Tapos na ang summer vacation at 2 araw na lang, pasukan na. Last year ko na sa college at ganun din ang mga kaibigan ko. Hindi kami lahat pumapasok sa iisang school-- iba iba kami ng course na kinukuha at pati rin ng school of choice. Ako, Psychology ang kurso sa isang state university dito sa probinsya. Si Rika, kumukuha ng Interior Design sa isang exclusive school for girls sa Maynila-- sosyal talaga ang babaeng yun. Si Bert naman IT ang kinukuha sa isang computer college sa Maynila din at si Kelvin nag-aaral ng Electrical Engineering sa isang college sa kabilang bayan. Sila Drake at Darren, kumukha ng Architecture sa isang university dito. Alam naming hindi kami forever na mga bugoy, may totoong buhay kami na dapat asikasuhin after college.
Kaka-enrol ko lang at kasama ko si Rika sa isang maliit na coffee shop sa tapat ng school. "So kamusta na si Jake? Hindi ka pa nagkwento ng buo after niyo mag-date nung huli. Sinabi mo lang na paalis na siya papuntang Singapore kaya nag-farewell date kayo."
The topic was never brought up after the said date until now. Hinatid ako ni Jake after our date--tahimik ulit ang byahe pauwe. I didn't know why I was sad that time, parang na-heart broken na naman ako. Maybe I was sad to let a new love go. Pero I was not sure of my own feelings that time, actually hanggang ngayon naman. Hindi ko masabi na mahal ko na si Jake kasi may time pa rin na sumusulpot si Quin sa isip ko. Lalo na na mas naging active siya to have me back dahil nalaman niyang wala na si Jake sa bansa.
I took a sip on my mango shake. "Hinatid niya ako sa bahay after the dinner, tapos nag-usap pa kami sandali sa may gutter sa harap ng bahay. Sabi niya hindi niya daw muna ako guguluhin, I need to reach out to him myself, pero he will wait."
"Wait? Ang sweet naman! So mga ilang milenya mo naman siya balak pag-antayin?"
"Milenya ka diyan!", I sighed heavily. "Sabi ko nga sa kanya, hindi ko siya mapapangakuan ng estimated time kung kailan ako magiging ready. Sinabi ko din na I'll take this time for myself, for my friends and for my family. Lately kasi bigla akong na-disconnect sa mga taong mahalaga sa akin."
Rika nodded and understood my point. She smiled at mukhang natutuwa siya sa desisyon na ginawa ko. "Eh pano yung Quin na yun? Para siyang aso, actually. Lagi siyang andiyan kung saan ka pumupunta. Ilang hakbang na lang, stalker na siya, friend!" Sabay tawa niya.
Tama si Rika. Nung malaman ni Quin na umalis na si Jake, lalo siyang naging masigasig na magkabalikan kami. He gave me flowers and other gifts. Kapag nasa mall ako, andun din siya bigla, tapos aayain niya akong mag-miryenda. Kahit sa simbahan tuwing Sunday, andun din siya. I'm really impressed with his perseverance and all. He's back to his original state at hindi na siya yung jerk na sinampal at tinadyakan ko dati. Pero wala nang tiwala sa kanya ang mga kaibigan namin, lalong lalo na si Rika.
"Speak of the devil." Lumingon ako sa direksyon na itinuro ng nguso niya at ayun nga si Quin. Nakita niya kami at ngumiti. Then he walked towards our table.
"Hi, Lacey. Rika." He acknowledged us and pulled a chair from the other table. "Sabi ng mama mo nag-enroll ka daw, so I assumed na andito ka pa. Tapos ka na ba or nag-break lang kayo konti?"
"Tapos na ako, maaga kasi akong pumunta para matapos nga ako agad."
"Good. Gusto nyo bang manood ng sine? My treat."
"No." Mabilis na sagot ni Rika. Nakatingin lang siya sa nilalaro nyang croissant gamit ang tinidor niya.
Ngumiti lang sa kanya si Quin. "Rika, be nicer, please. Hindi ka naman ganyan dati--"
BINABASA MO ANG
The Ex Factor: It's NOT a Love Story!
General FictionFirst book in The Ex Factor series. Lacey's boyfriend just broke-up with her. She was hurt very bad at hindi niya malaman kung paano makaka-get over. Join her in her ups and downs and how she would move on and find happiness in this chicklit story.