Sometimes we need to pretend that we're strong even when we're really weak inside.
HERA GRACE MONTELLANO
"What?! You're pregnant!" Galit na sigaw sa akin ni Daddy. Wala akong ibang magawa kundi yumuko at dinggin lang ang galit niya. Wala na ang matapang na Hera. Natangay na din ng hangin ang palabang ako.
"Naisip mo ba kung anong kahihiyan ang dulot mo sa pamilyang ito? Puro na nga problema ang dulot mo, nagpabuntis ka pa?" Patuloy niyang bulyaw sa akin. Ramdam ko sa bawat bigkas ng kanyang mga salita ang disappointment, hiya at higit sa lahat galit.
"Hera, wala ka na bang ibang alam gawin kundi bigyan kami ng problema? Hindi ka gumaya sa Ate Penelope mo! Bukod sa hindi bulakbol na gaya mo, masipag mag-aral at alam dumiskarte sa buhay! Hindi naglalandi!" Napapikit na lamang ako ng mariin dahil sa sinabi ni Mommy. Ganito naman lagi, mula pagkabata ay puro pagkakamali ko na lagi ang napapansin. Sa aming dalawa nga naman ni Ate Penelope, siya yung perfect daughter ako yung may depekto.
"We've experience enough of your shits Hera. We may be your parents but it doesn't mean that we will stand by you until the end.Matuto ka sa pagkakamali mo ng mag-isa." Madiing ani Daddy. Sa pagkakataong ito, alam ko na kung anong ibig niyang sabihin.
Iiwan nila ako. Kung akala niyo luluhod ako at magmamakaawa, hindi ko yun gagawin. Hindi dahil sa pride ko kundi dahil alam kong mapapagod lang ako. Ilang beses ko nang sinamba at niluhuran ang mga paa nila pero wala naman akong napala. Wala. Masyado kasing nakafucos yung mga atensyon nila sa isang anak, si Ate Penelope.
Kaya kung itatakwil nila ako at iiwan para magmigrate sa America, ayos lang. Kahit mahirapan ako, ayos lang. Kahit maiwan ako, ayos lang. Mas gugustuhin ko na sigurong mamuhay ng mag-isa at malayo sa kanila kaysa yung kasama nga ako sa kanila pero pakiramdam ko naman nakikisiksik lang ako sa pamilya.
Maiintindihan ko pa sana kong ampon ako o anak sa labas kaya noon pa lang ay malayo na ang loob nila sa akin pero hindi eh. Sadyang nakapili lang siguro ang puso nila na sa aming dalawa, si Ate Penelope ang karapatdapat sa pagmamahal nila. Habang ako, natuto na lamang magkasya sa kakarampot na pagmamahal.
"We're leaving two days from now. Kung wala kang maipakitang ama niyang dinadala mo kalimutan mo nang pamilya mo 'to."
That was my father's last words. Their last words bago nila ako tuluyang iwanan.
Paano ko kasi maipapakilala ang ama ng dinadala ko kong mismo ngang ako di ko maalala ang nangyari sa akin kaya nagkaroon bigla ng buhay sa sinapupunan ko.
Gayunpaman, iniwan man ako ng pamilya ko hindi yun sapat na dahilan para isuko ko ang buhay na 'to.
Mas makakaya kong harapin ang lahat ng panghuhusga at pangmamaliit kaysa harapin ang kasalanan ng pagkitil sa inosenteng buhay.
Anuman ang mangyari, bubuhayin ko ito. May ama o wala. Mag-isa man o may kasama.
*-*
"Paano kasi nangyaring buntis ka?" Di mapakaling pabulong na tanong sa akin ni Summer. Siya sana ang kasama ko noong gabing pumunta ako sa bar kaso di niya ako sinipot dahil naharang ng magulang. Yun yung gabi ng buhay ko na hindi ko maalala ng malinaw ang mga nangyari.
"Malamang dahil may sperm na nangfertilize sa egg." Simple kong sagot habang pinaglalaruan ang kinakain kong spaghetti. Binatukan naman niya ako.
"Gaga ka! Bakit kong makapagsalita ka parang wala lang ang nangyayari sa'yo? Para sabihin ko sa'yo girl! Life and death situation din yan. Una, itinakwil ka ng pamilya mo. Pangalawa, wala kang pera. Pangatlo, bun..." tinakpan ko na agad yung bunganga niya bago pa siya marinig ng mga estudyante sa buong canteen.
BINABASA MO ANG
My PREGGY Brat (COMPLETED)
General FictionSinong nagsabi na mga good girls lang ang kayang magpatino sa mga playboy at bad boy? Well, well, well, ang kwentong ito ang magpapatunay na kaya din ng matigas ang ulong buntis na baguhin at paibigin ang ubod ng babaero at iresponsableng lalaki. NI...