School year's almost over and I kept myself busy with my academic subjects and the clubs and organizations that I joined. Iba na yung pakiramdam ko sa sarili ko, months after Quin and I talked. Wala na din akong balita kay Jake, just like what he promised me. With both of them cleared from my system, mas naging focused ako sa sarili ko at sa mga goals ko sa buhay. I had to do my best to get good grades at school, get involved in more extra-curricular activities as possible na pwede kong ilagay sa resume ko at to start looking for possible employers.
I also spent more time with my friends, bilang alam namin na after college mas malabo na kami magkita-kita. We had our group date every Fridays and we go on roadtrips on the weekends. Pero recently, we all became busy dahil malapit na naman ang exams, kaya medyo hindi na kami nakakapag-hang out. So I spent more time with my parents during the weekends, kapag wala akong ginagawa. I cooked for them or minsan, kumakain kami sa labas. I saw that they're happier with me spending more time with them, so happy na rin ako. Hindi ko naman magagawa ito kung patay na sila, di ba?
"Aga mo naman dito, Lacey." Pumasok sa loob ng Guidance Office si Patrick-- siya ang Head ng Student Councilors na kinabibilangan ko. We deal with students' drama in life sa pamamagitan ng pakikipag-usap. It was difficult at first, kasi hindi ko alam kung mag-oopen ba sila sa akin ng problema, pero dahil we have trainings and seminars in this organization, hindi rin tumagal nasanay na din ako.
"Oo, kasi yung prof namin absent, so naisip ko pumunta na lang dito." Bumalik ako sa pagbabasa ng libro ko. Ayoko siyang kausapin, promise.
"Good. Mag-miryenda muna tayo sa canteen. Treat ko." I secretly rolled my eyes and sighed. Simula ng sumali ako dito, nag-umpisa na rin ang pambbwisit niya sa akin. Nung midterm, umamin siyang gusto niya ako at tinanong kung pwede daw siya manligaw. Syempre, hindi ako pumayag, ngayon pa na I'm in total control of my life. Pero ito pa rin siya, nagttyaga. I have nothing negative to tell about him-- matalino, mabait, responsable at may sense of humor. Kaya lang...
"Sorry, Patrick, kaka-miryenda ko lang din kasi bago ako pumunta dito. Next time na lang." He didn't push his luck. Gusto ko din yun sa kanya. Inisip ko na lang na ilang buwan na lang naman ipagtitiis ko sa kanya at makaka-graduate na ako.
"Want to take this solo, Lacey?" Lumingon ang lahat ng miyembro ng Glee Club sa akin. We had practice for the inter-collegiate competitions next month at ang nagtatanong ay ang vocal coach namin na si Dave. 2 years pa lang siya nakaka-graduate at Music ang major niya-- kaya nung nalaman daw niya na mago-open ng Glee Club ang school namin, nag-apply siya agad and he got the job.
Na-conscious na naman ako dahil ayoko talaga ng solo parts. Tuwing may solo female part, sa akin niya unang ino-offer kahit na may mas magaling pa sa akin kumanta at magperform on stage-- si Trina. Sabihin na nating siya ang nemesis ko sa pagkanta, pero mas sanay siyang sumayaw-sayaw sa stage kesa sa akin. Wala pa ako sa performance level niya. "Uhm. Maganda nga itong solo na ito pero..." Nakita kong tumingin ng matalim sa akin si Trina. "mas bagay ito sa boses ni Trina."
"True. And this solo requires great dancing, na I doubt kaya ni Lacey." Pagyayabang ni Trina. Suko na nga ako, di ba? White flag raised, wala na akong armas dito. Dave sighed and shook his head.
"Yeah, of course, Trina. Please step forward so I can give you instructions for the part." Tumingin siya sa akin na parang sinasabi niyang sinayang mo na naman ang isang magandang solo.
Ganun lang ang buhay ko in a day. May student paper pa akong inaatupag, pero hindi naman ako gaano kailangan dun kasi contributor lang ako. They asked me to write a one shot story or poem once in a while, pero medyo dumadalas na nga yun recently. I'm getting good feedback from my works at natutuwa naman ako kasi ngayon lang din ako nagsimulang magsulat sulat.
After dinner, nago-online ako at dun na lang kami nag-uusap usap ng tropa sa chat.
imtherika: wazzup!
mad_drake: langit
kelvin_a_thor: lol
Da_Ren: stars?
shooLace: moon!
imtherika: funny
mad_drake: chill, princess. lol
Da_Ren: san si Bert?
kelvin_a_thor: MIA?
shooLace: ikaw pinakamalapit sa kanila, hindi mo alam?
imtherika: baka may lakad?
Da_Ren: nakita ko kanina, dumating na. pero na xa lumabas after nun.
shooLace: call him, Rika.
kelvin_a_thor: or txt?
Da_Ren: chikka!
imtherika: i'll kill u guys!!!!!!!
shooLace: lol
mad_drake: san tau lalarga next week? akyat tau bundok!
Da_Ren: arayat!
kelvin_a_thor: taal!
shooLace: pinatubo?
mad_drake: banahaw!
shooLace: puro kau kalokohan! lol
Da_Ren: cge dun tau sa serious. kamusta na si jake?
kelvin_a_thor: lol
mad_drake: BOOM!
shooLace: NEXT QUESTION PLEASE!
Da_Ren: kidding aside, though?
kelvin_a_thor: waiting..........
mad_drake: .............
shooLace: *rolls eyes* i haven't heard from him since he left. CHANGE TOPIC!
mad_drake: pero namimiss mo?
kelvin_a_thor: yiheeeeeeeeeee!
Da_Ren: waiting............
shooLace: aq ang hotseat talaga?
mad_drake: sumagot ka na lng, dami pa cnsb!
kelvin_a_thor: waiting.............
shooLace: pumapasok xa sa icp ko, once in a while.
shooLace: PLEASE CHANGE TOPIC!!!!!!!!!
imtherika: guys
Da_Ren: yup?
kelvin_a_thor: wut?
mad_drake: what?
shooLace: ???
imtherika: typing...........
BINABASA MO ANG
The Ex Factor: It's NOT a Love Story!
General FictionFirst book in The Ex Factor series. Lacey's boyfriend just broke-up with her. She was hurt very bad at hindi niya malaman kung paano makaka-get over. Join her in her ups and downs and how she would move on and find happiness in this chicklit story.