Chapter 7

80.5K 1.5K 48
                                    


Sometimes what we think as the best escape to a problem is actually the start of a bigger trouble.

WINTER AIZE ALTAMIRANO

Mag-aalasnueve na ng gabi pero heto pa rin ako at palihim siyang pinagmamasdan habang nakaupo siya sa gilid ng pool. Sakto kasing nakatapat ang balcony ng kwarto ko sa swimming pool namin sa labas. Madali ko lang tuloy siyang mapagmasdan. Ilang beses na din siyang binalikan ni Summer sa kinauupuan pero hindi niya ito makumbinseng matulog na.

She seem to be on her deepest thoughts. I wonder what's on her mind coz I'm really bothered on how her eyes looks so sad and vulnerable. Para bang pasan niya ang mundo at ilang beses ko ding nakita ang pagtaas baba ng balikat niya buhat sa pagbuntong hininga ng ilang beses.

Nadala na dito sa bahay yung mga gamit niya kanina pang alas sais. Yung mga guard na sana ang kukuha sa bahay ng sinasabi niyang tinutuluyan niya pero nagpumilit siya kanina na sumama dahil gusto daw niyang personal na magpasalamat sa matanda. Hindi niya daw kayang umalis na lamang doon ng hindi man lang nakikita ang matanda at lubos na pasalamatan ito.

I can't help but be curious sa kung anong klase bang pamilya meron siya at nagawang itakwil siya sa simpleng dahilan na buntis siya. Sa aming dalawa, mas katakwil takwil yata ang kagaguhan at katarantaduhan ko but my parents never resorted on throwing me away. Kadalasan hanggang banta lang o katulad kanina na ginagawan nila ng paraan ang lahat ng troubles ko.

Naiinis man pero hanggang inis lang ako dahil sa huli I know that they are just doing everything para sa ikakabuti ko. I just wished ganun din ang ginawa ng magulang niya kay Hera. It's not as if getting pregnant at a very young age is a crime. Ano din kayang klaseng lalaki ang nakabuntis sa kanya at hindi niya magawang supurtahan si Hera? Or does he knows that he got her pregnant if that is just one drunken night?

And Winter, bakit ka ba nangingialam sa buhay ng babaeng yan? Kailan ka ba nagkainteres sa isang babae, di ba dapat yung mga babae ang magtatapon ng interes sa'yo? Nagulo ko ang buhok ko dahil sa inis. Bakit nga ba ako nangingialam?

As if!

"Oy Hera tulog na tayo. Bawal sa buntis ang magpuyat." Dinig kong ani Summer. Lumabas na naman ito para tawagin ang kaibigan. Napahawak naman sa impis ng kanyang tiyan si Hera saka dahan dahang tumayo. Pinagpag niya ang kanyang pwetan saka tumango at tahimik na sumama sa kapatid ko.

Napaisip naman ako sa kung ano pang pinaggagagawa ko sa balcony sa isang malamig na gabi kaya pumasok na ako sa kwarto ko para matulog.

Naalimpungatan ako dahil sa malakas na katok sa pintuan ko. Marahas akong napabangon at akmang sisigawan ang pangahas na kumakatok ng magsalita ito galing sa labas.

"Ang swerte mo't binibisita ka pa ng Mayor ng siyudad na 'to. Inutusan ako ng Mama mo para gisingin ka kaya wag mo akong sisigawan kundi masasapak kita." Imbes na mainis ay napangisi ako dahil sa sinabi niya. Is that the way she'll great me good morning? Aish! So boyish! Parang hindi buntis.

"Give me a minute. Ligo lang ako." Nakangisi pa ring sagot ko sabay lapat ng pisngi ko sa pinto. Wala kong balak na buksan I just wanna hear her up close.

"Bilisan mo tsaka kung ako sa'yo papagwapo na ako ng bongga. Kasama ni Mayor yung unica iha niya. Dito daw sila magbbreakfast sabi ng Mama mo." Pigil ang boses akong napamura dahil sa sinabi niya. Bigla kong naalala yung usapan kahapon. Ito na ba yung sinasabi ni Mama. Everything wasn't a prank?

My PREGGY Brat (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon