Chapter 29

58.5K 1K 54
                                    

Love is a mixture of happiness, excitement, sorrow and pain.

HERA GRACE MONTELLANO

Isang linggo na din ang nakalipas mula noong makalabas ako sa ospital. Sa kabila ng lahat, iniuwi pa din ako nina Tito at Tita kahit pa nag-alok na si Clark na isasama na niya ako.

"They're my responsibility Mr. and Mrs. Altamirano. I believe I can take care of them as well." Magalang naman na paalam niya kina tita noon at para lang akong natuod sa wheel chair. Di malaman kung anong tama sa mali.

Kung sasama ako kay Clark para na ding walang utang na loob ang labas ko dahil lang dumating yung totoong ama ni baby ay linisan ko na sila at baka lalong mapalayo sa akin si Winter.

Just the thought of him pains me. All he ever did was to love me...us. But this is how I repaid him.

Kapag naman sumama ako kina Tita, parang ang kapal pa din ng mukha ko dahil matapos ko silang paglihiman ay makukuha ko pang makisabit sa kanila. Mas lalo ko na ding ipapamukha kay Clark na ayos lang talaga dapat kahit hindi na siya dumating.

Ang gulo gulo. Ang bigat bigat sa pakiramdam. Hindi ko akalain na sa simpleng paglilihim ko dito mauuwi ang lahat.

"We know you can Mr. Shintosa but she still need to come with us. Mas maaalagaan namin siya. I believe wala ka pang experience sa pag-aalaga sa mag-ina or sa baby...and you're way too busy." mahinahon naman na sagot sa kanya ni Tito Art.

Dahil sa sinabi niya, I should have felt relieved kasi sa kabila ng lahat gusto pa rin nila akong alagaan pero nangibabaw sa akin ang guilt at hiya.

Kung pwede ko lang takasan ang lahat at lumubog na lang sa kinauupuan ko noon ay mas nanaisin ko pa yun. Pero wala eh...kailangan kong harapin ang lahat. I need to face the consequence of my act.

"Ok.." napapabuntong hiningang sagot ni Clark at batid kong sa amin siya ni baby Skyler Khione nakatingin.

"But expect me to visit your house every now and then....I missed 9 months of their lives and now that i'm here I would like to partake on my son's growth." Dagdag niya na agad namang sinang-ayunan nina Tita. Bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay batid kong puno ito ng sinceridad at lalo lamang nitong pinapatindi ang kirot sa puso ko.

I really messed up bigtime. Kasalanan ko kung bakit ako naiipit ngayon sa sitwasyon. Blame it all on me.

Hindi nga nagpatinag si Clark at talagang pagdating na pagdating pa lang namin sa mansion ay may personal yaya na para daw sa amin. To help me with the baby. Halos lahat ng kakailanganin ko ay meron na din sa pamamagitan ni Clark na noo'y sumunod pa talaga sa bahay.

Hindi na din tumutol pa noon sina Tita at sa halip ay natutuwa dahil seryoso daw si Clark bilang isang ama. But I know that deep within their smile is pain for their own son na tuluyan na ngang sa condo tumira.

Lagi namang bumibisita si Clark every 6 to 7:30 am ng umaga at 7:30 ng gabi ulit bumisita saka pass 10 pm ng gabi kung umuwi dahil inaantay talaga niyang tuluyang mahimbing ang tulog ni baby.

Madalas ko siyang mahuling nakangiti habang nakatitig lang kay baby. He seem so loat at the same time contented staring at his son.

Di ko din maiwasang mapangiti sa tuwing todo iwas siya ng tingin kapag binebreastfeed ko si baby kahit sa harap niya.

My PREGGY Brat (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon