa tension kahit papaano. Kinabukasan, kinausap namin ang parents niya kasama si Hannah personally over lunch. Si Rika ang pinaka-head ng planong iyon-- nag-volunteer siya para maging wedding coordinator at inalok niya ng trabaho si Bert sa isang company nila sa Maynila. With all these planned, we wished them goodluck sa pagpunta sa bahay nila Hannah to meet her family. 

So ayun, we juggled academics with other school activities, finals then our own graduation ceremonies with planning ang taking care of Bert's wedding. Si Rika ang nakipag-usap sa church and sa reception venue. Si Drake at Darren ang gumawa ng wedding invitations at yung powerpoint presentation para sa reception. Si Kelvin naman yung kumausap sa bandang tutugtog sa reception. At ako naman ang sumama kay Hannah para mamili ng mga gowns para sa entourage pati na rin yung mga kakailanganin sa kasal. Nakakapagod, pero it was worth it.

We were all teary-eyed nung ceremony. Nakita kasi namin yung bunga ng pagod at hirap namin. Super saya ng reception! Hindi talaga matatawaran ang expertise ni Rika sa parties, bakit kaya hindi na lang siya mag-wedding coordinator? The food was so delicious, the ambiance of the garden reception was cozy and the music by the band chosen by Kelvin added drama during the important people's speeches. The powerpoint presentation was great, nakita kong nag-iiyakan yung mga parents and relatives ng couple. Drake and Darren did an awesome job!

"Hi." Napalingon ako sa taong nasa tabi ko habang kumukuha ako ng wine sa sidebar. Ngayon ko na lang siya ulit nakita after namin mag-usap many months ago. 

"Quin." The waiter then handed me my wine.

"Kamusta na?" 

"Okay lang." Kanina pa sa simbahan nung maglalakad na ang entourage, nakita ko siya na patingin-tingin sa akin. Parang sinisigurado niya kung ako ba talaga si Lacey. 

"Thank you pala sa pagtulong kay Bert. I felt useless being his older brother, wala man lang akong na-contribute sa wedding niya." He ordered wine himself.

"I heard you gave your space in your room for them. That's very noble."

"Ayoko namang sumiksik sa kanilang dalawa--tatlo 'pag lumabas na yung bata. Okay na ako sa sala for the meantime."

Ngumiti lang ako. Wala na akong masabi at malapit nang maging awkward ang sitwasyon. "Saan ka na ngayon nagwwork?" 

"Nagtuturo ako sa isang computer university sa Manila. Buti nga may napasukan ako agad, at least makatulong man lang agad sa mga magulang namin. Siyempre si Bert, thanks to Rika, magwwork na para sa sarili niyang pamilya. How about you?"

Nagkamali yata ako ng tanong. "Actually, wala pa. Hindi pa ako nakapag-apply after graduation kasi nag-focus ako sa wedding. Pero okay lang, after nito, i'll focus on getting a job in 2 weeks time."

"You're pressuring yourself too much."

"Hindi naman. I have my life goals already set. Sinusundan ko lang yung plano ko sa buhay-- apply for a job, get a job right away, save money, help my parents with the bills...I'm also planning to work abroad."

"Abroad?" Dismay registered on his face.

"Yup. I'm planning to work there para mas malaki yung sweldo. I want my parents to have a very comfortable life in their old age. Gusto ko sila isama mag-travel sa mga places na hindi pa namin napupuntahan."

"How about plans for yourself?"

Parang alam ko na yung pinatutunguhan ng tanong na yun. "I'm not rushing. Nag-eenjoy talaga ako sa kung anong meron ako ngayon. Parents ko talaga ang focus ko, kung may dadating naman para sa akin, that's good." I'm really happy with my life now. Less stress, less conflicts. 

"I agree. So, goodluck with your future plans then. And nice meeting you again."

I was tapping my keyboard habang nag-iisip ng ilalagay sa resume ko. Nagawa ko na yung heading, academic background, seminars attended pati yung mga clubs and organizations na nasalihan ko nailagay ko na. "Sino pa ba pwede kong ilagay dito?" 

CHARACTER REFERENCES:

Diana Avila

Professor, State University of Bulacan

contact number: 0927-999-7456

Elizabeth Quintas

Guidance Councilor, State University of Bulacan

contact number: 0919-321-4568

I need one more. I tapped my keyboard again. I was scrolling through my cellphone contacts nang marinig kong kumatok si papa sa pinto ng kwarto ko. "Lacey, anak. May bisita ka sa baba." Bisita?

Binuksan ko ang pinto at tinanong ang papa ko, "Sino po, Pa?"

"Yung boss mo daw sa Music Mania."

 -=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-END-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

The Ex Factor: It's NOT a Love Story!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon