Isang buwan na ang nakalipas nang maghiwalay kami ni Quin. Umiiyak pa rin ako. Oo, umiiyak pa rin ako-- bago matulog, pag naliligo, pag nasa bus, pag nanonood ng movie, pag nagbabasa ng libro at pag wala akong ginagawa. Ang daming tanong na umiikot sa utak ko at alam kong wala nang chance para masagot yun. Hindi na ako kinausap ni Quin, kahit minsan. Hindi pa kami nagkita after ng break-up. Okay lang siguro kasi hindi ko din alam ang gagawin ko pag nakita ko sya. Kung anong sasabihin ko, anong ikikilos ko...kung ano-ano.
"Summer job? Anong drama mo? Hindi mo kailangan ng pera, girl!" Gulat na sabi ni Rika ng minsang magkasama kami sa mall.
"Rika, gusto ko magkaroon ng gagawin this summer para--"
"Para mawala sa isip mo yung sira-ulo nating kaibigan? Hay...bilib na talaga ako sa haba ng pagluluksa mo, friend!" Patawang sabi ni Rika.
"It's called coping mechanism, hindi pagluluksa." Mahinahon kong sagot.
"It's the same shit, friend. Hindi ka pa rin maka-move on sa kanya. If I know, nagpaparty yung damuhong yun ngayon at naghahanap na ng bagong chica! Ikaw lang kasi, eh!"
"Uy, 30 minutes na lang pala bago mag-show yung next na movie, oh." Pag-iiba ko sa usapan. Inaya ako ni Rika manood ng sine for comforting-the-broken-hearted-bestfriend purposes.
Mas marami na kaming oras na magkasama ngayon kesa sa mga guys simula nang maghiwalay kami ni Quin. Siguro bilang lalaki sila, naiiintindihan nila yung side ni Quin. Ang hindi ko maintindihan, eh bakit yung taong yun pa yung kinampihan nila! Ako ang biktima, di ba? O lahat sila ganun din ang pananaw sa relationship ngayon? What the hell.
i hav a job 4u, Lace. prepare ur resume 2day. cu @Music Mania after lunch : )
Nabasa ko ang text ni Rika kinabukasan ng umaga. Salamat! Kahit na niloloko niya ako, sineseryoso naman niya yung mga hinaing ko sa buhay. Buti na lang talaga siya ang best friend ko. Tumayo agad ako sa kama at binuksan ang laptop ko. Binuksan ko ang aparador ko at naghanap ng medyo pormal na damit para mamayang hapon habang bumubukas pa ang laptop. At least may magagawa ako to keep my mind off him. I don't mind working, it's only for a couple of months anyway. Ano kayang trabaho yung sinasabi ni Rika?
Nasa entrance ako ng Music Mania alas 2 ng hapon. Ang Music Mania ay ang nag-iisang music store sa mall sa bayan namin. Plinantsa ko muli ng kamay ko ang puting blouse na suot ko katerno ng pencil-cut na palda na isang beses ko pa lang naisuot. Nakita ko na ang kotse ni Rika at agad syang bumaba.
"Fab! Hindi ka mukhang broken-hearted, Lace! Parang hindi mo na kailangan ng summer job na 'to."
"Wag ka ngang patawa, Rika. Ano bang trabaho ang papasukan ko dito?"
"Halika. I'll introduce you to Joaquin." At pumasok na kami sa loob.
"Rika Madriaga! You look great!" At nakipagbeso si Rika sa isang lalaki na naka-t shirt na brown at naka-jeans. At naka-chinelas lang siya at yung buhok niya parang hindi sinuklay ng isang linggo. Hindi, isang buwan. Paano kaya naatim ni Rika makipag-beso sa taong mukhang hindi naligo?
"I'm always great, Joaquin. By the way, this is my best friend, the one I was talking about earlier." At lumapit ako sa kanilang dalawa.
"Lacey Castro, right? I'm Jake Buenaventura. I work here." At iniabot nya ang kamay niya para makipag-shake hands. Nag-dalawang isip pa ako, pero bigla kong naalala na kailangan ko ng summer job, kaya nakipag-kamay na ako sa kanya.
"He doesn't just work here, he owns the store! Wag ka nga masyadong pa-humble, Joaquin!" At tumawa na naman ng nakakaloka si Rika. "Family friend namin sila. We have business together at ngayon lang siya napadpad dito dahil siya ang pinag-manage nitong music store."
Rich kids! Pa-simpleng umikot ang mata ko sa usapang mayaman nila. Iniabot ko ang resume ko kay Jake para matahimik na silang dalawa.
"Oh. No need for that, Ms. Castro. You're already hired. I don't follow the hiring process crap, and besides, sabi ni Rika you only need a summer job. So...you can start tomorrow, if that's okay with you." Pormal na sabi ni Jake.
"Thank you, sir." Matipid kong sagot.
Nasa labas na kami ng mall at hinihintay ang kotse ni Rika ng makita ko ang taong matagal ko nang hindi nakita. Bigla akong nanigas at pakiramdam ko nawala ang dugo sa mukha ko. Napansin siguro ni Rika ang pagbabago ng kilos ko kaya napatingin siya sa direksyon na tinititigan ko. "O-M-G. Lace..."
"Is there a problem, girls? Andito na yung kotse mo, Rika." Narinig kong sabi ni Jake.
"Kotse. Right. Lacey, halika na. C'mon, get in the freaking car." Hinatak ako ni Rika at hindi ko namalayan nasa loob na pala ako ng kotse at umaandar na kami pauwe.
"Si..."
"The jerk! Ang kapal ng mukha! And he dared smirk at me! Nakuuu! The nerve of that guy!"
Hindi ko na alam kung saan napunta yung utak ko. Na-blanko na naman ako, parang hard drive na nireformat. Hindi ko din maramdaman yung katawan ko, para akong nilubog sa tubig ng North Pole. Hindi ko marinig yung sinasabi ni Rika, hindi ko alam kung bakit siya bunganga ng bunganga at parang high blood na high blood siya. Nakatingin lang ako sa dinadaanan naming kalsada, pero hindi ko alam kung asan na kami. Para akong lutang, ganito kaya ang feeling pag multo ka?
"Alam mo Lacey, hindi ko maintindihan kung bakit hindi ka pa rin maka-get over sa taong yun! My God! If I were you, sinakal ko na sya right then and there! Or sinampal ko na sya ng bonggang bongga hanggang sa makalimutan nya yung pangalan nya!" Napalingon ako sa kanya nang tumigil na sya sa kakasalita. "Friend?"
Huminto na ang sasakyan sa tapat ng bahay namin at tumingin ako sa labas. Bumalik na ako sa huwisyo. Nagagalit si Rika sa taong yun dahil sa nakita namin. Naramdaman ko na ang sakit sa dibdib ko. Sobrang sakit, para akong aatakihin. Para akong sinaksak. At dun ko nahanap muli ang boses ko. "May kasama na syang iba."
BINABASA MO ANG
The Ex Factor: It's NOT a Love Story!
General FictionFirst book in The Ex Factor series. Lacey's boyfriend just broke-up with her. She was hurt very bad at hindi niya malaman kung paano makaka-get over. Join her in her ups and downs and how she would move on and find happiness in this chicklit story.