The heart is a man's greatest enemy.WINTER AIZE ALTAMIRANO
The baby is perfectly fine. Himala din daw na pati si Hera maganda na ang response ng katawan sa pagbubuntis hindi tulad ng dati na pwede pang ikalaglag ni baby ang isang maling galaw niya.
It's quite a relief.
Pwede na daw siya lumabas labas at mag-exercise basta hindi lang ganun kastrenuous ang bawat galaw niya. That means, mas titigas na naman ang ulo niya at hindi na basta basta mauutusan na huwag masyado maggagalaw tulad ng dati.
Matapos ang check up niya ay agad din umalis si Dra. Sanchez dahil may appointment din daw ang isang buntis sa kanya. I just left her in her room para sandali siyang makapagpahinga. I just feel like something is bothering her again at hindi ako manhid para hindi maramdaman na dahil yun sa akin.
As much as I want to thoroughly talk to her, alam kong hindi pa siya handa. Ayaw ko naman siya biglain dahil maging ako nga na nakakaramdam ay ganun na lang din ang pag-iwas sa kanya para lang sa huli ay mapagtanto din na hindi na ako makakatakas pa sa nararamdaman ko.
Indeed, the heart is a man's greatest enemy.
"Son, how's Hera?" Tanong bigla ni Dad sa akin habang andito ako sa office niya. Mula nang magtrabaho ako sa kompanya, he gave me the freedom to stay in here whenever I need to. May finafinalize nga akong report at isinara ko ang laptop coz I felt his need to talk to me.
"Fortunately, she's fine. Hindi na niya kailangan magkulong dito sa bahay." Sagot ko saka umayos ng upo samantalang si Papa ay naupo na sa usual swivel chair niya sa mismong mesa niya and I'm just sitting across him. Tumango si Papa saka ipinatong ang parehong kamay sa mesa at mataman akong pinakatitigan.
"May nangyari ba kagabi? Bakit bigla na lang kayong umalis?" Napayuko ako sa tanong ni Papa. What shall I say? Sinuntok ko ang sarili kong pinsan dahil sa selos?
"May isyu ba kayo ni Lay?" Nag-aalangan akong umiling dahilan ng pagngisi niya. Tila may alam sa kung ano ba talaga ang nangyari.
"Is it about Hera?" Doon ako napaangat ng tingin sa kanya. Napahawak ako sa batok ko dahilan para bigla siyang humalakhak. Kunot noo ko siyang tinitigan. He really looks like my older version. Now I know what i'll look like after I age.
"Pa! Stop it. You seem to lose your sanity!" Lalo namang natawa si Papa sa pagsaway ko sa kanya pero mayamaya ay nagseryoso din siyang tumingin sa mga mata ko.
"I may look exactly like you physically but we're never the same, Winter. Back then, your Mom needed to pull a prank of marrying an older man just for me to confess my long keeped love for her. But son, you're a lot bravier and i'm proud for you." Nakangiting saad ni Papa na hanggang ngayon ay hindi ko pa masyadong makuha ang pinupunto niya.
"You're too obvious and transparent. You're not afraid of rejection. From the very start, by the look on your face we know very well that Hera won't just be Summer's bestfriend in your eyes." Napayuko muli ako sa sinabi ni Papa. Somewhat, he's right but a part of it isn't really true.
"Pa..." he momentarily stopped and intently gazed at me dahil sa pagtawag ko sa kanya.
"I'm actually scared." He nodded, signaling me to continue.
"I'm afraid that she might not be able to feel the same way I feel for her. Baka ngayon iniisip niya na trip ko lang siya coz I was never good towards women in my life, just now and I think it is not even enough to woo her." Dagdag ko."Son, nobody is perfect and we are actually more than glad that you've changed...a lot. I'm more than sure that she's still on the process of contemplating herself. Hindi dahil sa nakaraan mo kaya siya umiiwas, it's because she's deciding not just for herself but for her baby." Tumango ako sa sinabi ni Papa. Maybe, Dad is right. Hindi naman dapat minamadali ang lahat. Although something is still bothering me.
"Winter, please understand that you're wooing two souls. Hindi lang si Hera."
"But Pa, mas natatakot kasi ako sa biglaang pagsulpot ng nakabuntis kay Hera." Natigilan si Papa dahil sa sinabi ko.
"What if masaya na kami tapos bigla siyang dumating? Wala akong laban Pa. Do you know that this may sound silly but I really did, ipinagdadasal ko na sana......sana ako na lang ang nakabuntis sa kanya. Kahit alam kong napakaimposible." Tinapiktapik ni Papa ang kamay ko na nakapatong sa table dahilan para mag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Love isn't always about happiness and peace. Most probably than not, it is about risking yourself between the line. If you really love her, you won't mind those negative thoughts on your head hinder you." Seryosong ani Papa.
"Oh Kuya, handa na ba lahat?" Ngumiti ako kay Summer dahil kanina pa siya nangungulit kong tapos na daw bang naihanda lahat ng pagkain, bulaklak at balloons.
Well, dati naman kasi wala akong pakialam sa mga ganitong kakornihan. For me, birthdays are spent in the bar. Hindi yung ganito na may balloons at bulaklak pa na nalalaman. Tsk girls and their crazy stuffs, I use to think that way pero dumating siya kaya pakiramdam ko kulang pa ang mga mamahaling pagkain at cakes na nakahanda.
"Everything is up. Summer katukin mo na si Hera." Utos sa kanya ni Mama kasabay ng paglinya ng mga kasambay namin sa dadaanan niya papuntang dining area.
"Make sure na mapalabas mo siya Summer."banta ko sa kanya na ikinatawa lang niya saka pakendeng kendeng na tinungo ang kwarto ni Hera.
Tinapik naman ni Papa ang balikat ko saka tumango at pumunta doon sa tabi ni Mama na malawak ang pagkakangisi.
I hope she'll like it.
Maya maya ay bumukas ang pinto ng kwarto ni Hera at naunang lumabas ang malapad ang ngiti na si Summer. Agad pumuwesto si Summer sa tabi ko sakto namang lumabas si Hera na nakawhite maternity dress. It looks simple but she's just so gorgeous wearing it.
"Happy Birthday Hera. Happy birthday 3× to you."
Everyone sang and I myself can't help but sing with them while Hera just stood there dumdfounded and surprised.
Natapos ang kanta kasabay ng pagsigaw nila Mama at Summer ng *surprise*
But what we didn't expect is for her to breakdown and cry.
_____
#short update.
BINABASA MO ANG
My PREGGY Brat (COMPLETED)
Narrativa generaleSinong nagsabi na mga good girls lang ang kayang magpatino sa mga playboy at bad boy? Well, well, well, ang kwentong ito ang magpapatunay na kaya din ng matigas ang ulong buntis na baguhin at paibigin ang ubod ng babaero at iresponsableng lalaki. NI...