"K-Kayo may-ari nito?" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. I mean, alam ko naman na mayaman ang pamilya ni Jake, kaya lang kasi sa sobrang simple ng pagkatao niya nawala na yun sa isip ko. Parang kakikilala ko lang ulit sa kanya at ito yung rich version niya, hindi yung free-spirit version na nakilala ko. Tumingin ako sa paligid pagpasok namin sa lobby ng hotel-- para akong nagpunta sa maling party sa itsura ko. Tumigil ako sa paglakad dahil feeling ko pinagtitinginan ako ng mga tao.
Jake stopped walking and looked at me with concern in his eyes. "Okay ka lang ba, Lacey? Is there something wrong?"
"Uhh...Kasi Jake...Parang underdressed yata ako para sa event na 'to. Mabuti pa, umuwi na ako, nakakahiya kasi--"
"Lacey, ano ka ba? You're the loveliest girl in here. You're not underdressed-- you're georgeous." Tumingin ulit ako sa paligid at ngayon napagtanto ko na-- tinitignan ako ng mga tao dahil kay Jake. Siguro iniisip nila, sino ba 'tong mukhang hampas-lupa na kasama ni Joaquin Buenaventura? Gusto kong sampalin ang sarili ko, baka panaginip lang lahat ng ito.
Hinawakan ni Jake ang kamay ko at dumiretso kami sa parteng unahan ng lobby at pumasok sa isang mas malawak na lugar. Para siyang function room--pero malaki ang isang ito. Hindi ko talaga alam kung anong ginagawa ko dito, sobrang nac-conscious na ako sa mga taong tumitingin. May mga taong bumati kay Jake-- pinakilala niya sa akin ang iba, pero walang nag-register sa utak ko kahit isa. Mahina talaga ako sa names and faces.
"Joaquin, hijo!" Lumapit si Jake sa isang medyo may-edad nang babae. Elegante ang hitsura niya sa suot niyang silver and gold na gown. Para siyang beauty queen 30 years ago-- she may have aged, pero ang ganda at poise niya andun pa rin. Bumeso si Jake sa kanya at nabaling ang tingin niya sa akin.
"Mommy, this is Lacey. Lacey, this is my mom." Hinawakan niya ako sa likod ng bewang ko at nakangiti pa habang pinapakilala ako sa mommy niya.
Parang naging gulaman yung mga tuhod ko, biglang nanlamig ang mga kamay ko at parang bigla akong pinawisan. Lumapit ako sa magandang Ginang at ibinigay ang pinakamaganda kong ngiti. "Good evening, Mrs. Buenaventura." She didn't offer her hand, so hindi ko na din ginawa. Bawal yata ang handshake sa mga mayayamang tao.
Binigyan niya si Jake ng isang tingin na may laman-- parang may telepathic message na pinadala ang ina sa kanyang anak. Ano kaya yun? Sana telepath din ako. Bumaling ulit siya ng tingin sa akin at sinabing, "Nice to meet you, Lacey. Enjoy the party, hija." And she excused herself to attend to more guests.
Nagbuntong hininga ng malakas si Jake at humarap sa akin. "Okay! So tapos na ang pinakamahirap na part. I think she likes you."
Napatingin ako bigla sa kanya, surprise registered in my eyes. How could a Mrs. Margarita Buenaventura like me? Pero parang mas sumaya ang mood ni Jake. Nevermind, ayokong i-burst ang bubble mo. Kumuha si Jake ng dalawang inumin mula sa waiter na lumalakad at iniabot sa akin ang isang wine glass.
I hesitated, pero ang sabi nya, "Don't worry. Hindi ka agad malalasing dito. And I won't let you get drunk. Come, we'll have our own party." Bago pa ako makapag-react, hinatak na niya ako papunta sa elevator. Saan naman ako dadalhin nito ngayon? Nakapasok na kami sa elevator at may nilabas siyang susi mula sa bulsa niya. Ipinasok niya ito sa pindutan ng elevator at pinindot ang pulang letter P na buton.
Sobrang awkward. Ano ba 'tong elevator na 'to, slowmotioned? Bakit hindi siya nagsasalita? Bakit hindi pa niya binibitiwan ang kamay ko? At bakit siya masaya at nakangisi na parang tanga? I took the risk of looking at him from my peripheral vision and my heart stopped-- tinitignan niya rin pala ako. Bigla kong binawi ang tingin ko, pero hinawakan na niya ang mukha ko gamit ang kaliwang kamay niya. Kasi yung kanan naka-hawak pa rin sa kamay ko.
"You look really lovely tonight, Lacey. I'm just really happy you're here." Inilapit niya ang mukha niya sa akin at nanigas na lang ako na parang isdang nilagay sa freezer. Akala ko hahalikan na naman niya ako, pero idiniin lang niya ang noo nya sa noo ko. I could smell his breath and feel his lips very close to mine. Gusto kong iangat ang mukha ko pero alam kong nakapag-decide na ako.
Pumikit lang ako hanggang narinig kong tumunog ang elevator. Finally! Feeling ko bumyahe kami papuntang Olympus sa Empire State Building. Please refer to Percy Jackon and the Olympians for more information. Anyways, humiwalay na si Jake sa akin at sinundan ko siya nang lumabas siya ng elevator. Halos nakalimutan kong huminga nang makita ko kung nasaan kami-- sa rooftop ng hotel.
"Ang ganda!" Kulang pa yun para idescribe ang lugar na pinagdalhan niya sa akin-- carpeted ang lugar, may isang table for two sa gitna na may gold linen at may mga dining utensils na nakapatong, may waiter na nakatayo sa tabi ng table at ang bawat sulok ng rooftop ay may lampost. May mini garden sa bandang kaliwa at iba't ibang bulaklak ang mayroon doon. May fountain sa bandang kanan-- isang batang may hawak na pitsel kung saan lumalabas ang tubig. At ang sahig ay puno ng rose petals-- red, white, yellow at pink.
"I'm glad you liked it. Alam kong hindi ikaw yung klase ng babae na mahilig sa luxurious stuff." Yeah, you got it right. Lumakad ako papunta sa railings at tumingala sa langit. Yun na yata ang pinakamagandang sight na nakita ko-- lahat na yata ng stars sa galaxy andoon. I used to look up to the skies when I was younger, making wishes for my future. I could still name some constellations-- Hercules, Orion, Cassiopeia...
"Sobrang ganda dito, Jake." I could stay here all night and watch the stars. Naramdaman ko siya sa tabi ko at tumingin din siya sa langit.
"I never really liked the skies. Hindi ako tumitingin sa langit, araw man o gabi. It makes me....sad. I really don't know why." Napatingin ako sa kanya at nakita ko ngang bigla siyang nalungkot.
I tried to cheer him up, "Is that dinner for us?" I pointed towards the direction of the table. Mukhang gumana naman ang diversion ko kasi ngumiti na siya ulit at inaya ako sa mesa. The food was great! We talked about random stuff at marami kaming nalaman tungkol sa isa't isa. Mahilig siya sa sports-- car racing, wakeboarding, skateboarding-- mga sport na hindi ordinaryo para sa akin. Volleyball lang ang alam kong sport, wala na. Mahilig siyang magbiyahe, local or international man. Ako, wala pang nararating kundi sa Maynila lang.
"Lacey..." He said after we had dinner. We were back on the railing, looking at the stars. His face was expressionless, like he's about to say something heavy. Tumingin ako sa kanya at inantay ang sasabihin niya. "You know how much I like you." Oh, no. Here we go. "I am very willing to wait, you know. Until you're fully healed and ready." Isinandal niya ang likod niya sa railing at tuminign sa akin. "Alam kong nalilito ka pa. But I also know that there's some space for me there." At itinuro niya ang puso ko.
"Jake, you're right. I'm still not sure of my own feelings. Alam ko napaka-selfish ng mga ginawa ko sa 'yo and I didn't mean those things. I'm sorry." Napayuko lang ako at tumingin sa sapatos ko. Alam ko naman sa sarili ko kung ano yung nangyari. I more or less rebounded on him. "You're a very good guy and you don't deserve someone like me."
Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin ako sa kanya. "I already knew your state and yet, I fell for you. Kung may tanga man sa atin, ako yun. So don't blame yourself for whatever's happening now. Anyway, I didn't bring you here to pressure you or something. This is like a farewell party for us." Farewell party? "This will be the last time you'll see me, Lacey. Pupunta na akong Singapore tomorrow to take care of our resort business there. Yun naman kasi talaga ang naka-assign sa akin sa lahat ng businesses namin, umuwi lang ako dito to spend the summer."
I turned away from him and released his hand. Hindi ko kaya 'to. Hindi naman kami pero bakit ang bigat ng loob ko sa sinabi niya? Aalis na siya. Hindi ba yun naman ang gusto ko? Yung matahimik na ako na walang umaaligid na Jake or Quin sa akin? Namumuo na ang mga luha sa mata ko.
"You're not gonna cry on me, Lacey." Niyakap ko siya at hinayaang tumulo ang mga luha. He hugged me back ang I felt how hard this was for him.
"Will you...Will you come back?"
"I'm not coming back." I hugged him tighter. "Unless you want me to."
BINABASA MO ANG
The Ex Factor: It's NOT a Love Story!
General FictionFirst book in The Ex Factor series. Lacey's boyfriend just broke-up with her. She was hurt very bad at hindi niya malaman kung paano makaka-get over. Join her in her ups and downs and how she would move on and find happiness in this chicklit story.